GIRLFRIEND MONG KALBO

502 11 0
                                    

"GIRLFRIEND MONG KALBO."

I am a girl. Not gay nor lesbian, I AM A GIRL. I remember the day when my papa cut my hair very very short. Oo, kinalbo ako ng papa ko. I was 21 years old when that worst moment happened. Why? Because may sakit si papa. He has mental disorder at alam ko na hindi nya sadya ang nagawa nyang yon.

Before the "kalbo" thingy happened, meron akong boyfriend. Naging kami for 2 years, masaya ko sa kanya at ganon din sya sakin. Sabay kami grumaduate ng MEDTECH non at pinagpa-planuhan na ang future namin. Pero hindi ko inaasahan na aabot sa ending ang relationship namin. Tinapos nya simula ng kinalbo ako ni papa. Galit na galit sya non, hindi kay papa kundi sa akin. Bakit daw kasi hindi ako nag-iingat alam ko naman daw na may sakit si papa pinabayaan ko pa daw na kalbuhin ako. Ewan ko pero ang daming nagbago. Dati palagi kaming magkasama sa mga parties and events, pero ngayon nagagawa nya nakong iwan sa bahay. Dati hinahatid pa nya ako sa loob ng trabahong pinapasukan ko ngayon hanggang sa loob ng kotse nalang sya magpapaalam. Dati madalas nyang i-post yung mga pictures namin together sa facebook at instagram pero ngayon hindi na nya ko magawang i-tag at naka-hide pa yung relationship status nya. Lastly, noon kapag lumalabas kami at magkahawak ang kamay namin halos ipangalandakan nya na GF nya ko pero ngayon, ang laki ng pinagbago, simula ng nakalbo ako never nya nang hinawakan ang kamay ko. Sobrang sakit lang...

Hindi naman ako manhid, nakakaramdam ako. Ramdam kong kaya sya nagkakaganyan kasi nahihiya syang makita ng tao na yung GF nya kalbo. Kahihiyan nga naman nya yon. Gwapo sya, kilala syang chickboy at habulin ng babae tapos ano nga naman ang pinalit nya diba? Isang babaeng kalbo. Puno nako ng insecurities ngayon lalo pa't may bago na syang work at workmates. Ang ganda nila, ang pangit ko. Minsan nga naiisip ko, kapag wala ba ko sa tabi nya at kasama nya ang mga kaibigan nya, napag-uusapan pa kaya nila ako? Ibini-bida nya pa kaya sa kanila na maganda ako? Or pinagtatawanan nyo nalang ako.

Months after kinalbo ako ni papa, nakipag-break sakin yung boyfriend ko. Sabi lang nya kailangan nya mag-focus sa work nya at sobrang busy nya daw kasi magt-take na sya ng board exam kaya much better daw na stop muna namin relationship namin. Hindi ako pumayag, ayokong iwan nya ko pero hindi sya nagpatalo. 'Sorry' nalang ang narinig ko. I cried almost every night. Galit ako kay papa, sobrang galit. Sya ang sinisisi ko kung bakit nangyari sakin 'to, kung bakit ako iniwan ng taong mahal ko. Ilang linggo ko din hindi kinibo si papa non, sobrang cold ko sa kanya. One time pagod na pagod ako non galing work, humiga lang ako sa sofa hindi ko na hinanap kung nasaan si papa. Pag-gising ko, nasa harap ko na si papa ko. Nakaupo, habang nakangiti sakin. Ang weird ng ngiti sa labi nya. Nag-mano lang ako then pasok na sa loob ng kwarto ko. Nagulat ako kasi ang linis ng kwarto ko. As in sobrang linis then bago pa yung kurtina, yung favorite kong kurtina na color pink ang pinalit. Lumabas ako para puntahan si papa, pero wala sya sa salas. Nilibot ko yung bahay at sa kusina ko sya naabutan.

Nakatayo sya don, nakangiti pa din sakin hanggang sa napunta sa mesa ang paningin ko. May mga pagkain na nakahain. Menudo, chicken curry, Afritada at ang favorite ko, sopas. Gulat na gulat ako sa nakita ko, binalik ko yung tingin ko kay papa, nakangiti pa din sya pero may luha nang tumutulo sa mga mata nya. Hindi ko na din mapigilan mapaiyak at doon niyakap ko sya. Niyakap ko si papa ng sobrang higpit at puno ng pagmamahal. Sa sobrang galit ko na iniwan ako ng taong mahal ko, nakalimutan ko na nandyan pa pala ang papa ko. Tinanggal ni papa ang pagkakayakap ko, tumingin sakin at sinabing 'HAPPY BIRTHDAY BUNSO' sabay halik sa noo ko. Doon na ko humagulgol ng iyak at todo sa pag-hingi ng tawad sa papa ko. Wala daw akong kasalan at patawarin ko din daw sya kasi kinalbo nya ako. Nag-tapos ng culinary arts si papa kaya maalam sya magluto. Sguro nagtataka kayo bakit may mental disorder na si papa pero nagawa nya pa din ako paghandaan. Sakit kasi yon, umaatake lang sya bigla. Walang araw o oras ang pinipili, maniwala kayo't sa hindi habang nanonood si papa ng tv bigla nalang sya lalabas ng bahay tapos kakatok sa pinto namin at tatanungin kung bahay daw ba nya yon. Madalas naman kapag kakain kami hindi pa kami tapos kumain ililigpit na kaya ako madalas tinutuloy ko sa kwarto ang pagkain ko. Pero kahit ganyan si papa, never ko syang kinahiya. Never kong iginiit na 'PAPA KO' sya at hindi ako magda-dalawang isip na ipakilala sya kahit kanino man. Never ko ipagpapalit si papa kahit kanino, kahit pa sa lalaking iniwan ako dahil lang sa kinalbo ako ng papa ko.

Ngayon, mahaba na ang buhok ko. Shoulder length na sya at palaging sinusuklayan ni papa bago ako pumasok ng work. Masaya na ko, sobrang saya dahil kasama ko ang papa ko. Balita ko doctor na yung ex ko, congrats! I'm happy for you Karl. Ako naman ito, waiting nalang sa result ng board exam ko hopefully makapasa dahil sobrang dami ko pang plano para sa amin ng papa ko. Nangako ako kay papa na kapag naging ganap na doctor na ako... 'AKO NA MISMO ANG GAGAMOT SA SAKIT MO.' I love you, papa!

I Am Beautiful
College of Nursing
20**
Other

Secret Files PHWhere stories live. Discover now