ANNIVERSARY

495 6 0
                                    

ANNIVERSARY

2 months nalang.
Paano ko kaya susurpresahin?
Kainis wala pa kong maisip. Hmmm.

(Isang bwan na pag iisip)

Alam ko na ang gagawin ko.

Bumili ako ng 40 pads na stickynote na kulay pula. Bawat piraso sinulatan ko ng mga maiikling love letter..

"You're the most beautiful girl in the world."
"You're the reason why I'm happy."
"You complete my life."
"You're the one that I wanted to be with for the rest of my life."

Gusto ko kasing iparamdam sa kanya.. kung gaano nya kinumpleto ang buhay ko.

Pag aaralan ko rin tugtugin sa gitara ko yung paborito nyang kanta. Yung thinking out loud ni Ed Sheeran.

Bumili rin ako ng sketchpad. Dun ko sinulat ang mga gusto kong sabihin sa kanya.

(dumating na ang araw ng aming anniversary ang araw na aking pinaghandaan.)

Umaga palang tinext ko na siya.
"Mahal di muna tayo makakapag celebrate ngayon ha? Di pa tapos thesis eh bukas nalang."

Nagalit siya...

"Bahala ka. Wag nalang."

Nasa school pa siya nang pumunta ako sa bahay nila dala ang mga stickynote, sketchpad at ang aking gitara.

"Tita at tito, susurpresahin ko po sana ang anak nyo. Anniversary po kasi namin ngayon."

- "Sige anak. Tulungan kana namin"

Idinikit ko ang mga sticky note nang pahugis puso sa pader ng kwarto nya.

Ano pa kayang pwedeng idagdag?
Alam ko na..

Umorder ako ng 20 piraso na pulang lobo.
Sa bawat tali, may isang pulang pusong nakasabit. 20 lobo, 20 puso. napakarami pero kakayanin. Bumili din ako ng limang bouquet ng rosas at ipinag sama sama ito sa iisang lalagyan. Gumawa din kami ng parents nya ng banner at nakalagay dun ang mga salitang..

"HAPPY 2ND ANNIVERSARY MAHAL! You're the best gift I've ever received."

Nauubos na ang oras.. Nakakapagod pero para sa babaeng pinakamamahal ko. Ayos lang ang lahat. Isipin ko lang ung mga ngiti nya kapag nakita nya to. Nawawala na ang pagod ko.

Habang paparating na ang oras ng kanyang paguwi lalo akong kinakabahan.

(Dec.13, 2014-06:45pm)

Sa pinto palang ng bahay pinalagyan ko na siya ng blind fold sa kapatid nya. Habang inaalalayan siya ng parents nya sa pag lalakad papunta sa kwarto.

Pag bukas nya ng pinto..,

sinimulan ko ng tugtugin ang paborito nyang kanta habang tinatanggal nya ang blindfold sa kanyang mga mata.

" When your legs don't work like they used to before
And I can't sweep you off of your feet
Will your mouth still remember the taste of my love
Will your eyes still smile from your cheeks...

So honey now
Take me into your loving arms
Kiss me under the light of a thousand stars
Place your head on my beating heart
I'm thinking out loud
Maybe we found love right where we are"

Unti ng bumabagsak ang mga luha habang sya'y naka ngiti.

Tumayo ako at ibinigay ang malaking bouquet ng rosas. At sinabing "Mahal na mahal kita"

Niyakap nya ako ng sobrang higpit.
At bumulong na..

"Mahal din kita, mahal na mahal."

Napawi lahat ng pagod ko. Sa mga salitang yan. <3

Thomasian love tamaraw
2011
Faculty of engineering

Secret Files PHWhere stories live. Discover now