REINCARNATION or IMAGINATION?

338 11 1
                                    

REINCARNATION or IMAGINATION?

Nabasa ko yung isang story  2 hours ago about REINCARNATION at hindi ko na talaga kaya pa na hindi i-share ang mga nangyayari, naaalala at naramdaman nang puso ko. Wala pa akong sinasabihan nito kahit na sino sa mga kaibigan ko even to my parents or any of my relatives dahil nahihiya at natatakot ako sa maging reaksyon nila especially sa family ko. Hindi ko alam kung saan talaga nagsimula lahat nang to, actually hindi ko alam saan ako magsisimula magkwento siguro ilalahad ko nalang yung mga napapansin, naaalala, napapanaginipan at naramdaman ko.

1. Since elementary (till now) mahilig na ako sa History. I dont know why!? Basta nung elementary ako pag-usapang HEKASI at about sa bayani ganadong ganadong ako.

2. Natutuwa ako kapag nakakakita nang mga old houses, yun bang yung mga bintana eh de hila pa tapos gawa lang siya sa kahoy. Siguro mga 1800-1900 yung style nang bahay. At pinapangarap ko na magkaroon nang ganoong klase nang bahay. At kada lumalakwatsa kami nang kapatid ko tapos may nakita akong ganung style nang bahay ituturo ko yun sa kapatid ko (bunso) tapos sasabihin ko ""ganda nang bahay no!? Feeling ko tumira na ako sa ganyang bahay"" reply lang nang kapatid ko ""Baliw ka na"" pero seryoso po feeling ko tumira na ako sa mga ganung klase nang bahay kaya siguro nagka-interest ako sa mga ganyang bahay.

3. Nung highschool na ako nakakarating na kami nang luneta, intra nang mga kaibigan ko. Sa tuwing pupunta kami dun para bang ang gaan gaan nang pakiramdaman ko at ayoko na umalis sa lugar na yun at gustong gusto kong libutin ang buong intra kahit pa abutin ako nang gabi, actually kahit hindi na ko umuwi pero dahil hindi naman pwede yung gusto ko no choice ako. At tsaka sa may Baluarte de Dilao lang naman kami pumupunta kapag nasa intra kami.
(Dun po sa may mga cañon po. Diba dati pwede pa umakyat dun kaso ngayon hindi na yata)

3. Nung highschool ako nag-uusap-usap kami nang mga tropa ko about birthdays halos lahat naman kami sa isa't isa alam ang birthday. Kami paba!? Eh halos kumpleto kami pagbirthday nang isa nandun kami lahat magto-tropa pero may isa akong alam na may birthday nang NOVEMBER 14 pero wala sa mga tropa ko, wala din may birthday ng ganun date sa iba ko pang friends sa ibang sections kahit mga friend ko sa lugar namin lalo na sa family and relatives ko, as in WALA! Hindi ko alam kung kanino yun (noon) pero (ngayon) alam ko na at siya lang ang alam kong may birthday nun.

3. Sa tuwing nakakakita ako nang puting kabayo (yung sa kalesa) napansin ko at nang family ko na napapangiti at talagang natutuwa ako pagnakakakita nang puting kabayo pero wala po akong hilig sa kabayo at never pa po ako nakasakay sa kabayo. Ang weird diba!? Pero ngayon alam ko na ang dahilan pero hindi pa ako sure.

4. Diba nung elementary at highschool required sa atin ang magpa-print nang mga pictures nang mga bayani especially sa subject na HEKASI at A.P at sa google natin nakukuha mga yun. Nung nagresearch ako nun para ipaprint may isang picture doon na pumukaw talaga nang pansin sakin. Feeling ko nakita ko na siya somewhere or yung kamuka niya pero hindi ko kilala o kakilala pilit ko inaalala pero hindi ko talaga kakilala kamuka niya. 2 pictures po iyon (pareho lalaki) at yung isang pic po kamuka niya si Jun Sabayton. But before ko nakilala si Jun Sabayton (Last Year lang) eh nakita ko na po ang pic n kamuka niya pero hindi ko parin kilala kung ano bang pangalan niya. Talagang pakiramdam ko nagkita na talaga kami pero hindi ko alam kung saan. (Send ko po ang picture pagkapost nito. Sa Laptop ko kasi nakasave at cellphone png gamit ko sa pagsend nang confess/story) yung picture niya parang mga 1800's-1900's pa yata nakuhaan.

5. Nung highschool kami lumipat kami sa isang elem school (Gregorio Del Pilar Elementary School) oo highschool kami pero doon kami nilipat dahil sa renovation nang school namin. Yun lang ang school ang may vacant pa na mga rooms for students. IDK pero may ibang pakiramdam sa puso ko na lilipat kami sa school na yun. At nung nabalitaan namin na nasunog yun para akong nanlumo. Ba't ganun!? Anyare!? Sabi nila sinadya daw, sabi naman nung iba malas daw kami kaya nasunog yun. Parang ang sakit sa kalooban ko, ANG SAKIT SAKIT😭  Pero hindi ako nag-isip nang kung ano pa man baka kasi may happy memories lang kami doon nang mga tropa ko at syempre napamahal na rin kami sa school na yun kaya nakakalungkot lang na nasunog siya.
(Yung ibang makakabasa nito alam na nila kung saan ako nag-aral! Grade 09 po ako nun nung nasunog yun!)

Secret Files PHOnde as histórias ganham vida. Descobre agora