PANGALAWANG PAG-IBIG

256 3 0
                                    

PANGALAWANG PAG-IBIG

"Mama, bakit po mahal na mahal mo ang bago mong asawa kahit na lagi ka niyang sinasaktan? Noong nabubuhay pa si Papa, hindi naman niya 'yon ginawa sa 'yo. Ibang-iba si Papa sa kaniya. Kahit maging lasinggero at sugalero, hindi nagawa ni Papa noong nabubuhay pa siya."

"Anak, si Bert kasi ang nagpasaya sa 'kin muli simula nang mawala ang papa mo. Kahit 'di mabilang na suntok na ang natanggap ko mula sa kaniya, mahal na mahal ko pa rin siya. Ganoon naman kasi talaga anak eh. Handa tayong magsakripisyo at masaktan para lamang sa taong mahal natin," sagot ng ina habang luha ay malapit nang umagos mula sa kaniyang mga mata...

Ngunit, labis na ikinagulat ng ina ang mga salitang binitawan ng kaniyang anak...

"Ah, kaya pala malugod na sinalo ni Papa ang balang binigay mo sa kaniya noon."

(Originally Posted in Sulat Millennials)

Blackstar
20**
Unknown

Secret Files PHWhere stories live. Discover now