"To my one and only joy"

294 4 0
                                    

"To my one and only joy"

6 years ago
*chat*
Her: Pst.
(kahit nabasa ko, after 1 hour ako nagreply.)
Me: Oh?
Her: Miss na kita hehe.
Natawa ako. Matapos kang hindi mag paramdam ng isang buwan?
Me: Miss mo? Hahaha
Her: Yup.
Me: Buhay ka pa pala. Akala ko namatay ka na.
Her: Sorry.
Me: Alam mo? Useless na tong relasyon na to. Tigil na natin to.
Her: Pwede mag explain?

Nainis ako sayo. mag explain ka na lang! Bat ka pa nagtanong!

Me: Wag na. Useless.
Her: Hehe.
Me: Bye
Her: I love you. Please tell me you love me too.
Me: Matulog ka na. Magkunwari ka na lang na patay ka na. wag ka na magparamdam.

Araw araw chinachat mo ko ng "I love you, please say you love me too".Pero hindi ko yun pinansin sa sobrang galit ko. Hanggang sa isang araw hindi ka na nagparamdam. Ni isang "pst" "miss na kita" wala. Pero sabi ko wala akong pakealam. Lalaki ako eh. Dapat di ako maghabol. Umabot na ng isang taon, di ka pa din nagpaparamdam. Humanap na ako ng bago. Oo ganun kabilis. Sa sobrang galit ko. Hanggang sa magpakita si justine. Bestfriend mo. May inabot siya sa aking sulat at isang usb. Pinlay ko yung file dun sa usb. It was you, singing your favorite song, "broken vow"
Ito po yung nakasulat sa letter.

"To my one and only sheng,"

Are you still mad at me? Miss na miss na kita. Ang hirap, hindi ko na kinakaya, parang pinupunit yung puso ko. Gabi gabi, bumibigat yung hininga ko. Hindi ko masabi sayo. Buong buwan nag iisip ako kung paano sabihin sayo na my heart isn't healthy anymore. Past few days nahihimatay na lang ako ng biglaan. Konting gulat nahihimatay agad ako. Naalala mo yun? nag joke pa nga ako sayo na kung mamamatay ako anong gagawin mo? tapos sabi mo kung anong gusto ko gagawin mo. Ngumiti lang ako sayo nun. In my deep soul, I wanted to tell you to come after me. Kaso ang selfish ko nun. Ngumiti na lang ako. Kaso di ko kinaya. One month akong na confine, hindi naman alam nila mama yung about sa atin kaya hindi ka nila nasabihan. Kaso pagbalik ko, iniwan mo na ako. Every single day kahit galit ka, sinasabi ko sayong mahal kita. Mahal na mahal na mahal kita. At ikaw na yung huling taong mamahalin ko. Kaso bakit ang unfair mo. I love you mo lang yung hinihintay ko para matapos na yung paghihirap ko pero pinagkait mo pa. Gusto kong magalit. Gusto kong ichat sayo "T*ngina mo mamamatay na ako. please say you love me too" kaso parang mas malaki na yung galit mo kesa sa pagmamahal mo sakin. (escape ko na po yung ibang message, private na po yung iba) Andito kami ngayon sa US. Hoping for a successful operation. The doctor said I have 45% chance. Sabi ni mama pwede raw ako mamatay sa mismong operation pero may chance din akong mabuhay. At ayokong sayangin yun. Ayokong sayangin yung chance na yun para makita ka uli. Para mabuo pa yung pangarap nating dalawa. Yung anak, yung bahay, yung kasal. I really miss you sheng. Kelan ko kaya maririnig yung I love you mo? I love you sheng. I will love you until my next life. Sana hindi pa huli ang lahat. See you soon"

Hanggang ngayon ang sakit sakit pa din. Ang sakit sakit. Ang tanga ko joy. Sobrang tanga ko. Sorry! Inuna ko yung galit ko. Ang useless nito hindi mo naman na ako maririnig. Hindi mo naman na to mababasa. Sorry joy. Sorry. T*ngina sorry. Nung binasa ko yung mga sinabi ko sayo parang gusto kong saksakin sarili ko. T*ngina bat naging ganun ako sayo. Kung pinag explain pa kita edi sana ngayon buhay ka pa. Sana nakikita ko pa yung ngiti sa labi mo. Sana ngayona asawa na kita. Sana ngayon tatay na ako ng anak mo. Sorry Joy. Sorry . Imbis na sinabi kong mahal kita nasabi ko pang mamatay ka na. Joy sorry mahal na mahal kita. Joy hindi pa huli ang lahat diba? Ako naman yung huling mamahalin mo diba? Ako pa rin yung mahal mo dyan sa langit diba? Joy paramdam ka promise. Sabihin mo lang. Gusto na kita makasama.

uknown
20**
others

Secret Files PHWhere stories live. Discover now