BICOL EXPRESS

627 4 0
                                    


BICOL EXPRESS

Ang sakit nung sa dami ng napagdaanan, nangyari, nalagpasan nyo bigla nalang matatapos lahat ng yun sa ""sorry"". Ang sakit sa pakiramdam. Pero hindi naman talaga yung sorry yung masakit dun e. Yung mga kasunod nya pang sasabihin ang talagang masakit pakinggan.

"Sorry, hindi na 'ko masaya."
"Sorry, sawa na 'ko."
"Sorry, hindi na kita mahal."
"Sorry, mas mahal ko na siya."

Yung sa dami ng sorry, ang hirap lalo tanggapin. Sa dami ng nagsorry sakin, sya yung mahirap patawarin.
8 years na kami e. Ganun nalang yun. Tinapos nya lang sa sorry niya.

Walong taon. Masaya pa tayo nun diba? May plano pa tayo magpunta sa probinsya nyo kasi ipapakilala mo ko sa mga lola't lolo mo. Excited nga ko nun e. Ang sarap kasi sa pakiramdam na unti-unti na nating natutupad yung mga gusto nating mangyari. Ang dami kong nilu-look forward kasama ka. At ramdam ko na secured na yung future natin kasi lahat kaya natin lagpasan basta magkasama tayo.

Isang buwan natin pinaghandaan yung pag-uwi ng Bicol. Minsan nalang tayo magkita para makaipon tayo ng mas mabilis. Weekends nalang, hindi na katulad dati na araw-araw. Nakakapanibago syempre pero kasi may goal tayo kaya tiniis natin yung set-up natin na yun for 1 month.

Wala pa rin namang palya yung pag-update mo sakin sa mga nangyari sa buong araw mo. Yung pagtawag mo sakin sa hapon. At pagtetext mo sakin kinabukasan sa umaga. Kaya sino nga ba naman ang magdududa diba? Sino nga ba naman ang mag-aakala, na niloloko mo na pala ako.

4 days nalang bago yung plano nating pagpunta ng Bicol, di ko natiis na puntahan ka. Miss na miss na talaga kita non sobra. Gustong gusto na kita makita. Kahit masilip lang kita okay na. Stress din kasi ako sa office kaya kailangan kita para gumaan ang pakiramdam ko. Since pareho naman yung oras ng uwi natin, naisip ko na isurprise ka pag-uwi mo. Nasa byahe na ko nun papunta sa inyo, past 5pm, tumatawag ka na sakin, uwian mo na rin. Pero di ko sinasagot kasi gusto kong mainis ka tapos lalambingin kita pagdating sa inyo.

Nakailang tawag ka nun. Nagtext ka pa sakin sabi mo bakit hindi ko sinasagot. Hindi pa rin kita nireplyan. Malapit na ko sa inyo nung tumawag ka ulit. Binukas ko na yung gate nyo, hindi ko pa din sinasagot ang tawag mo. Papasok na ko ng pinto ng makasalubong ko si Mark, yung pinsan mo. Gulat na gulat sya nung nakita nya ko kaya tinawanan ko sya. Biniro ko pa na parang nakakita sya ng multo. Alanganin na ngiti ang isinukli nya sakin.

Nakaramdam na ko na parang may mali. Parang hindi normal. Pero di ko inentertain yung feeling. Tulad ng normal na ginagawa ko, nagderecho ako sa pintuan ng kwarto mo. Nagtataka nga ko bakit wala sila Tita, e madalas namang naabutan ko sila sa inyo pag dumadating ako ng ganung oras. Nakatingin pa rin sakin si Mark na parang may gustong sabihin. Pero di ko na sya pinansin. Nagmadali nalang syang lumabas ng bahay. Bubuksan ko na yung kwarto mo pero nakalock yung pinto mo. Kinutuban na ko nun. May mali nga. Hindi 'to normal. Hindi ka nagla-lock ng kwarto mo kasi may trauma ka nung bata ka pa nung makulong ka sa basement ng isang building diba. Kaya kumatok ako, pero di ako nagsalita. Kinatok ko ulit kasi ang tagal mo buksan yung pinto. Narinig ko pang sumigaw ka ng ""Mac, bakit ba? Anong kailangan mo?"" Sa pangatlong katok ko, bumukas na yung pinto. Pero imbis na ikaw yung makita ko, babae. Hindi ko sya kilala pero sa itsura nya mukha syang hindi katiwa-tiwala. Nagulat sya nung nakita nya ko. Buti pa sya kilala ata ako. Nilagpasan ko muna sya tapos pumasok ako sa kwarto mo. Nasa CR ka. Pagkalabas mo gulat na gulat ka nung nakita mo ko. Tangina mo ako rin gulat na gulat nung nakita kong naka-boxers ka lang. Nakaboxers ka lang at may kasama kang iba sa kwarto mo.

Di ko alam yung pakiramdam ko nung oras na yun kung babagsak na ba ko kasi ramdam ko yung panginginig ng laman ko o ikaw ang gusto kong pabagsakin kasi ang kapal ng mukha mo sobra. Nagawa mo pa kong yakapin nun at sinabi mong ipapaliwanag mo yung mga nakita ko kahit sobrang liwanag na. Wala namang hiwaga e. Niloko mo ko. Ginago mo ko. Walong taon, sinayang mo lang ng ganun. Tangina mo.

Nung hindi kita hinayaang magpaliwanag, puro "sorry" nalang ang ginawa mo. Tangina kasi e. Bakit? Paano? Kelan pa? Ano bang nagawa ko? Ano bang hindi ko nagawa?

Bakit di mo nalang sinabi sakin na hindi mo na ko mahal. Bakit niloko mo pa ko. Bakit kailangan ipagpalit mo pa ko sa iba. Bakit hindi mo nalang muna ako hiniwalayan.

Kaya pala tinatawagan mo ko nun kasi gusto mong masigurado na nakauwi na ko dahil may ginagawa ka na palang ganyan. Kaya pala inuupdate mo ko sa mga ginagawa mo buong araw para mag-update din ako sayo nung mga nangyari sakin at malaman mo bawat kilos ko. Kaya pala wala sila Tita kasi nasa Bicol sila. Hindi mo man lang nabanggit. Kaya pala ganun si Mark nung nakita nya ko kasi alam nya yung ginagawa mo. Kaya ka pala nagset ng ""bakasyon"" para magkaron ka ng chance na di tayo magkita at maiuwi mo sa bahay yang babae mo. Kaya mo pala ginawa lahat yun kasi niloloko mo na ko. Kasi ayaw mong mahuli kita pero malas mo. Mahal kasi kita kaya di ko na naisip na pwede kitang mahuli na nagloloko. Mas naisip ko nga na namimiss mo na rin ako pero nagtitiis ka lang din para dun sa plano. Yun pala bukod sa plano natin, may plinano ka pa palang iba. Ang sama-sama mo.

Sinungaling ka. Manloloko. Sabi mo ipapakilala mo sakin lolo mo? Hindi naman e. Pinakilala mo sakin yung sarili mo. Kung gaano ka kamanloloko. Pasalamat ka, isang sapak lang natanggap sakin ng babae mo. Hinang hina na kasi ako nun e. Pero pag nagkaron ako ulit ng pagkakataon, ibabaon ko sya sa ngala-ngala mong hayop ka. Tangina mo promise. Sinayang mo walang taon ng buhay ko. Sinayang mo yung pag-asa ko na ikaw na talaga saka ako. Sinayang mo lahat Jeff. Wala kang kwenta.

Ilokana
College of Science and Computer Studies
(CSCS) 2010

Secret Files PHWhere stories live. Discover now