ANGEL WITH A SHOTGUN

640 6 0
                                    

ANGEL WITH A SHOTGUN
(The cab)

It's been 6 years since the last day I fell in love. katatapos ko lang ipaglaban ang huling babaeng mamahalin ko.

I'm a Criminology student nung nakilala ko yung babaeng akala ko panghabambuhay na. Ako lang naman ay isang simpleng studyante na walang inisip kundi ang future, isa din akong kilalang varsity sa campus namin, hindi man kapogian pero may ibubuga. Highschool student si Ned, nung nakilala ko sya.

7months ko din syang niligawan, ako yung first boyfriend nya, first kiss, first holding hands, first sa lahat. siya yung tipo nang babaeng alam kung san ilulugar ang kalokohan, na sobrang complete package. Legal kami both sides kaya sobrang kampante lang ako magaral, nagda-date din kami minsan, pero mas gusto kong dinadalhan ko nalang sila ng mama nya ng foods para mas desente tignan. Typical na mag jowa kami tignan pero sobrang daming promises at deepconvo yung tipong pati pangalan ng asong aalagaan namin, ready na.

2years na kaming mag on nung nag graduate ako, almost 4months ko din syang di nakikita dahil nagrereview ako, kaya nung makapasa ako ng board 1week din akong pabalik balik sa kanila para lang makipagligawan, namiss ko syang ligawan, at hangga't maari, liligawan at liligawan ko sya. yung ngiti nya, yung mata nya, lahat ang sarap titigan. Hatid sundo ko sya sa school habang nag-aantay ako ng training ko.

Mahal na mahal ko tong babaeng to, sobra! yung tipong kahit asartalo ako sa taong nakapaligid sakin na, tirador ng highschool, pedophile nginingiti ko lang. At dun mas lumalim ang pagsasama namin hanggang sa kailangan ko nang lumisan dahil sa 6months training na naging 1year dahil sa scout course, sa araw araw naming pagsasama, hindi ako nagkulang ng paalala sa ganung scenario, na antayin niya ko, na mahal na mahal ko siya, na mawawala ako saglit.

Ewan ko, mali ko ba? mali nya? Feel ko mababaliw ako, noong inaya ko sya sa recognition namin at ang tanging sagot ng mama nya 'NAK SI NADINE MAY ASAWA NA, SA NGAYON BUNTIS SYA.

Umikot yung paningin ko na parang kinukuha yung kaluluwa ko pataas, bumilis yung tibok ng puso ko, nanlamig yung mga kamay ko, at nanghina yung buong katawan ko, Ako ang pinakamatatag sa Platoon namin, na biglang nanlupapay sa mga salitang binitaw ng mama nya.. May last hell week pa kami bago namin makamit yung inasam asam ng lahat ng trainee. 1week din akong tumiklop sa mga body contact, iniiyakan ko lahat ng suntok at sipa ng commander namin guhong-guho na wasak na wasak na. Ngayong gabi, ngayon nalang ako umiyak ng ganito simula nung narinig ko yung mga words na yun.

Dahil sa nangyaring yun, hindi nako umuwi samin. Hindi din naman ako hinahanap kasi busy family ko sa ibang bansa, masaya na sila! Career nalang talaga.

After recognition, patago akong pumupunta sa bahay nila, nakikita ako ng mama nya, nagsisign nalang ako thumbs up. Doon, doon ko nakita kung gaano sya kasaya sa lalaking ipinalit nya, idk kung bat sila dun nakatira, pero isa lang alam ko.. Isa yun sa mga balatubang nakalaro ko sa indoor competition namin sa school. Ang sakit sobra, MAPAPA T*NG*NA BAKIT!?

Nag decide akong mag-SAF after ng isang week na pahinga, ayokong maalala ayokong magmukmuk pero hindi parin mapigilan sumagi sa isip ko yung bangungot na yun. OA BA? pangatlong girlfriend ko yun na pareparehas ang dahilan kung bakit ako iniwan.

And now, SAF na ako. Madalas ako sa barracks lang natutulog hanggang sa nakapagipon ako at nagkabahay.. Masaya! masaya magisa! Actually, may German Shepherd akong aso Ned pinangalan ko. 'Ned tsinelas ko' 'Ned yung pinto' 'Ned pakipatay ng ilaw' atleast my Ned parin ako.

After 2years nagkita ulit kami, Sa hospital bibili siya sa canteen(May sakit yata anak niya) at ako nagpapractice maglakad matapos ang injury, tinamaan ako ng tatlong rifle bullet sa legs, Nung nakasalubong ko sya hindi ko napansing tumutulo na pala ang luha ko, hindi ko alam kung bakit.. Dahil siguro sa sakit ng paa ko dahil medyo sariwa pa. Gusto ko siyang yakapin pero nasanay nakong nilalamig, gusto ko siyang makasama pero nasanay nakong magisa.

Mahal ko pa siya pero may mahal na siyang iba. Iniwas ko ang aking mga mata sa kanya buti hindi nya ko nakita, hndi niya ko nakitang umiiyak hindi ko alam, ayaw ko siyang makita ako, ayaw ko marinig yung dahilan kung bakit HANGGANG NGAYON MASAKIT PARIN.. yung paa ko Dejoke.

Lahat ng galit, hinagpis, lungkot, sakit nailalabas ko bawat putok ng aking sniper, bawat shell na nalalaglag sabay ng mga luhang pumapatak, yan ang hindi alam ng karamihan sa mga sawing alagad ng bayan.

Month na ding ang nakalipas nang pinull-out ako sa Marawi. Isang buwan na din akong nakatunganga dito sa bahay, pero ready nako, ready nakong ipaglaban ka ulit, inang bayan.
Mas gusto ko na lang paglingkuran ang inang bayan, na kahit kailan hindi ako iniwan.

Sa mga single diyan, malay nyo nakatadhana kayo kay inang bayan.
Girls please! mahalin nyo yung taong nagmamahal sa inyo. ipaglaban nyo yung lumalaban.

Alpha comp.
Tagasiyasat
Sniper

Secret Files PHDove le storie prendono vita. Scoprilo ora