TANGINA MO TADHANA, BAKIT BASAG TRIP KA?

481 9 6
                                    


TANGINA MO TADHANA, BAKIT BASAG TRIP KA?

Kinausap ako ngayon ni Jean. Well, sa chat lang. Hnd ko kaagad nareplyan kase may case kami kanina. May sasabihin daw siya sakin. Mukang seryoso kaya una kong naisip baka buntis na yung mahal ko. Patay malisya pa kong nagtanong kung ano yun. Kunwari hnd ako nag eexpect. Sabay nagsend lng siya ng link. Link ng confession nya dito. Umpisa palang nakita ko na agad pangalan ko kaya alam kong tungkol samin yun. Akala ko naman love story namin, na nakakakilig pa at shinidhare nya sa lahat. Tangina, love story nga namin, oo namin kasama si Pj. After ko mabasa, tinawagan ko siya kagad. Pero ramdam ko ung guilt nya na parang ayaw na nyang magpakita sakin.

Mahal naman, walang ganyanan.

Sabi mo gusto mo munang pamag isa kahit saglit o ilang araw lang. Ayos lng sakin. I know her better than anyone. Panigurado malalim na naman iniisip mo ngayon at nag-iiyak ka na naman jan sa kwarto mo.

Tapos binasa ko ulit ung confession mo para lalong mag-sync sa utak ko ung problema ng relasyon naten. Kasama pati comments. Medyo nakakaputangina lang din hnd kita makausap kaya dito na lang muna mahal. Mababasa mo din naman to.

Mahal,
Una, gusto kitang isako. Hahahaha! De joke lang po. Sakit mo na kase yan e. Hindi mo lagi iniexplain sakin lahat. Dati, kapag may pinagseselosan ka, pangiti ngiti ka pa. Pa okay okay ka pang nalalaman. Ako naman tong si tanga nag iisip na hindi ka lang talaga malisyosa (though wala naman talaga kase akong iba non), nag iisip pa ko nun bakit hnd ka man lang nagseselos. Ama ng awa, selos na selos ka na pala, lagi ka na palang naiyak, wala pa kong kaalam alam!

Kilala kita, hindi kita madidiktahan kase ganyan ka na. Kung ano ang sa tingin mong tama yun ang gagawin mo. Kaya hahayaan kita jan.

Saka hindi ako galit sayo. Para saan? Ako nga pinipili mo e. Masaya pa ko. Pero kabado na din. Alam mo na. Kapag nagdesisyon kang iwan ako, wala naman akong magagawa e. Pero wag mong isipin na magiging madali yun. Kailangan ko munang makasapak kay Tadhana na yan. Tas aabangan ko sa parking lot yang si Pj, baka mapatay ko. Pero dahil nurse ako, trabaho kong bumuhay ng tao. Kaya baka wasakin ko nlng ung kotse nya. Hahaha syempre biro lng yun mahal dont take it srsly.

To readers,
Grabe kayo sakin. 90% ng comment e tungkol sa iwanan na ko ng girlfriend ko at dun na lang siya kay Pj. May nabasa pa kong maiintindihan ko naman daw yun at palalayain ko yung mahal ko. Anak ng tokwa! Kapag mahal mo, hindi mo yan ipapamigay! Ipaglalaban mo yan! Hnd pwdng pakawalan agad ng wala ka man lang ginagawa.

90% sa inyo Team Pj. Wala bang Team Rj jan?

And she's not a cheater. Cheating is a choice. If that feelings wont fade away, hindi na nya yun kasalanan. I know, hindi nya ginusto yun. I bet, if only it can be deleted, ginawa na nya. Pero hindi. Minsan talaga hindi marunong makisama si feelings e. Wala minsan sa hulog. Pero hindi ibig sabihin na mas mahal nya yung isa e cheating na yun. Hindi yun ganun. She choose to be loyal than to cheat. Sana klaro satin yun.

Pj,
Naiintindihan kita pards bakit gusto mong balikan ang girlfriend ko. Ehem! Girlfriend ko. We both know that she doesnt need a man. She's independent. Smart. Funny. Sweet. At matakaw. She's the type of girl that doesn't need a man to complete her. She's the girl that every man needs. Alam ko kung saan ka nanggagaling, dahil galing na ko jan. At tulad ng ginagawa mo ngayon, binalikan ko din siya. Pero magkaiba na tayo ng sitwasyon pards, bumalik ako noon ng wala akong matatapakang tao. Pero hnd naman tayo ang magdedesisyon nito e. Siya pa din naman.

So, may the best man win?

I know nasa advantage ako dahil ako ang legit. But it doesn't mean na I wont go easy.

And for Jean,
Mahal, masakit yung mas nag enjoy ka sa mga trip nyo ni Pj before. Pero mahal, alam mo naman yun e. Hirap tayo sa biglaang lakad kase shifting sched ako. Pag off ko nasa office ka naman. Pag naman pareho tayong free, saglit lng, di kaya ung malayuang byahe na biglaan kase alam mo na. Inaabot ako minsan ng 4-12hrs kapag may mga case kami sa hospital. Wala tayong problema sa ganun dahil career oriented ka. Hnd ako nakakarinig ng reklamo sayo such like ""wala ka ng time sakin"" etc. Kase baka sapukin mo ko pag inuna kita kesa sa career ko. Pero ngayon, hindi pwd yun. Nasa edge ako na baka mawala ka talaga. So sapukin mo na ko pero uunahin muna kita ngayon. Ikaw muna ang ttrabahuhin ko, second place muna si career, wala kwentang maging successful kung wala ka sa tabi ko.

Another thing, sorry na kung takot ako sa heights. Bakit naman kase ang hilig mo sa adventure at kung ano ano pa. Umakyat ka mag isa sa hanging bridge, ako nandun sa edge ng bridge nag ppicture. Hnd ko kayang samahan ka dun mahal malalaglag ung brief ko! Pero ngayon, putangina kahit takot ako, mas takot akong mawala ka! Hahahaha shit kinilig ako dun. Gay hahahaha!

Saka pwd ba, maganda ka. Parang tanga to. Kapag tumangos yang ilong mo, hnd na bagay sayo! Saka di ka naman pango ah? Saktuhan lang. Pag tumangos ilong mo, hnd ka na cute. Saka kapag tumangkad ka, hnd ka na lalo cute non. Sobrang cute mo mahal, para kang elf. Hahaha de joke lng. Alam mo ba bakit kita nilalabas lagi sa mga restau at pinag sshopping? Kase hnd ka mahilig dun! Nakaka frustrate ka! Minsan ka na lang magpabili sakin ng gamit, towel pa! Ano ba mahal, gamitin mo naman ako paminsan minsan hahahaha. Kaya madalas ako na bumibili ng mga gamit mo. Wala lang, ego ko un e. Na pagsilbihan ka. Jcjsjhxnajyckdiekfhsicmd shit. Parang gusto ko na bigla mag propose kinginaaaa.

And lastly,
Mahal kita, Jean.

Reply to this post:

PS. Naomi, I know ur reading. feel free to send the link to Pj. Thanks.

Rj
College of Nursing
2011

Secret Files PHOnde as histórias ganham vida. Descobre agora