Please wake up. Give me another chance</3

359 3 0
                                    


Please wake up. Give me another chance</3

Your smile. Your sweetest smile that I I've ever seen. Your hand, the softest hand same as your heart. And your hug, the warmest same as your love to me. Everytime I think about you, it makes me smile but tearing me inside. You made me feel that Im the luckiest men in the world because of having you. I thought we'll still holding our hands together until the end but... everythings turned out.

I'm Mike 20 yrs old. First time ko magshare dito:) Di ako taga UST and im silent reader. So here is it. Bagong lipat ako sa university noon. Sa ibang university ako nag highschool. Walang kakilala, mag isa, 1st yr college. Nag iisang anak. My both parents working in Australia kaya nag iisa ako dito sa pinas kasama ang isang kasambahay. Hanggang sa na meet ko si Angel. Naaalala ko pa nung una kaming nagkakilala. First day of school. Nang papasok na ko, naglalakad sa hallway, ng biglang may nabunggo akong isang babae nagmamadali sya kaya naglaglagan yung mga papers na hawak nya buti na lang hindi yung laptop na bitbit nya. Syempre tinulungan ko kahit medyo ma la-late na din ako sa first class ko. Ang ganda nya. Imbis na mainis sya nginitian nya na lang ako. Siguro yun na yung pinaka maganda ngiti na nakita ko haha. Sya pa yung nag sorry sabi ko hindi okay lang kasi nagmamadali din ako. Hanggang sa nagkahiwalay na kami. Napansin ko nalaglag nya yung ballpen nyang may ring at may heart sa dulo. Fast forward isang araw nasa ilalim ako ng isang puno nagbabasa ng libro nagrereview ng mapansin kong may nagsasalita mag isa, nakatalikod sakin. Pagharap nya sya yung babaeng nakabunggo ko nung first day halata sa itsura nya na sobra syang nagulat napahawak sya sa dibdib nya at nanlaki ang mga mata nya di ko naman napigilang tumawa hahaha. Narealize kong sya nga yun, hanggang sa sinauli ko yung ballpen nya. Di ko masauli kasi di ko alam yung name at course/department nya. Nagppractice pala sya para sa declamation nya. Nagpakilala kami sa isat isa. Di nagtagal naging close kami. Makukit at masaya syang kasama :)

Fast forward niligawan ko sya for 6months. Naging kami:) Legal both side. Almost perfect na lahat e. Sobrang swerte ko sa kanya. Yung mga hinahanap mong katangian sa isang babae nasa kanya na. Matalino, mabait, sweet, maalaga, maganda, mapagmahal sa pamilya at may takot sa diyos. Naging travel buddy ko sya, madalas kaming mag bake sa kanila pag sabado't linggo. Nagtutulungan sa mga assignments at acads. Dinadalhan sya ng white roses kasi yun yung favorite nya. Nung 1year na unti unti parang naging cold ako sa kanya. Kasi naging sobrang busy na sya sa acads nya at theater play. Ganun din naman ako. Parehas kaming gumagawa ng paraan para magkita. Kaso sya yung naging mas busy. Naiintindihan ko naman kaso bilang na lang pag lumalabas/nagkikita kami e. Fast forward. Hanggang sa may na meet akong isang girl. Pinakilala ko sa kanya di naman sya ganun kaselosa. Si irene(not her true name) ibang course. Aaminin ko nahulog ako sa kanya. Yung time na busy si angel sya yung kasama ko at kausap ko. Alam kong mali.. Pero inamin ko sa kanya sabi ko marami naman kaming ibang kasama e. Kaso si irene ramdam ko may something sya sakin. Nahati yung nararamdaman ko para sa kanilang dalawa. Dumating sa point na madalas na kaming magtalo dahil nga di na kami nagkakasama na intindihin ko sya. Pero pilit syang gumagawa ng paraan para magkasama kami kaso nakakapagod umasa na sana makasama ko ulit sya hindi yung wala pang 5mins kami nag kkasama aalis na sya. Mahal ko si angel pero mahal ko din si irene. Oo tanga na kung tanga. One day 2nd Anniversary namin sya nag invite sakin na kumain, sa isang parang garden... Nagplano sya, nagset up. Balloons and candles. Sya nagluto. Ang ganda nya nung gabing yun. May napansin akong kakaiba sa kanya pero di ko pinansin. Nagkkwento sya pero parang di ako nakikinig. Hanggang sabi ko "Sorry babe" nahinto sya.. Sabi nya "bakit? Di naman malala diba. Pinapatawad na kita babe iloveyou". "Di mo naiintindihan, ayoko na itigil na natin to. Sorry" at tumayo na ko paalis. Para di sya makitang umiyak. Narinig ko ang hikbi na nagmula sa kanya pero pilit syang ngumiti. "Mahal na Mahal kita. Sya ba?". Alam nya? Di ko na kayang makita at marinig syang umiiyak. May nagtutulak saking yakapin at patahanin sya pero hinihila ako ng takot na bumabalot sakin. Dahil alam kong hindi nya deserve ang taong tulad ko na sinaktan sya. Nagmessage ako sa kanya, texts and calls nagsosorry. Pero wala kong nareceive at alam kong sobra ko sya nasaktan. Days passed naging masaya kami ni irene. Naramdaman ko ulit na may girlfriend ako at lagi kong nakakasama. Pero magkaiba sila. Akala ko sya na.. Akala ko masaya na.. Pero akala ko lang pala.

