Love Met It's Tragic End

283 2 0
                                    

Love Met It's Tragic End

Siguro may idea na kayo kung ano ang kahihinatnan ng mababasa mo ngayon. Pasensya na mejo mahaba to. Ikukwento ko sa inyo ng buo.

First yewr college ako nung magsimula akong magbanda hilig ko talaga ang music. Estudyante sa umaga, takas sa gabe para magbanda, kumikita ako dito kahit papano. After ng gig namin somewherr in makati sinundo kami ng bestfriend ko pumunta sa tagaytay dahil may resthouse sila dun. Nagkayayaan na uminom at nagkasiyahan. Ipinakilala samin ng bestfriend ko si Samantha. Unang kita ko pa lang sa kanya nahulog agad ako sa kanyang mga mata at ngiti, napakaganda niya. Habang umiinom kami napagpasyahan kong tumambay muna sa terrace para magpahangin, sinundan ako ni Samantha, at dun nagsimula ang kwento naming dalawa masaya kaming nag uusap, nagkukwentuhan at nagtatawanan. Tinawag kami ni bestfriend para movie marathon daw so pumunta kami magkatabi kami sa sala pero di pa rin tapoz kwentuhan namin, hanggang sa nakatulog na siya. Nakasandal yung ulo niya sa balikat ko syempre kilig ang koya niyo, so di na ko nagpabebe sinandal ko rin yung ulo ko sa ulo niya at natulog na rin. Kinabukasan nung pauwi na kami sabi niya tawagan ko raw siya, pero pano ko naman gagawin yun kung wala akong number niya. After 10 mins may tumatawag pagsagot ko di ko inaasahan na si Samantha yung tumawag so tinanong ko kung pano niya nakuha number ko sabi niya sa phone ko raw nung tulog ako.
Lumipas ang ilan buwan nagkakamabutihan na kami ni Samantha. Alam kong may ilan din akong kabanda na may gusto kay Sam kaya nilihim na lang muna namin ni Sam yung paglabas labas namin. Lumipas ang 3 months sinundo ko siya sa may school nila, nagpunta kaming Moa and dun ako nagtapat sa kanya na mahal ko siya at kung pwede ba siyang ligawan, luckily pumayag siya. Sinabi ko sa kanyang hindi ako mayaman at di ako gwapo katulad ng madalas na nagugustuhan ng ilan sa mga babae pero handa akong ibigay yung puso at pagmamahal ko sa kanya. Sa kabila ng pagiging mayaman niya at taglay niyang kagandahan nakakataba ng puso na hindi raw siya bumabase sa pisikal na kaanyuan at estado ng buhay ng isang tao mahalin niya. Dumaan ilang buwan ng panliligaw naging kami. Naalala ko pa kung saan niya ko sinagot nun pareho naming hinarap yung takot namin sa ferris wheel yung MOA EYE dun niya ko sinagot habang nasa taas kami at pinapanuod ang paglubog ng araw. Sobrang saya sa pakiramdam na sagutin ako ng isang katulad ni Sam.

Lumipas ilang buwan sinurprise ko siya ng flowers at chocolate kahit ayaw niya nun. Natutuwa pa rin ako kapag naalala ko yung ginawa niya nung binigay ko yung flowers dahil ayaw niyang kunin nilapag ko sa table at nagpaalam na magbabanyo lang. Pagbalik ko parang gusto kong tumawa ng makita ko siyang nagseselfie hawak yung flowers at nung mapansin niya kong nasa harap niya, inasar ko siya na ayaw niya pang kunin tas magpapacute siya sa camera ang ending hinampas niya ko nung roses na binigay ko ayun sugat sugat yung braso ko pero tawa parin ako ng tawa.
Lumipas ilang buwan, kakatapos lang ng gig namin. Tumawag si Sam nasa labas siya nung place na pinagtugtugan namin. Lumabas ako, umiiyak si Sam sa di ko malamang dahilan. Tinanong ko siya nanginginig niyang sinabi sakin na buntis siya. Ang saya ko kasi magiging daddy na ko pero sa isang banda malungkot kasi malungkot si Sam. Sinabi niya na sumama ako sa bahay nila kakausapin raw ako ng pamilya niya. Ngayon na kaharap ko yung pamilya niya sinabi sakin ng mama ni Sam na pupunta na sila sa Canada para dun na mag aral si Sam at dun na rin manganak saka sila uuwi. Oo syempre hindi ako pumayag pero nakiusap mama at papa niya na irespeto ko yung desisyon nila at wala na kong nagawa. Paalis na sila Sam pero di ako naghatid kasi baka di ko kayanin kapag nakita ko silang paalis. Kahit na malayo kami sa isa't isa tumatawag at nag vivideo call kami para atleast mah communication kami lagi akong updated sa mga nangyayare sa kanya. Lumipas dalawang buwan tumawag siya sakin masaya siya pero may bakas ng lungkot sa mga mga mata niya sa di ko malamang dahilan. Andami niyang bilin sakin na wag ko daw pababayaan sarili ko at mahal na mahal niya daw ako. Binalikan niya pa lahat ng nangyare samin kung pano kamk nagkakilala basta lahat ng pinagdaanan namin. Sabi ko sa kanya wag ka ngang ganyan para kang namamaalam eh ayoko ng ganyan, ngunit nginitian mo lang ako at tumawa. Natapos ang gabi sa ganoong pag uusap. Kinabukasan nung magchachat ako sa kanya ng goodmorning nakadeactivate yung account niya lahat ng account niya. Kinabahan ako lalo na nung naalala ko yung pag uusap namin. Pero kinalimutan ko yun at sinabing baka may inaayos lang siya sa account niya. lumipas isang araw ganun pa rin.

