HE K*LLED MY SISTER

340 3 1
                                    

HE K*LLED MY SISTER

July 25, 2009. Araw na hindi ko malilimutan. Araw kung kailan nakilala ko ang lalaking nagpatibok ng aking puso, lalaking pangarap ko na sasalubong sa akin sa altar at makakasama ko habang buhay, Sya si Ian (hindi tunay na pangalan) nagkakilala kami sa isang pagtitipon na kapwa namin dinaluhan, masaya ang gabing yun dahil nakilala ko sya, agad kaming nagkapalagayan ng loob at nagpasya na nagpalitan ng numero. Nagdaan ang ilang araw, linggo, at buwan nagpatuloy ang aming pag-uusap hanggang sa umamin sya na may pagtingin sya sa akin, ganun din naman ako sa kanya pero natakot ako dahil baka masaktan lang ako ulit at ayoko ng maulit pa ang nangyari noon. Sinabi ko sa kanya na tigilan nya na ang panliligaw sa akin, ngunit pursigido syang makamit ang matamis kong "OO" kaya araw-araw nya akong sinusuyo at kahit mga magulang ko ay nililigawan nya rin, doon ko nakita na karapat dapat sya. Hindi nagtagal sinagot ko sya, habang tumatagal mas lalo ko syang minamahal dahil iba sya sa unang lalaki na aking nakilala, isa syang responsable at mabait na kapatid at anak sa kanilang tahanan, iyon marahil ang dahilan kaya lubos ko syang minahal. Lumipas ang mga taon ay napagdesisyunan namin na magpakasal.

July 25, 2014. Petsa na aming itinakda para sa aming kasal, napakaperpekto na ng lahat. Mula sa preparasyon ng pagdadarusan ng kasal hanggang sa mga damit na aming susuotin, ngunit sa hindi inaasahang pangyayari gumuho ang lahat.
Meron syang babaeng nabuntis dalawang taon na ang nakararan na nagpagulo at sumira ng lahat. Dahil sa isang pagtitipon na dinaluhan ni Ian. Nabuntis nya ang isang babae doon dala na rin marahil ng kalasingan at pambubuyo ng kanyang mga kaibigan. Napakasakit. Napakasakit isipin na nakabuntis sya ng ibang babae, wala akong kaalam-alam sa nangyari, Pero wala nang mas sasakit pa na tinulungan sya ng mga magulang nya na itago sakin yon, itago ang bata at inilihim nila ang lahat, pinagtakpan nila ang anak nila. Dahil ba sa pera ko? dahil ba sa pera at yaman ng pamilya ko kaya nila ginawa yun? Napakasakit. Ayoko ng ituloy ang kasal. Para saan pang ituloy ang kasal kung puro pagtataksil at kasinungalingan ang lahat? Nais ko sanang sabihin na nagdadalang tao ako sa araw mismo ng aming kasal ngunit wala ng magaganap na kasalan kahit kailan. Gusto kong itanong kung bakit nya yun nagawa sa akin ngunit sa tuwing nakikita ko sya hindi ko sya kayang titigan sa mata, pandidiri at galit na ang nakikita ko sa kanya, hindi ko sya matitigan gaya ng noon na puno ng pagmamahal. Gumuho at winasak nya ang mundo na binuo naming dalawa, hindi ko na nais pang pakinggan ang mga sasabihin nya dahil puro nasinungalingan na lamang iyon, ni hindi ko nga alam kung totoo ba talaga yung pagmamahal nya sa akin dahil kung totoo iyon ay hindi nya magagawa ang lahat ng ito.

This comes from my sister's diary 3 years ago before she commit suicide. She hang herself at the ceiling inside the bathroom, cut her wrist and drink some drugs. She chose to end her life because of the unbearable pain.

P.S. I just summarized the whole story.
P.S. Don't mention me here friends.

HerSister
2009
Unknown

Secret Files PHWhere stories live. Discover now