Nalaman kong may boyfriend si irene the same day na nakilala ko sya.. Iniwan nya ko. She fooled me. I cried hard. I cried hard not because i can't live without irene. I cried hard because she did to me the same way I did to angel. Realization came to me. Nagsisi ako. Alam akong nagkamali ako. Nalaman ko ring hindi na napasok sa university si angel ilang buwan na. Hinanap ko sya. Nakausap ko ang lola nya na nag aalaga sa kanya. May mas malaki pa pala kong pagsisisihan at parang ang buong mundo ko ay bumagsak...

The night that im with irene. The same night na nagpunta si angel sa bahay at gusto akong makausap. While walking back home naaksidente sya. Na-hit and run sya ng kotseng nakabangga sa kanya. Nagkaron ng fracture ang head at spinal cord nya. And now she's in a coma for 2months. Hindi ko kinaya yung mga nalaman ko. Ginusto ko ng magpakamatay ng araw na yun. Pinuntahan ko sya sa hospital. Naramdaman ko yung matinding emosyon ng papasok sa room nya. Malamig na pakiramdam, pagbigat ng mga paa ko na parang ayaw humakbang at mga luhang ayaw tumigil sa pag agos. Nakita ko sya nakahiga. Maraming nakakakabit sa kanya. Hindi ko na tanda kung ilang suntok ang nakuha ko sa papa nya. Na kauuwi lang nila galing abroad. Namanhid ang buo kong katawan. Pero hinayaan parin ako ng mama nya na lumapit sa kanya at mahawakan. Dun na bumuhos yung matinding sakit, kung dati hindi magsink in sa utak ko, ngayon i feel like im stabing million times. Kung hindi ko sana sya iniwan T_T kung di ko sana sya sinaktan at pinagpalit sa iba. kung di na sana ko naghanap ng kalinga mula sa iba Hindi sana mangyayari to. Kasalanan ko lahat, kasalanan ko kung bakit sya nandito. Nung hinawakan ko yung mga kamay nya, ganun pa din kalambot. Hinalikan ko ang palad nya habang nag sosorry sa lahat ng kasalanan ko. Hinalikan ko sya sa noo at bumulong sa kanya "Sorry. Mahal na mahal na mahal parin kita. Ikaw lang" Nagpakalasing ako pero parang di na ko tinatablan ng alak.

Angel sana mapatawad mo pa ko. Sobrang Mahal na mahal na mahal kita. Gumising ka na jan please :( Dalawang buwan ka ng tulog oh. Di ka ba nagugutom? Namimiss ka na namin. Lalo na ako. Namimiss ko na yung mga ngiti mo. Yung mga tawa mo. At yung mahigpit at mainit mong yakap. Please wake up give me another chance :( Hindi na kita muling sasaktan. Pinapangako ko yan sayo. Kakain pa tayo ng paborito mong isaw at waffle. Sabay pa tayong ggraduate. Diba yun yung goal natin? Hindi magandang makitang nakahiga ka sa kamang yan. Hindi ko kayang makitang nahihirapan ka. Kung pwede lang. Kung pwede lang ilipat sakin yung kalagayan mo ngayon gagawin ko tutal kasalanan ko naman lahat :'( Di ako nawawalan ng pag asa. Pag asang alam kong gigising ka. Marami pa tayong gagawin at pupuntahan. Sabay pa natin tutuparin mga pangarap nating dalawa. Hihintayin kita di ako aalis sa tabi mo. Hihintayin kitang gumising. Babawi ako sa lahat. At kapag gumising ka na hinding hindi na kita bibitiwan pa.

Sa isang relasyon di mo masasabi kung kayo talaga hanggang sa huli. Meron jan susukatin kayo kung gano kayo katatag. Oo naging mahina ako. At pinagsisihan ko yun. Kaya ikaw kung nasaktan mo sya bumawi ka. Gumawa ka ng paraan para sa huli hindi mo pagsisihan. Hihintayin mo pa ba yung araw na magsisisi ka kung kelan huli na. Kung meron ka mang mahal na sobrang mahal ka itreasure mo yun. Gawin mo lahat. Wag mong hayaang may sumira dun. Iilan na lang ang ganyan sa mundo at wag mo na syang pakawalan pa dahil napakaswerte mo sa kanya :)

PS. Sinusulat ko to noon habang nakaupo sa tabi nya. Pinagmamasdan ang kanyang maamong mukha. Sabay sa matinding pag agos ng luha ko. Iloveyousomuch baby <3 get well soon:)

PPS. Ngayon lang ako nagkalakas ng loob isend to. Please wag nyo ko i'tag if ever may makakilala:) Thankyou in advance admin if ever ma post to:)

-The man who's still waiting for you

2011

Tourism

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon