FUNNY IS THE NEW POGI

690 3 0
                                    

FUNNY IS THE NEW POGI

Una wala akong maipagmamalaki sa isang babae.. Wala akong kotse, wala kaming mansyon na bahay, wala din akong abs. Wala akong mala "may zipper sa gilid" na damit kagaya ng mga cool boys. Yung cellphone ko may crack pa at lalo na wala akong gwapong mukha na umaabot ng 100+ likes pag nagpost ako sa facebook.

Ang baon ko lang din ay 50 pesos kada araw sapat na sa isang siomai rice meal sa siomai house at pamasahe pang uwi 😂

Pero may girlfriend akong
TITLE HOLDER ng maraming pageant dito sa lugar namin 👑
Eto ha
• Lakambini
• Ms teen idol
• Title holder sa school nila
• Mutya
• at marami pang titles na nakuha niya sa iba't ibang pageant.

Proud ako sa kanya.
Paano naging kami?

Meron siyang 10+ na manliligaw non, and marami ng nagaabot ng bulaklak sa kanya. Lalo na pag nanalo siya ng pageant.
So nakanuod ako ng pageant na kasama siya nung gabing yon

"Jusko napakaganda."

Sakto na kaibigan ko yung organizer nung mismong pageant.. Naglakas ako ng loob ipakuha yung number don sa registration form sabi ko "sige na pre wala akong gagawing masama number lang" that tine siya din yung nag title nung pageant na yun.

So ayon blah blah nakuha ko na yung number niya (Kapal diba) Inabot ako ng 3 nights kakacompose, delete, compose, delete sa isesend ko na nauwi ako sa ganitong message..

"Congratulations!!"
- Event Manager

So ayon no? Kapal no? Ginamit ko yung walang ka alam alam na manager para maitext siya at ganon pa kaikli. Pero di ko kinuha yung advantage ng pangalang "manager" para makausap siya.

Kaya naglakas nako ng loob para ichat siya...

Convo :

Ako: Hi ma'am nasa gilid lang ako ng stage nung rumarampa ka and ang galing galing mo! Congrats 💓
Siya: Ay salamat po 😊

Ako (walang maisip na topic.) 

Hindi ko na siya naichat non sa katorpehan ko

Pero after non, Every morning kahit naseseen ako "Goodmorning ms beautiful Godbless ❤️" pamungad ko. Hindi ako sumuko.

Nalaman ko din bahay niya non kaya ayon binabike ko yung pagkalayo layo niyang bahay para magiwan ako ng bulaklak sa bahay nila. Sa labas ng gate at may nakalagay na "deserve mo naman to ❤️" so 1 week ko ginagawa

Naglakas ako ng loob ichat siya na ako yung lagi nagiiwan at ayon naentertain niya din ako sa wakas! Chat namin todo max hangang 3am ng madaling araw. Pinapasaya ko siya palagi.. Nag papangap akong si papa dan pag tinatawagan ko siya nag boboses zombie ako para takutin siya para masabi niya "di tuloy ako makatulog natatakot ako" tapos babanatan ko ng

"Okay lang kausapin kita sa tawag wag mo ibaba magsasalita lang ako hangang makatulog ka" 😂

So mga simpleng banat kong korny panigurado para lang makatulog siya

Ako: Ano tawag sa suot ng mga bibe pag pupunta sa prom?

(Di na siya sumasagot)

EDI DUXEDO!
Ako yung natatawa sa sarili kong sikap 😂

Eh ano tawag sa nanay ng mga saging?

EDI BANANAY 😂
Pero yun nakatulog siya sa kakornihan ko hahahaha

After ng 3 months na paguusap nag date na kami (HUWAW NAMAN SA MANLILIGAW NIYA NA NAKACAR no?")

Inaya ko lang siya sa isang coffee shop non
Order niya frappe tapos pasta
Tapos ako may baong lemon square (is life) para tipid. Then natawa naman siya. Hindi niya halos mapansin yung cp at oras niya sa sobrang daldal ko. Na ultimo history ng pangalan ng aso ko naikwento ko.

Ang dami nakatingin samin na akala eh driver niya ko, akala stalker niya ko. Pero dedma, mahalaga mapasaya ko siya ng sobra na kita ang ngala ngala 😁

Tapos may isang sitwasyon na sinisitsitan nalang siya ng mga lalaki sa mall na akala ata driver yung kasama niya then ako nag aastang aso kung makatingin sa kanila.

Marami pa sana ako gustong ikwento,
Pero sa haba ng buwan at sa tinagal tagal sinagot niya na rin ako.

The thing is, oo wala sa itsura, nagkacrush lang ako ng sobra sa kanya at di ko inexpect magiging kami.

Aanhin mo yung kotse mo at pera mo kung palaging luha at luho lang ang nararamdaman ng mahal mo?

Aanhin mo yung likers mo if di kana like ng mahal mo dahil malungkot na siya sayo?

At aanhin mo ang pagiging mayaman kung siya mismo di mo naman kaya alagaan?

Wala sa lifestyle ng pamumuhay yan. If mahal mo yung tao wag na wag mo idadaan sa materyal na bagay. Sa halip idaan mo sa oras, sa lambing, sa pagmamahal at sa pagpapatawa. Don lang masaya na ang mga babae.

At btw, graduating na po ako at may goal sa buhay at may Christ sa puso.️

And anniversary namin ngayon 💖

Maui
others
others

Secret Files PHWhere stories live. Discover now