- may karugtong pa po. wait lang di na kasi kasya

3 minutes ago

Jaimee Tapar

Hanggang gabi nung June 3,2014 tumawag sakin mama ni Sam na nasa Emergency Room si Sam at masama yung kundisyon dahil sa pagkakabugbog nito. Hindi ako makapaniwala na halos sigawan ko na si tita na pano nangyare yun at bakit nangyare yun? Binaba muna ni tita yung phone kasi hinahanap siya nung doktor. After ilang minutes tumawag ulit si tita carrying the bad news na wala na raw yung baby namin ni Sam. Hindi ako makapaniwala na wala na yung baby namin gusto kong magwala sa sakit ng nararamdaman ko, pero still nagthink positive pa rin ako kasi lumalaban pa si Sam. Binaba na muna ulit ni tita yung phone. after an hour tumawag ulit si tita at humahagulgol na sa iyak wala na raw si Sam. Para kong nabubusan ng malamig na tubig sa narinig na tila ba nabingi ako yung feeling na para kong mababaliw sa bigat ng nararamdaman ko. Hindi ko alam gagawin ko hindi ko alam kung pano kong tatanggapin yung pagkawala niya. Sinisi ko yung sarili ko na sana hindi na ko pumayag na umalis sila na sana buhay pa siya. Sana nandun ako sa tabi niya nung nangyare yun sana naipagtanggol ko siya sana nasa tabi niya ko nung panahong lumalaban siya. Sana ako na lang yung nawala.
Lumipas ilang buwan sinubukan kong lumabas ng bahay at maglibang sa mall. Sa di inaasahang pagkakataon para akong minumulto ni Sam dahil ang nasa harap ko ngayon ay kamukang kamuka niya lahat ng feAtures nila parehong pareho as in lahat. Agad kong niyakap yung babaeng nasa harap ko. Di naman siya pumalag or something niyakap niya ko and sinabi ko na kamuka niya si Sam na parehong pareho sila. Sinabi niya lang sakin na magiging ok rin ang lahat, sabay sabi ng bitaw ka na inaantay na ko ng mga friends ko saka siya ngumiti ng kaparehong ngiti nung una akkng nginitian ni Sam. Kinilabutan akong bigla ng makita yun na para bang minumulto talaga ako ni Sam.

Ngayon 3 years na ang nakalipas, sinusubukan ko pa rin buuin yung sarili ko at sinusubukang magsimula ulit pero sa tuwing ginagawa ko yun pilit pa rin akong minumulto ng nakaraan ko. Inaamin kong unti unti akong binago ng nakaraan ko hindi para maging better kundi para maging worst. Napabayaan ko ang pag aaral ko, dalawang beses akong hindi nakagraduate dahil sa mga kagaguhan ko. Naging selfish ako sa pagdedesisyon ko. Nakalimutan kong may mga magulang ako na nagmamahal sakin. Ilang taon rin akong nalugmok sa kalungkutan. Yung feeling na masaya ka outside pero patay ka inside. Everytime na kasama ko friends ko and family oo nakikita nila na tumatawa na ko pero everytime na ako lang mag isa para akong binabangungot, bumabalik lahat ng sakit.
Ngayong 4th year na ko narealize ko na lahat, lahat ng mga kagaguhan ko sa buhay. Konti na lang gagraduate na ko. Konti na lang matutupad ko na pangarap namin ni Sam na makapagtapos ng pag aaral. Matutupad ko na rin yung pangarap ng mga magulang ko para sakin. Sa kabila ng mga kagaguhan ko sa buhay andito pa rin mga kaibigan ko, at higit sa lahat mga magulang ko at si God. Araw araw nagpapasalamat ako na patuloy akong binibigyan ng pagkakataon.

Hindi man kita kasama ngayon Samantha, alam kong masaya ka na kay God at alam kong binabantayan mo ko. Alam kong di na kk makakahanap ng katulad mo aa kadahilanang lahat ng tao ay magkakaiba. Hindi ko man maririnig muli yung mga katagang "Mamahalin kita hanggang kamatayan" "Ako lang magiging ina ng mga anak mo ha tandaan mo yan" "Subukan mong mambabae chochop choppin ko yang ano mo" hindi ko na maririnig yung mga "I Love You's" mo. Masakit man isipin na "Hindi na ikaw yung makakasama ko sa kamatayan at pagtanda" "Mga ala-ala mo na lang kasama ko sa pagtanda ko". Mahal na mahal kita Sam.

Negs
Bshrm

Secret Files PHWhere stories live. Discover now