Our Almost Perfect Love Story

259 4 0
                                    

Our Almost Perfect Love Story

"Wala akong panahon para makipagrelasyon," ito ang laging linya ko sa mga lalaking sumusubok manligaw sa akin noon. Hindi lang dahil ayaw ng parents ko kundi ako mismo, ayoko. Hassle kasi mag love life. Ang dami ko ng iniisip tapos may dadagdag pa, e high school pa lang ako noon!

Hanggang sa nakilala kita dahil sa kaibigan ko, who happened to be your cousin. Hindi ko idedeny na nagwapuhan ako agad sayo pero hindi ko rin palalampasin ang kayabangan at pagkababaero mo na pinakita mo sa unang kita palang natin. Days after your cousin's birthday, nalaman ko nalang na pinatulan mo pala yung mga kaklase naming may gusto sayo. Kaya nung ako naman yung pinormahan mo, magtatanong ka palang, binasted na kita.

"Bahala ka. Hindi ako titigil hangga't hindi ko nakukuha ang matamis mong oo."

I was sure that you were only challenged that time because I stepped on your ego. Sorry, but it takes more than that to get my "yes." Hindi ko na mabilang kung ilang beses kitang nireject. Bakit ba kasi ako? Nananahimik ako e. Kung ano-ano pa ang mga pakulo mo para lang makuha ang atensyon ko. Lagi kang sumasama sa lakad naming magkakaibigan kahit hindi ka naman invited. Kapag naiinis ako ipapalusot mo namang binabantayan mo lang ang pinsan mo at nagmamagandang loob na ipagdrive kami. Nakaclose mo na rin si manong guard kakahintay sa akin sa labas ng school tuwing uwian. Nag mistulang garden na ang kwarto ko sa dami ng bulaklak na binigay mo. You did everything even changing yourself just to be my boyfriend. Hindi ka na nagkaron pa ng ibang babae simula nung ligawan mo ako. Dahil tulad ng pangako mo, ako lang.

Pinatunayan mong may mga lalaki pa rin talagang kayang maghintay para sa babaeng gusto nila at may mga gago pa rin na kayang magbago alang alang sa mahal nila. After two years of courting and being patient with me, I finally said yes. I can still remember how shocked and happy you were when you heard me say it. Ang higpit ng yakap mo sa akin non tapos halos maiyak ka pa sa tuwa.

You had been a great boyfriend. Hanga ako sa laki ng respeto mo sa akin. Sabi nila swerte ka raw sa akin pero ang hindi nila alam, ako talaga ang swerte sayo. Wala kang pinagbago simula nung araw na niligawan mo ako. Kung meron man, mas minahal mo pa ako lalo kaya naman ang daming inggit sa relasyon natin kasi almost perfect na raw tayo.

ALMOST.

After our third year anniversary, you went to my house around 2am, crying and begging for forgiveness.

"Sorry, love. Hindi ko alam. Hindi ko sinasadya. Promise!"

"Ano bang nangyari?"

"Kanina ko lang nalaman na may nabuntis ako noon."

Parang gumuho yung mundo ko nung nilinaw mo sa akin na may anak ka pala. Inamin mong may naka-one night stand ka noong bago mo pa ako ligawan tapos dumating bigla yung babae from States at sinabing may apat na taong gulang na anak na kayong dalawa. Tinago niya raw kasi ONS lang naman yon pero hinanap ka raw ng bata kaya wala na siyang nagawa. The DNA test result said you're the biological father at walang dudang anak mo siya kasi you look exactly like him.

Ilang ulit kang humingi ng tawad at nagmakaawa sa aking tanggapin ka ulit pero pasensya na, love. Mukhang hanggang dito lang talaga tayo. I can forgive you but I can't take you back. Mahal kita pero hindi ko kayang sumira ng pamilya, lalo na ng pamilya mo. I came from a broken family, so I know how it feels to have one. Ayokong maranasan yon ng anak niyo kasi sobrang hirap. And I know that baby boy is worthy of this pain... this sacrifice... and this broken heart.

You asked for a normal date on our last day. Yung tulad ng dati na wala tayong problema. Susunduin ako sa bahay, magsisimba, kakain, mamamasyal, tapos ihahatid ako pauwi. Nung nakauwi na tayo sa bahay, niyakap mo ako ng sobrang higpit. Tulad nung pagyakap mo sa akin nung sinagot kita. Yung yakap na parang hindi na ako pakakawalan. Nag iyakan tayo non pareho pero walang nagsasalita. Saktong 10PM, curfew ko, bumitaw ka sa yakap tapos hinalikan mo ako sa noo, pababa sa tungki ng ilong ko, tapos sa labi. And that was the last day I saw you.

"Ikaw lang hanggang sa huli," sabi mo bago ako pinakawalan.

Thank you for everything, R. You proved me that greatest love can be someone whom you didn't end up with. Kahit hindi tayo ang nagkatuluyan sa huli, ikaw pa rin ang great love ko at hinding hindi ako magsisisi na ikaw ang naging unang pag-ibig ko.

Agape
Graduate School|
2008
UECal
College

Secret Files PHWhere stories live. Discover now