My One That Got Away

317 4 5
                                    

My One That Got Away

I just want to share my story. A tragic yet so beautiful love story of mine. 4 years kaming magkaklase nun pero ni minsan hindi man lang ako nagkagusto sa kanya. Nakita ko kasi na sobrang bait nya tapos class president pa namin sya. The one time may babae na lang na biglang sinugod ako kasi inaagaw ko daw boyfriend nya. Sinampal nya ako kaya sinampal ko din sya. Sa room kami kaya agaw pansin talaga hanggang sa dumating na ang pabibo naming president. Tinulungan pa talaga nya si ate girl. Nakita ko pa na nagpaawa si ate girl kay pabibo naming president. Ni hindi man lang ako tinulungang makatayo ng gago.

Lumabas na lang ako ng room para magpahangin. Inis na inis na talaga ako nun tapos nakit ako pa si pres na papalapit sakin. Edi tingnan ko agad sya ng masama kasi paniguradong papagalitan ako nito. Kaso nung paglapit nya hinawakan nya mukha ko tapos tinanong kung okay lang ako. Haha edi kinilig akong slight kasi pogi din naman sya pabibo nga lang pati nakalaklak ata ng kabaitan. Napansin ata nya na napapangiti ako kaya ayun nagsimula na sya mag rant sakin na lagi daw akong nagawa ng gulo blah blah blah. Wala nga akong naintindin nun e kaso nung huli na sabi nya "Kapag naging tayo na bawal ka na talaga sumali sa gulo, Kaya simula ngayon liligawan na kita" Haha so ayun shookt ako. Pabibo na hokage pa. Triggered nya ako. Eh that time wala talaga syang pagasa kahit pa kinilig ako at gwapo sya eh mabait pa din naman sya kaso ayaw paawat ni pres kasi nga pabibo talaga sya. 

4 years. 4 years na panliligaw mo sakin. Sa 4 years na yun ikaw ang nakasama ko through ups and downs. Ikaw ang nakasama ko nung iniwan ako ng bestfriend ko. Ikaw nakasama ko nung nagka crush ako kaso di naman ako gusto kaya nagiiyak ako sayo. Ikaw ang nakasama kong pumunta kahit saan o kahit biglaan pa. Ikaw ang nandyan pa din para sakin kahit anong tulak ko sayo palayo. Ikaw ang kasama ko nung namatay yung aso ko. Ikaw yung kasama ko sa lahat. Hanggang sa narealize ko na...mahal na pala kita. Na hindi ko na kaya pag wala ka. Kulang na ako pag hindi kita nakakasama. Ikaw na ang naging sandalan ko sa lahat. Kaya sinagot na kita. Haha. Natatandaan ko nun kung gaano ka kasaya. Ang liwanag ng mga mata mo baby. Yung mga ngiting kahit kailan hindi ko makakalimutan. Kung pwede lang istop yung oras yung oras na yun baka nga nagawa ko na.

Our relationship was not perfect. Nandyan yung selos, yung inis pag mabagal magreply yung mga way natin at mga tampuhan. Pero nalampasan naman natin diba, love? Yung mga araw na nakasama kita ang mga araw na kahit sa pagtanda ko hindi ko makakalimutan....And unfortunately, hindi na kita makakasama sa pagtanda ko. Love bakit hindi mo sinabi sa akin na may cancer ka? Bakit hindi mo sinasabi sakin na tuwing nagdadate tayo may mga sumasakit na pala sayo? Bakit mas pinili mo na makipag break sakin kesa harapin natin ng magkasama ang sakit mo? Love naman eh. Ang sakit sakit kasi.  Bakit kung kailan ko pa malalaman atsaka naman wala ka na? Love, sorry kung wala ako sa tabi mo nung mga panahon na nilalabanan mo pa. And oo nga pala, Nakuha ko na yung singsing na pinapabigay mo. Balak mo na pala ako pakasalan..Sana tinuloy mo pa din baby. Kasi kahit alam ko na may sakit ka. Kahit alam ko na kakaunti na ang chance na manatili ka sa tabi ko. Mas pipiliin ko pa din makasama ka kasi mahal kita. Mahal na mahal kita. But I hope you are happy now in heaven. Atleast di ka na mahihirapan dyan kahit ako pa ang sumalo lahat ng sakit na naiwan mo dito...ang sakit ng pagkawala mo. I'm letting you go now  love. You'll always be my "The one that got away" and I would always be your "The one who always stay". I love you forever, Love.

P.S: Kahit wala na sya na

Secret Files PHWhere stories live. Discover now