KANDILA

713 7 0
                                    


KANDILA

Kakapanood ko lang ng trailer ng The Unmarried Wife at itong linya na to e sapul na sapul talaga para sakanya

"Nung nagawa mo ako lokohin yun ang mali! Pero yung ulitin mo? Di na un mali, may sakit kana!"

Unang beses niya kong niloko pinatawad ko siya. 1st bf ko kasi siya kaya pakiramdam ko di ko kakayanin na mawala siya. 2years na kami nung una niya kong niloko. Bday ko pa yun mga te, best birthday gift ever. After ilang years, gusto niya na may mangyari samin. Kaso ayoko, naniniwala kasi ako na dapat ibigay lang yun kapag kasal na kayo. Tinakot niya kong maghahanap siya ng iba at ako naman na gaga. Natakot sa banta niya. At oo, may nangyari samin. Nung gabing yun, iyak ako ng iyak. Natatakot ako sa kuny anong pwedeng mangyari sakin kaso wala e. Ang tanga ko. Binigay ko na sakanya. After ilang weeks, naramdaman ko yung pagiging cold niya. At yun na nga, nalaman ko na na marami siyang ibang babae. At oo, fuckboy siya.

Di ko maintindihan bakit niloko mo ko. Ginawa ko lahat. Binigay ko lahat. Kung may pagkukulang ako, sana sinabi mo agad. Hindi pa ba sapat na linunok ko na yung pride at dignidad ko para lang di mo ko iwan? O baka dahil sobra sobra yung binigay ko sayo kaya nagsawa ka? Kaya naghanap ka ng iba? Sana sinabi mo na lang agad para kahit papano nabawasan ko yung mga sobrang binibigay ko sayo. At etong linya na to na galing rin sa The Unmarried Wife -

"yung sorry mo lisensya ba yan para ulit ulitin mo ko lokohin?"

Tiniis ko lahat ng panloloko mo sakin. Tuwing sorry mo bumabalik ako sayo. Tiniis ko na makita kang may kasamang iba. Tiniis ko na marami kami sa buhay mo. Pero naisip mo rin ba na yung pagtitiis ko na yun e yun yung naging dahilan kung bakit sobrang hirap ako bumangon ngayon. Putang ina mo po. Lakas mo pang isumbat sakin na wala akong kwentang gf. Na sobrang dami kong pagkukulang sayo. Na ako yung may mali at hindi ikaw. Na itatapon ko lang yung 7years natin. Ulol pakyu. Kapal mo po. Gago ka.

Ipagsisindi kita ng kandila tutal All Soul's Day ngayon. Pinatay na kita sa buhay ko at balang araw tong puso ko, mabubuhay muli.

Summer
College of Science and Computer Studies
(CSCS) 2012

Secret Files PHWhere stories live. Discover now