Waiting for Mr. Right

311 3 0
                                    

"Waiting for Mr. Right"

Hi USF. Itago niyo na lang ako sa pangalang Meg (not my real name). I wanted to share this story of mine, para kasing ang ilap ng forever sakin or ako lang ang mailap talaga sa tamang lalaki. Btw I'm 22 years old and 6years ng single and the last time na naging taken ako nung 1st year college pa ko, hindi na nasundan dahil nag focus ako sa pag aaral.

May mga kaklase akong naga-attempt na manligaw, pero lahat sila rejected, di ko alam kung bakit hindi ko magawang itry based na rin siguro sa nalalaman ko sa mga friends ko na ang lahat daw ng lalaki ay "cheaters".
Until one day may na-met akong guy na kaklase ko rin sa ibang subject. Super bait niya and talagang mapagmahal sa magulang, I tried to be friend of him and naging close naman kami, were very compatible to each other—magkasama kami sa OJT, magkasamang umuuwi, kasi parehas naman kami ng way, and habang tumatagal nagkakaroon na ko ng feelings sa kaniya, pero hindi ko sinabi sa kanya na may nararamdaman na pala ako.
Hanggang sa dumating yung time na siya naman yung unang nag-confess about his feelings.

Natuwa ako but the other side laging sumasayad sa isip ko na ayoko dahil lolokohin din ako nito balang araw or baka niloloko na nga ako ngayon pa lang. H'wag na kong mag expect. Dun ko na naisipang dumistansya sa kanya and nag start na rin magbago yung closeness namin. Lumalayo ako sa kanya kahit alam kong lapit pa rin siya nang lapit. Tumagal ng 2 years ang paglayo ko sa kanya kahit nasa iisang silid aralan lang kami. Parang napaka layo pa rin namin sa isa't isa even though na talagang sinusuyo niya ko— nagbibigay ng stuffs, chocolates, nag iinsist ng hatid sundo. But I declined, hanggang sa napapansin na ng mga classmates namin yung issue saming dalawa nalaman na rin nila yung ligaw moments and yung between him and I.

Yung dating siya nagbago. Nababalitaan ko na lang sa mga kaklase rin namin na ako daw ang may dahilan kung bakit siya umuuwing lasing, nakikitang may kaangkas na ibang babae. Dun sa part na yun para akong nakonsensya, kasi first GF niya pala ako if ever naging kami, at ngayon ko lang narealized lahat. Na mahal ko pala talaga siya until now na graduate na kami at hindi na talaga magkakaroon ng panahon at oras para magkita ulit.

For you. Mr. J sorry for everytime na pinaiyak kita, pinaasa, mas pinairal ko yung takot ko. Congrats sa inyo ng first gf and last wife mo. Pasensya ka na dahil hindi ko kayang pumunta sa kasal mo. Hope na maging happy kayo hanggang sa ending.
Miss
2014
COE
Unknown

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon