(SPG) paintings

940 6 0
                                    

(SPG) paintings

"maybe having you in my life is just a glimpse of heaven and a pits of hell."

Nakilala kita sa isang 'talk to strangers' na application, naalala ko pa yung unang bungad mo sa chat non "ikaw na talaga tadhana ko, sure na to." kulit mo kasi di pa nga tayo naguusap eh tadha tadhana kana agad na alam.

Nagusap tayo, ang sarap mo kausap kasi kalog ka at madaming banat (malandi din) ayaw mo magsabi ng kung ano tungkol sayo, sabi mo sasabihin mo lang kung magkakakilala tayo. binigay mo number mo, tinext agad kita. tas bigla ka nalang tumawag. ang ganda ng boses mo, sobrang manly feeling ko tuloy malaking tao ka.

Napa 'shit tangina totoo bato?' nun ako sa isip ko, nung kinantahan moko ng 'chasing pavements' hangang ngayon rinig ko pa boses mo eh, sobrang ganda at lamig talaga. sabi ko baka nagloloko ka lang at naka record yung kanta or something pero hindi..boses mo talaga. mula non lagi mo nako kinakantahan.

Nagka igihan tayong dalawa, shempre kaw ba naman kantahan gabi gabi e hahaha joke. nalaman ko na semestral break mo lang din ngayon at nakauwi ka sainyo. sa *** ka, sobrang nagulat ako na ayun kinukuha mo kasi ayoko sa sundalo, ano ba kasing sense nung pagpapatayan para magkaron ng kapayapaan? pero hindi, unti unti naunawaan kita, kung ano pinaglalaban niyo para bansa.

Sobrang gaan na ng loob natin sa isat isa kaya pinilit moko makipag kita sayo. ayoko pa sana kasi baka di moko kausapin pag nakita mong panget ako, di naman kasi ako ganun kaganda pero kung mabuti intensyon mo di mo gagawin yun diba? naglakas loob ako. nagkita tayo sa mcdonalds barangka.

"Hala, ang ganda mo.." sabe mo sakin habang tulala. napasimangot moko agad sa unang mga salita mo, sinungaling agad eh. bigla kang umalis, kinabahan ako na baka napangitan ka agad kaya umalis ka pero bumalik ka agad tas nakipag kamay ka sakin sabe mo pa. "Hi, isaih gwapong sundalo nga pala." sabay ngiti, and i was like (shit! papi alert!) ang gwapo mo. parang di ka magmimilitar, mag model ka nalang. pero di ko sinabi sayo kasi nakakahiya pa.

Nagmall tayong dalawa matapos non, sobrang daldal mo tas with action kapa mag kwento sobrang bibo mo to the point na di nako nakikinig sa story kundi tinititigan nalang kita. sobrang sarap sa mata nung 1inch mong buhok, malalim na mata, matangos na ilong, red lips tas morenong balat. para kang si zayn, pag di naligo. joke hahaha

Umuwi tayo parehas ng masaya, hinatid moko sa bahay ng motor mo pero hangang kanto lang kasi baka makita ako eh. tinignan mo nalang ako pauwi, nung malapit nako nakatanggap ako ng text sayo. "Mahal na ata kita." parang akong tanga na tumakbo sa kwarto at nang gigil sa kilig.

Palagi ka nang sweet, madalas nadin tayo nagkikita. nung nasa sb tayo, sabi mo malapit na matapos yung bakasyon babalik kana sa campo. sobrang lungkot agad naramdaman ko kasi alam kong wala tayong kuminikasyon don pero sabi mo makakatawag at text ka paminsan saakin pero sobrang dalang lang. sabi mo gagawa ka ng paraan, aasahan ko yan ah.

Dinala moko sainyo, kinakabahan ako kasi baka isa kang hokage pero sumama padin ako. nakakatuwa kasi pinaghanda mo pa talaga yung parents mo sa pagdating ko, ako pala yung unang babae na dinala mo sainyo. ang daming hinanda ng mama mo at asikasong asikaso ako. kilig na kilig ako sa pamilya mo, pero bago matapos yung araw dinala moko sa kwarto mo..dun nako kinabahan.

pinagusapan natin lahat, dun sa balcony ng kwarto mo. may pasabog ka pala hangang sa kwarto mo grabe ka hahaha. may cartolina pa na may nakasulat na 'welcome to our room, babylove' tas may cake pa jusko. sinapak kita agad kasi nakakahiya baka nakita nila. sabe mo 'our' kase pwede ako pumunta sa kwarto mo kahit kelan ko gusto, kahit wala ka para di kita mamiss habang nagaaral ka. sobra ka na talaga, sasabog na obaryo ko sa kilig, mahal.

ilang araw na lang tapos na bakasyon mo, sarap manapak ng orasan kasi konti nalang panahon natin para sa isat isa. niyaya moko sa overnight, di nako tumangi kasi ayokong mamiss ka ng sobra nagpaalam ako kay mama na dun ako sa tropa ko makiki sleepover.
at yun nga, aligaga nanaman kayo sainyo pagdating ko. tipong handang handa na lahat hihiga nalang ako, may pa movie marathon kapa kasama buong pamilya mo. pagtapos ng movie nagdinner tayong lahat saka natulog na. sa kwarto mo ako, di ko alam bat chill na chill ang parents mo kasi kung sakin yon? sinampal nako ng inidoro ni mama.

Secret Files PHWhere stories live. Discover now