"My love-My sister"

492 7 0
                                    

"My love-My sister"

My name is Andrew 25 years old "Certified Public Accountant" After a years natupad ko na pangarap ko,pangarap ni mama. By the way im the only child in our family, since my papa died when i was in 3rd year dahil sa stage 4 cancer. Dahil don promise ko na aalagaan ko si mama kahit anong mangyare at yon na rin siguro ang dahilan kung bakit hanggang ngayon wala pa din akong nagiging girlfriend. Madami akong nagugustuhan at marami din namang nagkakagusto sakin (humble hahahaha) varsity kasi ako sa school namin dati kaya lapitin ako ng mga babae pero gaya nga ng sabi ko,nangako ako na aalagaan ko si mama at sakanya muna ako magpo-focus hanggang sa makagraduate ako at magkaroon ng permanent work. Mag-isang tinaguyod ni mama ang pag-aaral ko, kahit na anong trabaho pinapasok nya (legal work lang po) para lang mapag-aral ako at alam ko lahat ng hirap at sakripisyo nya kaya hindi ko magawang mag-girlfriend. Mama's boy na kung mama's boy pero lahat kaya kong gawin para sa mama ko kahit na ipagpalit ko pa gf ko (if ever man na meron) gagawin ko para sa kanya. One day tinanong ko si mama kung gusto pa nya magkaroon ng second husband and she said "yes why not kung bibigyan ako ng pagkakataong maging masaya ulit anak bakit hindi?" Aba ang mama ko naglalandi pa! pero masaya naman ako para sakanya at tatanggapin ko sinomang lalaking magugustuhan nya. Wag nya lang sasaktan mama ko at mapapatay ko talaga sya! After ko maka-graduate naghanap agad ako ng trabaho para matulungan si mama at don ko nakilala si Julia.

NV:
Julia: excuse me kuya saan po yung cr?

(Wtf napagkamalan akong janitor ni ate)

M: ah eh hindi ko po alam ate sorry.

Julia: nagta-trabaho ka dito hindi mo alam?

M: hindi po ako nagta-trabaho dito. Mag-aaply palang po ako.

Julia: hala sorry kuya akala ko po......

Hanggang matapos yung pila hingi sya ng hingi ng sorry at dinadaldal nya ako ng dinadaldal kesyo ganyan kesyo ganto daw. Hindi ko alam kung maiinis ako o matatawa ako sakanya hanggang sa ako na yung nasa line para magpasa ng req. Akala ko titigil na sya kasi sya na next sakin pero hindi. Inaya nya akong kumain para daw makabawi naman sya sakin. Syempre pagkain yon kaya hindi nako tumanggi gutom na din man ako. Madami kaming napagkwentuhan kasi napaka-daldal nyang babae,kalog,maputi, at halatang galing sya sa mayamang pamilya. Graduate din sya ng accountancy at pangalawa sya sa magakapatid and gaya ko nawalan na din sya ng magulang. Her mommy died nung pinanganak yung bunso nila at ang laki na daw ng pinagbago ng daddy nya simula non. Hindi na daw makausap ng maayos at sa trabaho nalang daw nagpo-focus para masuportahan sila. Madami kaming pagkakaparehas kaya naging komportable agad ako sakanya, after non hindi ko namalayan na gabi na kaya inaya ko na syang umuwi and guess what, hahatid nya na daw ako. Ako yung lalaki pero parang ako yung nagmukang babae saming dalawa nung mga araw na yon. May dala kasi syang sasakyan at don din naman daw yung daan nya pauwi. Simula ng lahat ng nangyaring yon hindi ko na sya makalimutan,lagi na kaming magkausap at makachat,at lagi nadin kaming nagkikita, umiibig na ang kuya nyo. After 6 months. "OO" isang salita at dalawang letra na hindi ko makakalimutan na lumabas sa labi nya ng tinanong ko ang salitang "mahal kita Julia, I love you more than a friend i want to be your boyfriend can I? Ayon na siguro ang pinakamagandang nangyari sa akin ng dumating sya sa buhay ko. I can't explain the feeling kapag magkasama kami. She's my first girlfriend and alam nya yon. She's my first kiss,first hug,and first in everything. Hindi ako magaling maghandle ng relationship but I'll do my best para sakanya. Ma! Ma! Masaya kong tawag kay mama para sabihin na may gf na ang baby boy nya. But imbis na sya ang isusurprise ko ay ako ang nasurprise. I saw her na may kasamang lalaki sa sala at tila kanina pa nag-aantay sa pagdating ko.

N.V
Ma: anak andyan kana pala.Kanina pa kita inaantay. Si Brent nga pala.

Me: hello po.

Ma: Diba anak tinatanong mo ako kung gusto ko pa magkaroon ng second husband and yes! Anak sorry kung ngayon ko lang sinabi sayo to, naghahanap pa kasi ako ng perfect time para masabi sayo at tingin ko ito na yon. Magpapakasal na kami next 2 months

Me: Next 2 months ma? Seryoso? Bakit ang bilis naman! Ni hindi ko pa nga nakikilala ng matagal yan e.

Ma: May 2 months pa anak para makilala mo, at hindi ba ang sabi mo tatanggapin mo kahit sino pa ang magustuhan ko?

Dahil mahal na mahal ko si mama wala akong nagawa at pumayag na din ako sa gusto nya, hindi ko na din nasabi sakanya ang about samin ni Julia. Baby! May sasabihin ako sayo kita tayo (tuwang-tuwa na excited sa sasabihin nya) text sakin ni Julia, sige baby andyan nako within 30 mins reply ko.

N.V
Julia: baby! Alam mo si daddy ang laki ng pinagbago hindi na sya gaya ng dati. Tumatawa na sya palagi at parang laging excited kapag lalabas

Me: O? Bakit anong dahilan?

Julia: Ewan ko basta ang sabi nya may ipapakilala daw sya samin mamaya,

I guess may nagpapasaya na ulit kay daddy at kung sinoman sya thankyou sa kanya. Sama ka samin mamaya ah. Papakilala na rin kita sa family ko

Me: Seryoso? Wala pa tayong 1 month

Julia: OO! ayokong maging illegal ka sa family ko.

After naming magdinner pumunta na kami sa kanila at dahil first time ng kuya nyo,kinakabahan ako seryoso! Pagdating namin sa kanila yung buong family nya nasa sala kasama yung dad nya at yung babaeng nagpabago at nagpapasaya daw sa daddy nya. Nang makita at maaninag ko ang mukha ng babaeng tinutukoy nya, hindi ako nakapagsalita, hindi ako makapaniwala sa nakita ko, pinipilit kong magising at pinipilit ko na isa lang itong panaginip. I saw my mama na nakaupo sa sala katabi yung dad ni Julia, litong-lito ako that time at hindi ko alam kung anong gagawin ko, gusto kong umiyak magwala pero wala akong magawa. Hinatak ko si Julia palabas ng bahay, nabigla sya sakin and she ask why? I said, yung babae na kasama ng daddy mo ay ang mama ko, nagulat din sya at hindi makapaniwala sa sinabi ko, I said to her, Pumunta na daddy mo sa bahay namin at pinakilala na sya sakin ni mama pero hindi ko alam na sya pala ang daddy mo at sabi nila magpapakasal na sila after 2 months. Julia cried habang ako walang magawa kundi yakapin sya habang iniisip ang mga susunod na mangyayari. After 2 months. This day naghalo ang emosyon namin ni Julia, masaya kami para sa mga magulang namin habang malungkot naman kami para sa relationship na nawala saming dalawa. Napagkasunduan namin na tapusin nalang yung relationship namin para sa mga parents namin. Masakit, mahirap pero kailangan. Parehas naming mahal ang mga magulang namin at hindi namin kayang nasasaktan sila, kaya kahit relationship namin nakaya naming igive-up for their happiness. Ngayon I am proud to say na magkasama kami sa iisang bahay. Nakakaiyak lang isipin na yung mahal na mahal ko dati,kapatid ko na ngayon.

Ps: If ever man na mapansin moto. Iloveyou na agad! HAHAHAHAH

Others
Others

Secret Files PHWhere stories live. Discover now