PLEASE HELP ME FIND MY SANDY GO

311 5 0
                                    

PLEASE HELP ME FIND MY SANDY GO

It's been 3years.. 3years since the first time that I saw you. I was a Tourism student in CEU Malolos at ikaw naman Accountancy student in STI Malolos.

First time I saw you sa capitolyo, naka t-shirt lang, shorts, converse heels and sling bag, medyo boyish. Just by looking at you unang pumasok sa isip ko, "rich kid 'to." Your porcelain skin says it all. Kinis, maputi, chinita. The way you move, your looks all in all mukhang may kaya.. That's why I don't get the gutts to talk to you that day, pero yung tingin ko sayo hindi mawala. Kahit nakaupo ka lang sobrang lakas na kaagad ng dating mo sakin. May klase na ako that time pero mas gusto ko pa din na tignan ka, I don't know what's in you pero hindi ko talaga maalis yung titig ko sayo. 5mins. 5mins na akong nakakatitig lang sayo, when you stand up, akala ko aalis ka na. Pero hindi, sinundan kita ng tingin bibili ka lang pala ng sorbetes. Something again pops up in my mind, "wala siyang arte.."

Habang bumibili ka, may lumapit sayong batang mukhang pulubi, madungis. I guess nanghihingi sayo ng pang bili rin ng ice cream or limos, I saw that you look at him then biglang umalis yung bata. Akala ko pinaalis mo, pero nagulat ako nung bumalik yung bata na may mga kasama na, lahat sila binigyan mo ng sorbetes. And that's the first time.. That's the first time that I ever felt that its possible to be fascinated with someone you don't know at all.

My heart melts, just by watching you carrying the kid with dirty clothes, feeding him with the ice cream that you bought for him. Your face doesn't even look at least 1% bothered even if you're wearing a white t-shirt.

Gusto na kitang lapitan noon, pero dumating si Don blockmate ko, (not his real name)
NV:
Don: Tara na pre.
M: Saglit lang, (nakatingin pa rin ako sayo)
D: Sino bang tinitignan mo diyan? (tumingin rin siya sayo)
G*go yun ba? (tinuro ka niya)
M: Oo. Bakit kilala mo?
D: Oo tol, friend ko yan sa fb e. Bata yan ni Q***** player sa sti.

Dun palang nawalan na ko ng pag asa. Nasa isip ko non, wala na. Kahit i approach kita baka hindi mo rin ako pansinin dahil may bf ka na. Tinanong ko sa blockmate ko kung anong pangalan mo, there he said its Sandy Go. I tried to add you pero grabe ang famous mo, 2k+ followers 600-800likes. So ok na sakin na followers mo lang ako. Everytime I saw you tagging your boyfriend sa mga memes, laging naiisip ko ang swerte ng lalaking to. Meron siyang ikaw.. Matagal na rin pala kayo, kaya lalo akong nawalan ng pag asa.

1year passed I still stalk you day by day, but until one day nakita ko nalang na wala na yung inrelationship niyo. So I tried to stalk your ex, and I was shocked with what I saw. He's with a new one, buntis na yung girl. Sobrang bilis. Ikaw, hindi ka nagpopost. Hindi ko inisip na eto na yung chance ko sayo, ang una kong inisip is okay ka lang ba, bakit nagkaganon, bakit sinayang ka niya. So I messaged you that time, but I didn't get a respond. Hanggang sa nag deactivate ka yata dahil hindi na kita ma i stalk. Ang tagal, ang tagal mong nawala. Til you came back, ibang iba ka na. Madalas ka ng uminom, all your posts is all about partying and so on. Nag stop ka mag school. Parang you didn't cared at all. Naisip ko, baka ito yung way mo makalimot. Baka kailangan mo ng space. So hinayaan muna kita.. Hindi ko alam kung anong meron sayo na hindi ko makita sa iba. Kaya nag focus muna ako sa pag aaral, hanggang sa maka graduate ako. Ini stalk pa rin kita, last year nagkaboyfriend ka na. But it didn't work out I guess dahil saglit lang kayo. Sa tingin ko nun ok na, pwede na. Mukhang pwede na akong magsimula, pwede ko ng patunayan sarili ko sayo, I have my own income, I have a work na, may maipagmamalaki na ako sa taong gustong gusto ko na ng ilang taon.

Last march I decided to message you, sabi ko ito na to. Ia-approach na kita. Hanggang sa hayaan mo akong ikwento at ipaalam sayo kung gano katagal na kitang gusto. Pero bigla nalang nawala yung facebook mo, sinubukan kong i search ka gamit fb ng kapatid ko pero wala pa rin. Til now, hindi kita makita. I tried to ask Don pero ganon din, hindi ka na niya ma search.

Kaya ngayon, please. Please SSF. Sana mapost to. I am willing to give my all to find my Alexandra Sandy.

To Sandy, Hi maybe na creepy-han ka sakin, pero believe me. I'm a good person. I'll do everything it takes to prove myself to you. I waited for so long, so long to have the gutts to say these things. I hope this post may reach you.

I will never get tired waiting for you.

Yours since 2015
201*

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon