RAIN

455 5 0
                                    

Rain

I started writing stories 12 years ago when i was in highschool dito sa maynila. "Rain" is one of the stories i wrote, tungkol sa isang guy na hiniling na magkaroon ng lovelife at binigyan sya ng gf nung nagsstart na yung rainy season at binawi rin nung natapos na ang season, it was a comedy-drama na may malungkot na ending. That time mahilig ako magsulat ng mga storya na mga malulungkot siguro weird tlga ko nung highschool at mejo senti pa nagbago lang nung tumungtong ako ng college kasi nameet ko na ung mga totoong abnormal na tao hahaha.. I graduated Electrical Engineering sa isang university dito sa maynila and started working as a field engineer sa isang kilalang construction company at doon na mas nahubog yung pagiging abnormal ko.

I met this girl around 1AM sa isang sarado grocery store, tahimik pero malakas ang ulan dun ako bumababa sa lugar na yun dahil lilipat nanaman ako sa ibng jeep para sa ibang ruta pauwi na ng bahay, galing ako nun sa bday ng ka-work ko may pasok pa kasi kinabukasan kaya umuwi ako, napasilong muna ko dun sa grocery store nandun sya nagpapatila ng ulan atska may itsura sya kaya naisipan kong tumambay muna at para na din makapagpahinga, maya maya naisipan kong alokin sya ng chocolate actually bumibili tlga ako ng snickers laging reserve sa bag ko yng maliliit lang 12pesos lng yun para may kakainin ako sa work pag naiistress, so binigyan ko sya sabi "Miss, kunin mo. Malakas ulan kain tayo." No choice sya ksi dalawa lng kami tao dun sa labas ng grocery atska baka nagugutom na rin sya sa stranded ng ulan nagkakwentuhan, nakuha ko ung phone no. nya at dun na nagsimula ang lahat. Isa syang accountancy graduate pero hndi muna sya nagwowork nagfocus sya sa pag-aalaga ng mama nya na in a recovery stage na rin nman pero kelangan pa ng nagbabantay. So ayun, nagustuhan ko sya at nag start manligaw naging kmi rin sa loob ng 2 months na paguusap. Mahilig sya magbake bukod sa pagiging maganda ayun lang ata talent nya hahah but she's really a strong woman. Eventually nakapagwork na rin sya sa isang banko at nagkaroon ako ng obligasyon na magsabay kami pauwi haha.. ihahatid ko sya sa tricylan sa knila ayaw na nya na pumunta pa ko sa bahay nila dahil gagabihin na at malayo ung byahe tricycle na yun at mahirap na rin yung pabalik. ganun lang yung routine namin hanggng tricycle lang tapos kiss sa cheeks tpos aalis na yung mga driver sa tricycle halos alam n rin ung routine nmin napapansin ko. Sa work nya may nalaman ako na merong pumoporma sa knya tho alam ko hndi nya papansinin yun pero hndi ko maiwasan magselos dun na rin nagstart lumabo yung pagsasama namin tho nag stop na rin nman ung lalake, naging busy na kami at napapadalas na rin ung away, walang third party sa amin bsta parang napagod nlng ako na feeling may darating pa nman na mas okay pa, mejo nakampante ako sa bagay na yun pinilit nya magkaayos kmi pero sumuko na siguro ako that time naging official na at naging maayos ung separation nming dalawa tumagal din ng 1year and 8months yung relasyon na yun. Nung una okay lang busy ako, busy rin sya may mga times nga lang na parang kelangan ko sya pero binabaling ko nlng tlga sa work at computer games, months have past nabilitaan ko na may bago na sya dun sa gagong ka-work nya, alam ko may pagkukulang rin ako kaya kami nasira msyado ako na-insecure nung time na yun khit wala nman dpt nagtiwala lang ako. Pinilit ko makausap sya sobrang broken ko nun bigla nlng sumulpot ung lungkot nung nalaman ko. Hinintay ko sya sa tricyclan na dinadaanan nya para makausap sya ng personal, nagkita ko sya. Nagsstart na umambon nun kaya pumunta kmi sa fastfood chain gabi na nun, tahimik lang kmi gsto ko sabihin sa kanya na kung pwd kami nalang ulit pero hndi ko masabi nakikita ko sa mga mata nya na nasira na yung sa aming dalawa kumain lang kmi, hndi ko alam kung bkt hndi ko na mgawang makapagsalita alam kong nararamdaman nya ko, hndi kmi nagsasalita nagkakamustahan pero sa mga mata nmin hndi yun ang pinaguusapan ano pa nga ba dpt pag usapan? hndi na pwd, tapos na e. Ganun yung nakikita ko sa mga mata nya at lumabas na sya para umuwi sabi ko ihahatid ko na sya at sabi "Sige" ayun na yung huling pagkakataon na ihahatid ko sya sa lugar na yun, ibang iba sa gabi gabing hinahatid ko sya yung merong halik at ngiti pa siguro yung mga driver dun nanibago sa nangyari, tinitignan ko lang sya naglalakad papalayo sa saken hinihintay ko na baka lumingon pa sya pero hndi na tuloy tuloy sya hanggng sa wala na. Andun lang ako nakatayo, hndi ako makagalaw ang tagal ko na atang nakatayo sa pwsto na yun, pumapatak yung ulan pero parang hndi ko na nararamdaman basang basa na ko pera wala kong pakeelam, tahimik lang lahat at patak lang ng ulan naririnig ko parang nakikisabay rin ung langit, na parang nakikinig lang sa sasabihin ko. Umuulan rin nun nung nagkita kmi at ngayon umuulan nanaman nakalimutan ko na yata umuwi hndi ko alam kung saan ako pupunta, blangko n tlga isipan ko. Umuwi ako ng bahay pero parang naiwan dun ung puso ko.

At ngayon halos 3year na rin kming hiwalay, busy parin ako sa work ko as engineer wala na rin ako balita sa kanya, umalis na rin sila ng mama nya sa bahay na tinutuluyan nila dati. One time, tinignan ko ung mga stories ko n sinulat noon uso na kasi ung throwback e, nakita ko ung story ko na "Rain" yung guy na pinagtatawanan ko eventually it happens to be me, akong ako yung guy na yun 12years ago. Naaalala ko nlng palagi sya tuwing umuulan, dumating sya nung umuulan, nwala rin sya nung umuulan.. Grabe sana hndi ako sumuko haha

0128924751......
2011

Secret Files PHNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