WAY BACK INTO LOVE

517 2 0
                                    


WAY BACK INTO LOVE

Pasensya na may kahabaan, i hope mapost to admin. Thank you!

"Hindi ako nabalik sa Ex ko, That's my rule" yan yung sinabi nya na tumatak sakin nung kami pa. Oo naging isa ako sa mga Ex nya at yun ay dahil sa ako ang nakipag break sa kanya.

2010, 2nd year HS nung nagkakilala kami sa SC. that was the most memorable kilig story i ever had. I remember, Acquaintance party sa school at organizer kami, that time bigla syang lumapit at nangulit asking me to dance with him, since di ko sya close at ayoko sa kanya dahil badboy type at feeling close, tinawanan ko lang. Then dinner time na, tumayo ako para ilagay yung used plate ko but nalaglag yung fork. Pupulutin ko sana nang nagulat ako na may nakipulot din at sya pala yun. Dahil may kalat sa floor, umalis ako at kumuha ng panlinis. Pero pagdating ko nandoon parin sya para tulungan ako mag linis hanggang sa nagaagawan kami ng walis habang open ang dance floor. Fast forward, during sweet dance, he keeps on asking me to dance with him while im still dancing with my bestfriend, sobrang kulit nya non kaya pumayag nako. Pero hindi namin alam dahil sa fork na yun doon magsstart love story namin. may spark kasi ganern.

After ng party wala nang sumunod hanggang sa nag field trip kami, team building yun. tandang tanda ko pa sa swimming pool habang kasama ko mga kaibigan ko, bigla syang nangasar sakin and nangungulit kung pwede nya kong ligawan, pati adviser ko kinausap nya. sobrang kulit nya to the point na hinahabol at sinusundan nya ko kahit saan ako magpunta kaya pumunta ko sa 6 ft para di nya ko kulitin kasi malalim at di nya abot yun sigurado, pero end up marunong pala sya magswimming. Ang tagal nyang nangungulit non hanggang sa bigla syang umalis ng pool. Sobrang saya ko kasi wala ng magulo, yun pala nagutom sya kakahabol kaya umalis at binalikan ako ulit sa pool para kulitin na liligawan nya ko. kaasar diba? Pero simula nung araw na yun kinuha nya yung number ko sa friend ko at nanligaw na sya sakin.

Araw araw nya ko tinetext at pm sa yahoo chat noon pero iritable ako sa kanya kasi sya yung typical bad boy kung tawagin noon na mabisyo, mayabang, yung maaasar ka sa kanya, na hindi mo maiisip na magiging bf mo sya kasi sobrang baliktad kami. NBSB ako non, school bahay priority ko pero sadyang magaling si kupido este yung tropa ko, kasi sinabi nya doon na kami na daw kaya tuwang tuwa naman ang mokong. Nung nagtagal nagkagusto at minahal ko narin sya. Ewan ko ba kung saan banda sa Quiapo nya binili yung gayuma na yun kaya naging kami pero kudos! effective sya at totoo nga yung kasabihang "The more you hate, the more you love". lol

So noong una masaya, ramdam ko yung pagmamahal nya sakin ng sobra. Bad boy sya pero di lahat ng bad boy Gago kasi sobra kung magmahal at magalaga sya sakin. Sumali sya sa varsity noon para lang masamahan nya ko, kahit hinihingal na sya kakalaro tinitiis lang nya. kapag may event sa school lagi syang nandoon para suportahan ako. Never nya kong hinayaang umuwi magisa at tatakas pa sya para mahatid lang nya ko, pero hindi lahat ng sobra ay maganda ika nga, kasi dumating sa point na nasasakal nako sa paghihigpit nya sakin, nagkakasakitan na physically at sobrang seloso nya. wala rin akong oras pag dating sa kanya noon habang sya binibigay lahat ng oras at atensyon nya sakin. Dumating din sa point na naramdaman kong ayaw sakin ng tatay nya pero dahil mahal namin ang isa't isa pinaglaban nya ako. Pero hindi rin nagtagal nakipagbreak ako dahil di ko na kaya yung sitwasyon namin at dala na rin nang suporta ng mga kaibigan ko sakin. Oo, mahal ko sya pero mas mahal ko noon yung sarili ko at saming dalawa nakita ko na may mali na sa relasyon namin.

Oct 9 2010 nagbreak kami. Iniwan ko sya noon, pumunta pa sya sa bahay pero pinagtabuyan ko sya habang hinahabol at nagmamakaawang balikan ko sya ng paulit ulit. Naaalala ko pang tumawag sya sakin habang lasing na lasing ng hating gabi, humahagulgol sya ng iyak at humihingi ng chance para balikan ko sya, pero binabaan ko lang sya ng phone dahil mas pinili kong gawin yung tama para saming dalawa, na kailangan namin maging matured enough at magfocus sa studies. Masakit sakin kasi mahal na mahal ko sya at sa mga oras na yun kailangang kailangan nya ko dahil sa ako lang yung taong nakakaintindi sa kanya, pero end up, iniwan ko rin pa sya. 9 months lang kami noon pero andami naming pinagdaanang problema.

