BALASUBAS MANLIGAW NOON, DAHIL SA WATTPAD MAGKAKA-ASAWA NA NGAYON

372 4 0
                                    

"BALASUBAS MANLIGAW NOON, DAHIL SA WATTPAD MAGKAKA-ASAWA NA NGAYON"

First day of school noong 4th year palang ako. May transferee sa school namin na babae at sobrang ganda niya. Oo sobra. Dahil para sakin, ang kasimplehan niya ang nagpaganda sakanya. Nung una nanghinayang ako kasi di ko siya katabi sa upuan. Katabi niya yung tropa kong varsity sa school namin at masasabi ko namang gwapo siya (pero mas handsomeness ako haha) kaya parang nanghinayang ako kasi baka alam niyo na, mahulog ang damdamin nung babae sakanya. Playboy kasi yung tropa ko at baka mapagtripan nya yung babae. Yun agad ang nasa isip ko. At may nag ti-trigger sakin na di dapat mangyari yun. Ewan ko ba, natamaan ata ako sa babaeng yun. Nakalipas ang mga araw at di niya parin ako napapansin, pano kasi nahihiya din akong magpapansin sakanya. Natotorpe ako t*ngn* HAHAHA. Nagkaroon kami ng seating plan, at sinuswerte yata ako at naging katabi ko siya. Alternate, babae and then lalake. Then ayun, everytime na magnanakaw tingin ako sakanya, nakatingin siya lagi sa phone niya. Ginagawa niya yun every free time tapos ang nakakapagtaka lang is puro letters lang ang makikita. Yung parang may mahaba siyang binabasa? Lumipas ang ilang araw pero wala pa din kaming kibuan, ang tahimik kasi niya. Mapagkakamalan mo talagang loner kasi lagi lang naka earphone tapos nakatutok sa phone niya. Alam ko din ang fb niya kaya iniistalk ko siya. Tapos one time nakita ko yung post niya na,

"NAKAKAKILIG KA TALAGA JEYDON WAAAH <<33"

Ganyan na ganyan yun! Tapos ako naman napamura sa isip ko na,
"T*ng*n*! Sino tong Jeydon na'to?"

At nasagot yung tanong ko nung one time na nakatingin siya sa phone niya tapos ako nakasandal lang sabay sikretong nakatingin lang sakanya. Nagulat ang katawang lupa ko nung bigla siyang napahampas sakin. Oo hinampas niya ko! Nahampas niya ako sa left chest ko! Tapos ako naman tong si nagulat na napalingon sa kanya tapos lumaki lang mata niya at nagtakip ng bibig. Ang cute niya sa bandang yun samantalang ako di ko alam gagawin ko kasi ang alam ko lang ay tumayo balahibo ko. Ewan ko kung bakit ganun. Tsaka di pa kami close diba?

"Ba't ka ba nanghahampas ha?!"
Di ko alam kung bat ko siya nasigawan pero nagulat lang talaga ako nun. Natakot ako na baka nakita niyang nakatingin ako sa phone niya kaya hinampas niya ako o ano ba. Nag galit-galitan ako. Wrongmove pa ata! Pero nag sorry lang siya at sinabing,
"Sorry ha? Si Jeydon kasi eh."

Medyo nauutal pa siya nung sinabi niya yan. Shutanginers lang! Medyo nainis pa ako nung binanggit niya yung Jeydon.

"Sa susunod kasi kung kiligin ka sa boyfriend mo, wag kang manghahampas ng ibang tao."
Medyo mahinahon ko nang sabi sakanya at inayos yung upo ko.

"Ha? Wala akong boyfriend. Nagbabasa lang ako ng wattpad. Sorry ulit ha?"

Gotcha! Wattpad lang pala yung pinagseselosan ko. Putcha naman 'oh. Tapos nginitian ko nalang siya. Sa pagkakataong yun, I took the chance. Alam kong kilala niya na ako pero nagpakilala pa ulit ako sakanya. Simula nun, nagkukwentuhan na kami, nakakasama ko na din siya, nakakakulitan, nakakatawanan, etc. Medyo nakakainis lang dahil madalas mga topic niya is about Wattpad. Nanghahampas pa siya pag nagkukwento. Chansing talaga! HAHAHA. Tapos tinanong niya pa kung bad boy daw ako? Kung cold ba? Gangster ba? Mga ganyan. Di nagtagal, mas lalo kaming naging malapit sa isa't-isa. Namalayan ko nalang na nafa-fall na ako sakanya. Minsan sumasabay na din siya saming magtotropa. Alam ng tropa na may gusto ako sakanya at pinupush nila akong ligawan siya pero nahihiya ako. At isa pa, hindi ako marunong. Nagkakaroon lang ako ng ka-MU pero hanggang doon lang. NGSB ako. Mga babae na nga lang nanliligaw sakin eh hahaha joke.

Tapos sinabi niya sakin one time na,
"Sana may Jeydon din ako noh."

Nakapout pa siya nyan hahaha. Then para bang may ideyang pumasok sa isip ko. Kahit nung una ay labag man sa kalooban ko, dinownload ko yung Wattpad. Binasa ko yung binabasa niya na The Four Bad Boys And Me at maganda din pala ang istorya gaya ng sinasabi niya. Then hanggang sa lumipas ang ilang araw, mga kadalasang pagpapakilig ni Jeydon kay Candice, ginagawa ko sakanya. Yung nagbabasa ako ng ibang story sa wattpad, para makaisip ng ideya paano siya pakiligin. Minsan inaasar ako ng mga tropa ko na nababakla na daw ba ako ganto ganyan dahil sa pagbabasa ko ng Wattpad. Pero di ko sila pinansin dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako nababakla, na sadyang nagustuhan ko lang ang pagbabasa ng Wattpad. At dahil sa kabila ng lahat, nagtagumpay ako. Naging kami ng babaeng pinapangarap ko.

Kaya sa mga pare ko dyan! Try niyo ding magbasa ng Wattpad. Porket ba lalake tapos mahilig sa wattpad eh, bakla na agad? Nako, malaking tulong pagbabasa ng Wattpad kung sakaling may nililigawan o natitipuan kang babae. Tapos ikaw ay torpe? Dahil sa wattpad, dun ninyo kadalasang makukuha ang mga ideya kung paano makukuha ang kiliti ng mga babae! Yung mga gusto nilang gawin mo sa kanila, kung paano sila pakiligin, and other stuffs.

Then yung mga tropa kung inaasar akong bakla. Ayun nganga sila. Ako may mapapangasawa na, sila wala. Yes! "mapapangasawa" dahil engage na kami ni little miss Wattpader ko.

Sino bang mag-aakala na yung dahilan ng paghampas niya sakin at ang pagsigaw ko daw sakanya yung dahilan din kung ba't niya pala ako naging crush? (Naalala ko nanaman natatawa ako HAHAHA) Mala-Jeydon daw kasi ang datingan. Pero syempre nung makilala niya pa ako lalo, mas lalo niya pa daw akong nagustuhan. And most of all hindi ako naniniwala na ang Wattpad ay isang destruction, dahil ako mismo ay madaming natutunan sa Wattpad. Nasa sainyo pa rin naman 'yan kung gayahin ninyo ang ginawa ko. But then, love and respect girls like how you respect your mother.

Sa Binibini ko, mahal na mahal kita. As long as I'm breathing, you are safe. I am D***. Your shield, your bulletproof, your knight... My queen. Happy 6th anniversary!

Sic Santos the second
20**
Others

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon