LET ME BE THE ONE

619 11 0
                                    


LET ME BE THE ONE

For more than half a year, sa tuwing magkasama tayo nakikita ko ang saya sa mga mata mo. Nakikita ko sa mga ngiti sa labi mo na okay tayo. Akala ko walang problema. Akala ko okay pa, pero akala ko lang pala yun.

Isang araw, naisipan kong buksan ang account mo sa sobrang pagkabored na rin siguro dahil di kita kausap at busy ka sa thesis mo. Scroll scroll lang hanggang sa magpop up yung chat ng bestfriend mo at kinakamusta ka. Hindi ko siya kilala sa personal pero madalas mo siyang nakukuwento sa akin. Hindi ko na dapat papakialaman kasi hindi ko naman ugaling pakialaman ang inbox mo, pero nagchat ulit siya kaya binuksan ko na. At dun, dun ko nalaman lahat ng mga bagay at saloobin mong wala man lang akong kaalam-alam.

Somebody told me you we're leavin'

I didn't know

Somebody told me you're unhappy

But it doesn't show

Tinamaan talaga ako sa kantang yan. Wala man lang akong alam sa pinagdadaanan mo. Ang manhid ko naman pala kasi hindi ko alam na napapagod ka na rin. Hindi naman kita masisisi dahil sa dami na rin ng kasalanan ko sayo na isang sorry ko lang pinapalampas mo na, akala ko okay na kasi nakangiti ka lang, hindi ko napapansin unti-unti ka na palang pinapagod. Ang tanga ko.

Nobody told me you've been cryin'

Every night

Nobody told me you'd been dyin'

But didn't want to fight

Nobody told me that you fell out of love from me

Wala akong alam sa bawat pag-iyak mo tuwing gabi. Sa convo niyo nung bestfriend mo, dun ko lang nakita kung gaano ka na nasasaktan. Akala ko talaga okay pa. Akala ko maayos pa yung pinapakita ko sayo pero dun ko lang narealize na isinasantabi na pala kita sa bawat oras na mas pinipili ko gumimik, magsinungaling sayo, magenjoy kasama ang iba, hayaan ka, tiisin. Hindi na pala kita napapahalagahan. Ang tanga ko. Ang kaibahan lang sa kanta, hindi ka nafall out of love sakin. Pinipilit mo pa ring ayusin at kumapit. Bakit? Bakit ganyan mo ako kamahal? Ilang beses ka na sinasabihan ng bestfriend mo na tumigil muna, pero andyan ka pa rin. Bakit?

Ang tanga ko para saktan yung taong pinaghirapan ko noon makuha, yung taong dapat minamahal ko ng sobra. Naalala ko lahat ng mga pangako ko sayo, na papasayahin kita aalagaan pero hindi ko na pala nagagawa. Kahit anong reklamo, wala akong narinig sayo. Sa mga pinapakita mong kasiyahan, dapat naramdaman ko na sa likod nun sobrang lungkot mo na pala. Ang gago ko kasi parang sinisira ko na rin yung pagkatao mo na naiisip mong hindi ka sapat na ang dami mong pagkukulang. Dapat naramdaman ko sa panahong minsan tahimik kang nakatitig sakin, umiiyak ka na pala sa loob mo.

Let me be the one to break it up

So you won't have to make excuses

We don't need to find a set up where

Someone wins and someone loses

We just have to say our love was true

But has now become a lie

So I'm tellin' you I love you one last time

And goodbye

Nakipagbreak ako sayo. Oo, sa pinakahuling pagkakataon nagpakagago pa rin ako. Iyak ka nang iyak sa harapan ko, doon nakita ko na nga ang bigat sa damdamin mo. Ang tanga ko, sasabihin ng iba, kasi sa halip na ayusin ko at iparamdam sayo na bubuuin natin ulit yung relasyon natin sa umpisa, bumitaw ako. Ako na yung nagbago at gumawa ng maraming kasalanang makakasakit sayo, ako pa tong nangiwan. Kung may medalya siguro para sa pinakagagong lalaki sa mundo, sakin na mapupunta yun. Pero sana alam mong hindi madali para sakin ang bitawan ka, gusto kong buuin ulit pero kapag maiisip ko kung gaano na nga kita nasaktan, napapatanong ako sa sarili ko. Deserve mo ba to?

Ngayon, tingnan mo masaya ka na. Years after mangyari yan, totoong masaya ka na. Hindi mo na kailangang magpanggap na okay ka, at yan yung pagmamahal na deserve mo. Masakit mang isipin, pero sa iba mo nahanap yun. Kung tatanungin ako, hindi ako nagsisising binitawan kita kasi mas naging maayos ka. Pero nagsisisi akong hindi ko naiparamdam sayo yung worth mo, nagsisisi ako sa mga oras na napaiyak at nasaktan ko yung pinakamamahal kong babae. Nagsisisi ako sa nagawa kong kasalanan, hindi sa pagpapalaya para sa kasiyahan mo. Gusto ko sanang kamustahin ka pa at sabihing mahal na mahal pa rin kita. Pero para saan pa? I had my chance pero ang tanga tanga ko, sinayang lang kita.

ERROR

College of Engineering, Architecture and Technology

(CEAT) 2013

Secret Files PHWhere stories live. Discover now