2011, Lumipas ang isang taon nang makamove on ako sa kanya. Nagkaroon kami ng kanya kanyang love life. Nagkabf ako for almost 5 years at sya naman 2 years noon tapos batchmate ko pa. Hindi namin alam paano kami nagkaroon ng chance na makapag usap after 2 years break up pero baka ito yung sinasabing ""Closure"". Mas pinili naming maging magkaibigan. Naging masaya din kasi wala kaming bitterness sa isat isa. nung una awkward pero nawala rin yun dahil nasa isang circle of friends kami. Through the years na naging mag kaibigan kami, yung care at pagpprotekta nya sakin ramdam ko padin at hindi nawala kahit maraming taon na ang lumipas. we always have each others back, kaya nung dumating yung araw na nakipaghiwalay yung almost 5 yrs kong BF eh sya yung pinagiyakan ko. Sobrang sakit non kasi sobrang mahal ko yung taong yun pero ang weird nung feeling na mas nasaktan ako nung makita ko sa mata nya na nasasaktan sya para sakin, lalo nat niloko ako ng paulit ulit ng ex ko, at sa dinami dami ng kaibigan ko sya pa tinawagan ko, na yung taong iniwan ko noon ay ang nagcocomfort ngayon at yung taong umiiyak sakin na balikan lang ako eh ngayon ako naman yung umiiyak sa taong niloloko ako at nagmamakaawang balikan ako. Pero syempre, that time dinedma ko lang yun kasi alam kong normal lang ""siguro"" yun sa isang kaibigan na nasasaktan din para sakin.

Fast forward Sept 2016. Ngayon, naiintindihan ko na kung bakit sa mga oras na kailangan ko sya nandyan padin sya, na bakit nung mga oras na kami pa ng ex ko noon bigla syang nagbiro na "pag nagloko pa ulit yan, aagawin kita sa kanya" sabay magtatawanan kami. Nung panahong nagkasakit ako kahit hating gabi na at sobrang lakas ng ulan eh pinuntahan nya ko para alagaan ako. Na sa mga oras na my mga nanliligaw sakin eh inaalam nya at kinakausap nya. Ang manhid ko pala talaga para di marealize na sa buong 6 years na nagkahiwalay kami mahal parin pala nya ako at tinatago nya yung feelings nya sakin para di lang mawala yung pagkakaibigan namin. ang masaklap pa finriendzone ko sya ng ganon katagal. Oo, lately lang sya nagconfess after birthday ko and he asked me for the 3RD TIME AROUND na kung pwede bang ligawan nya ako ulit at balikan ko sya. Love is patient. hahaha kinilig ako beh

Lessons learned mag break kayo! charot lang. Well sometimes two people need to part ways, so that they could grow up and be matured enough. I've learned that Love requires a lot of patience, understanding, and accepting one's flaws. Yes people will look at him as a bad guy but he has a good heart in every way that people wont be able to see it. He is perfectly flawed but i guess that's what made me love him even more. If you were given another chance, give your best shot na kasi not all people were given a chance to make things right. 3rd, Sometimes love teaches you to be selfless, or should i say when you love the person the most, you became selfless even though it will cause you too much pain just to make or see him/her happy, kahit dumating sa point na hindi na ikaw yung reason non, gagawin mo yun and i guess that's what REAL LOVE is.

Lastly, mapaglaro ang tadhana at pag lalayuin kayo, pero pag tama na yung oras para sa inyong dalawa, the destiny will make its own way to pull you back closer together IN TIME para kayo na mismo gagawa ng sarili nyong tadhana by making your relationship work and last. Love is sweeter the second time around pak ganern na.

To Him, thank you for loving me secretly and unconditionally for the past 6 years na we're apart. I'd never thought that someone will patiently wait for me ng sobrang tagal kahit wala kang kasiguraduhan na may chance ka sakin for years na im in a relationship pa. I do really missed you being my other half. I am also thankful to God that He let our past relationships failed coz finally i found my home again the second time around with you. I thought si Popoy at Basha lang may second chance, tayo din pala and this time we will make things right TOGETHER and not apart, di ka na magiisa, dahil babawi na ko sayo. I love you. my first love, my almost TOTGA and my one great love.

His Sushi lover
College of Tourism and Hospitality Management
(CTHM) 2012

Secret Files PHWhere stories live. Discover now