"Bestfriend, I love you"

413 5 0
                                    


"Bestfriend, I love you"

Sana mabasa mo to. Sana. Kasi hirap na hirap ako.
2007 noong nagkakilala tayong apat. Ako, Ikaw, si Lem, si Daniel at Karen. Kahit na iba iba yung personality natin, naging magbebestfriend tayo.

Highschool tayo non, first year. First year tayo nong una kitang nakilala. Sobrang yabang mo noon na halos gusto na kitang tirisin pero kahit na ganon pa man, naging malapit tayo sa isat-isa.

Sobrang lapit sa isat-isa na umabot na sa puntong isa satin ang masasaktan.

Naalala ko nong 2010 binully nila ako sa school sa pagiging studious at pagiging tahimik ko. Kung ano anong panlalait ang nakuha ko sa buong school na umabot pa sa puntong pinagtulong tulungan akong sabunutan ng mga kaklase kong babae. Pero out of the blue, bigla kang sumulpot at inilayo ako sa kanila.
Iyak ako ng iyak non pero yung yakap mo ang sobrang umalo saken.
"Ayos lang yan, tahan na. Andito lang ako, hinding hindi ka na nila sasaktan" Yun ang sabi mo sabay halik sa noo ko.
Sa oras na yon, nahulog ako sayo. Sa oras na yun, nahulog ako sa bestfriend ko.
Pero dahil ayokong masira ang pagkakaibigan nating lima, itinago ko yun. Masakit sobrang sakit na nakikita kitang nagkakagusto sa ibang babae pero wala akong magawa.
Sino ba naman ako? Kaibigang babae na itinuring mong parang bunsong kapatid.
Lumipas na ang anim na taon, heto parin ako. Lihim na nagmamahal sayo.
Grumaduate ako ng college dahil yun ang pangarap nating magkakaibigan. Kumuha ako ng medtech dahil yun ang gusto mo.
Sabi mo noon, kailangan magpaganda ako para may magkagusto saken. Ginawa ko naman. Halos lahat ng photoshoot events ko andon ka. Nagpaganda ako para maipakita ko sayo na hindi ako yung Lorinne na nakilala mo noong 2007. Na babae din ako na kayang mahalin ka.
Pero shit, 2016 na manhid ka parin?!
Shit mahal na mahal kita! Noon pa! Pero bakit sobrang sarado yang puso mo saken?!
Kung mababasa mo man to ngayon, alam ko kung anong mangyayari.
Its either masira ang friendship nating lima o mawala ka saken.
Tatanggapin ko yon.
Mahal na mahal kita. Sobra. Sinasabi ko to ngayon dahil hindi ko na kaya.

Loring
2012
SLU

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon