No title

370 5 1
                                    

Tawagin nyo nalang akong Jasmine. When I was in college I met a guy, his name is James. Of course, not his real name. Classmate ko sya in one of our subject and kasama ko sya sa training ng ROTC sa school. At first, wala naman talaga akong pakialam sa kanya. AS IN WALA! Kasi di naman sya gwapo or attractive man lang sa mga mata ko. Tsaka di naman sa pagmamayabang pero kahit papano madami namang nagkakagusto at nanliligaw sakin sa school. Mejo famous ba, siguro dahil na din sa mga hairstyle ko na kada month ata pabawas ng pabawas.

So yun na nga, one day nagkayayaan kaming magkakaibigan. Hanggang sa naisipan namin syang isama, di kasi sya KJ tsaka mabilis yayain. Super funny sya kasama, mabait, puro kalokohan ang alam kaya naman nakakagiliw talaga. Minsan, dahil boring ang Math Class namin dino-drawing ko pa sya sa sobrang giliw ko sa kanya..

FAST FORWARD...

Nagtuloy tuloy nga na ganun. Hanggang sa one time habang nasa byahe ako pauwi with my best friend. Nakatanggap ako ng text message from him. Hanggang sa biruan syempre alam ko na mga moves ng lalakeng yan kasi nga nakailan na din naman ako. Hanggang sa nagpalitan kame ng I love you, pero after that hindi na kame nagparamdam sa isa't isa.
AFTER A MONTH..

Nagparamdam ulit sya, nagkatex kami hanggang sa one time niyaya nya ako sa kanila. Movie Marathon daw, dahil sa alam ko na mabait sya. Agad agad ang oo ng lola mo. So ayun, walang movie marathon na nangyare kasi nagkwentuhan lang kami all night.

Madaming gabi na ganun yung gawain namin, kung di naman kakain kame ng madaming madaming burger. Until naging close kami, at di ko namalayan na fall na pala ako sa kanya. Na mahal na mahal ko na pala sya.

So ayun, naging ayos naman kami, naging masaya sobra. May mga times lang na sabi nya wag ko daw sya itext muna kasi kasama daw nya "mama" nya. Di pa daw kasi sya pwedeng mag gf kaya yun. Oo naman ako. After ilang months. December nun, sabi nya sakin may aaminin daw sya. Una ayaw nyang sabihin pero pinilit ko sya, sabi nya wag ko daw syang iwan pero kasi may Fiance sya. At pag eighteen na daw sila, saka sila ikakasal.. Na broken ako nun sobra. Napraning ako, nawala sa sarili at kung ano ano pa. Hindi nalang ako umimik at sinabing "OK" kahit ang sakit sakit.. Hanggang sa naging okay naman ulit kame, Masaya ulit. Kaso after few months lang, nakitex sya sakin sa kaibigan nya daw. Kinamusta nya lang naman kaso ang reply.. "Nakita kita kanina kasama mo anak mo, kamukhang kamukha mo ahh." Nung nabasa ko yun para akong binuhusan ng malamig na tubig. I ask him kung may baby na sya, sabi nya "WALA" tas niyaya nya ko sa kanila. So sabi ko "OK" tas habang nakahiga kame, I ask him again kung may baby ba sya o wala. Niyakap nya ako and ask for forgiveness sa pagtago nya. Sabi nya meron, pero ampon daw.. Kesyo ganyan, ganon.. So on and so.. Natulala ako sabay sabing "Uuwi na ako". Umiyak sya at sinabing wag mo akong iwan. Sabi ko "Pagiisipan ko." After that, nagulat na lang ako may nagtext sa akin na asawa nya daw.. Goooosssh!! Naiyak ako that time, di ko alam kung ano ang gagawin ko. Na all those times na magkasama kame, akala ko the one ako, isa pala akong KABET??!! wtf. Lumayo ako kasi ayaw kong manira ng pamilya. Madaming nangyare, awayan, sumbatan, pilian hanggang sa naghiwalay na daw sila ng tuluyan kasi ako ang pinili blah blah blah. At dahil mahal ko nga sya, tinanggap ko sya ulit sa buhay ko.

Sa pagtanggap kong yun ang daming struggles, nahuhuli ko sila na nagsesex habang kami tas itetext ako nung girl na itago naten sa pangalang Steph na misunderstanding daw yun. HAHAHA tang ina. Dahil sa ayaw ko ng away, hinayaan ko nalang.

Few months later, Dec of 2014. Madami nagsasabi sakin na palagi daw si Steph sa bahay nila James. Di ko naman pinaniniwalaan kasi sinasabi sakin ni Steph everyday na hindi na nya mahal si James and di na nya ito babalikan kahit anong mangyare. Na di din daw totoo na, nagpupunta pa sya kila James. Hanggang sa nanlamig sakin si James ng sobra. No call, no text. Everytime na icocontact ko sya di na sya sumasagot. Hanggang sa umabot ng 3months na ganun. Dahil dun, minabuti kong maghiwalay nalang kame, pero before that gumawa talaga ako ng paraan para lang magkita kame. Nung nagkita kami para namang walang nangyare, sabi nya bigyan ko pa sya ng chance. So si ate girl, binigyan sya ng chance pero nga nga. Kinabukasan wala ng James.

Mas mabilis pa sa bula na naglaho. Ilang buwan nang wala kame ng nalaman ko na buntis nanaman yung girl, YES! NABUNTIS HABANG KAMI. BINILANG KO E! KAMI PA NUN!! KAMI!!! pero nanahimik nalang ako.. Kasi may bf na din naman akong iba and mga six to eight months na kami that time. After a year ng break up ko with james, nalaman ko from common friends na wala na sila, and pupunta si james sa bahay ng friend namin. So ang lola mo, dali dali din nagpunta dun kasi nga talagang di pako nakakamove on sa kanya. AS IN. Pagdating dun, nabuhayan ako ng dugo. Nagkantahan kame kagaya ng lagi naming ginagawa at kung ano ano pa. After a month na okay kami, nagbalikan kame last February 2016.

Akala ko tapos na. Pero di pa pala, ilang buwan pa lang kami nuon pero ilang beses ko na sya nahuli na nambabae, hindi nga sa ex nya pero sa kung sino sino naman. One time, nahuli ko pa syang nakipag sex sa isang babaeng daig pa ang pokpok. Gosh! Nakailang sampal nako pero ang tibay ng mukha nya mga bes. Talaga naman.. Hanggang sa nagplan sya na mag baby na kami. After a few months of trying eto na shadaaaaa mag 7 months na ang baby namin sa tummy ko actually pasipa sipa sya while I'm typing this and malapit na din kami magpakasal.

Thank God! and sa lahat ng tsismosa jan na chinichismis akong KABIT, HAHAHA Mainggit kayo at antayin nyo kung sinong magiging kabit in the end. Chill lang di pa tapos ang laban. Thanks admin!!!

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon