Fix you by Coldplay

313 6 0
                                    

Fix you by Coldplay

"Bagsak final grade ko (6 units)nakipag hiwalay yung boyfriend ko, namatay yung aso ko na 8yrs.old, ninakaw sa Dapitan yung phone ko (sinagot ko yung phone para lang marinig na nakikipag hiwalay yung bf ko sabay pagbalik ko sa bulsa wala na) Lahat yan nangyari sa isang araw di ko alam kung bakit pero sobrang sakit.. Di ko alam ano yung ranking ng sakit ng bawat isa.
Umupo ako malapit sa seminary gym yung sa malapit sa cr. Sakto break time ata ng mga seminarista may isang lumapit sakin nakita nya atang iyak ako ng iyak pero di ko sya pinansin kahit tanong sya ng tanong at inabutan nya pa ko ng tissue. Sa inis ko sinabi ko ng pasigaw yung mga kamalasang nangyari sakin pero wala akong narinig ng kahit anong salita sa kanya. Kala ko papayuhan nya ko di pala. After 5 mins. Tumayo ako naglakad ako palayo hinabol nya ko sabi nya ""Gusto mo bang lumabas ako ng seminaryo?"" Sabi ko ""huh? Bakit ka lalabas? Eh nasa labas ka naman ngayon di ba?"" Sabi nya ""sira ibig kong sabihin iiwan ko na ang seminaryo mukhang ito talaga yung call ko eh, ang pasiyahin ka habambuhay""

Di ko alam pero huminto yung mundo ko siguro nga ito yung tinatawag na pag-ibig di ko mapaliwanag. Pero ang di ko malilimutan     Ng kantahan nya ko ng Fix you by Coldplay at niyakap nya ko (malamig na boses at mainit na katawan). Sulit na sulit yung paglabas nya ikakasal na kami sa March 2015 :))"

Tin
2006
College of Commerce and Business Administration


So kasal na sila.

Secret Files PHWhere stories live. Discover now