"SIYA YUNG TIPO NG BABAE"

569 6 0
                                    

"SIYA YUNG TIPO NG BABAE"

siya yung tipo ng babae na wagas kung tumawa,
yung parang walang bukas kung humahalakhak.
siya yung tipo ng babae na nagmamay-ari ng makikinang ng mata, matatangos na ilong at matatamis na ngiti.
siya yung tipo ng babae na may kakaibang ganda,
ganda na hindi lang sa panlabas na kaanyuan kundi sa kalooban.
siya yung tipo ng babae na walang arte sa katawan,
siya yung tipo ng babae na mapagmahal,
siya yung tipo ng babae na palaban,
siya yung tipo ng babae na walang sinusukuan,
siya yung tipo ng babae na nagmamay-ari ng halos lahat ng katangian.

katangian na akala mo puro kasiyahan ngunit sa kabila nito
siya yung tipo ng babae na laging nasasaktan,
siya yung tipo ng babae na wagas magmahal ngunit di nasusuklian,
siya yung tipo na babae na magaling magtago ng nararamdaman,
siya yung tipo ng babae na tuwing gabi umiiyak sa unan,
siya yung tipo ng babae na nagtitiis sa sakit na idinulot ng pagmamahal,
siya yung tipo ng babae na pinipigilan ang mga patak ng luha,
mga patak ng luha na sa likod na matatamis na ngiti ikinukubli,
ikinukubli ang kalungkutan sa mundo.
siya yung tipo ng babae na patuloy ng ngumingiti,
siya yung tipo ng babae na patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay na gusto syang ibagsak.
siya yung tipo ng babae na walang kapaguran,
siya yung tipo ng babae na may pusong luhaan.

kaya ikaw, wag ka nang magsalita pa, yakapin mo sya, yung mahigpit, na sa sobrang higpit mapapawi ang kanyang kalungkutan,
halikan mo ang noo nya,
halik na makakawala ng lahat ng kanyang dinaramdam.
wag ka ng magsalita pa,
gawin mo hanggat maaga pa,
baka kasi dumating yung araw na lahat ng katangian ng babae na yan ay mawala,
mawala at mapalitan ng isang babaeng wala ng pakiramdam,
isang babaeng sumuko na,
isang babaeng pagod na,
baka ang dating makikinang na mata ay mapalitang galit at poot,
baka ang dating matatamis na ngiti ay maging mapait,
at baka ang dating busilak at dalisa'y na puso ay maging sintigas ng bato.
baka hindi mo na makilala ang dati nyang pagkatao.

kaya pahalagahan mo siya,
dahil minsan ka lang makakakita ng tipo ng babaeng katulad niya.

coreen samantha aquino elizalde
2016
others
others


Secret Files PHWhere stories live. Discover now