Mas masarap ba sya? (SPG)

789 3 0
                                    

Mas masarap ba sya? (SPG)

"Basta spg dyan tayo magaling! Hahahaha, well i just want to share my story about my boyfriend(and now my ex) and her ex girlfriend.

Nagsimula toh nung bday ng friend nya! Nagpaalam sya sakin na aattend dw siya ng bday, bago ko sya payagan nagtanong ako sa kanya ""bigyan mo ko ng isang dahilan para payagan kita"" sinabe mo ""payagan mo na ko, puro lalaki lang naman ata kami dun"". Nagdadalawang isip ako dahil may ""ata"" sa sagot mo pero dahil may tiwala ako sayo pinayagan kita.

Fastforward, after nung bday ilang araw kang hindi nagpaparamdam sakin, limang araw yun beh. Walang text at tawag, pero dinedma ko na lang dahil baka may problema ka lang sa family mo. (Hindi kasi sila magkasundo ng stepmom, hindi ksi matanggap ng magaling kong bf na may ibang babae na dad nya).

Back to the story, so yun na limang araw kang di nagpakita, nagtext o tumawag man lang! Nahiya na ko sa kakupalan mo kaya ako na mismong tumawag sayo pero puta out of coverage yung phone mo.

Ako na pumunta sa bahay nyo pero pagdating ko sa inyo ang sabi ng stepmom mo ilang araw ka ng hindi umuuwi akala nila samin ka tumutuloy. Kaya nag aalala na kami sayo.

Tinawagan ko yung kaibigan mo na nagbday at ang sabi nya nandun ka daw sa Makati. Wow? Ang layo na ng napuntahan mo sweetie, nasa carriedo lang bahay mo tapos napunta ka ng Makati.

Anong ginagawa mo dun? Nakipagkita ako sa kaibigan mo para magpasama at mapuntahan ka dun. Pero di siya pwede nung time na yun dahil may work sya kaya binigay nya na lang yung exact address.

Nag taxi na lang ako kahit 300 na lang pera ko, napilitan akong bumaba sa may Ayala dahil yung metro 190 pesos na. Ang laki ng Makati, hindi ko alam kung paano kita mahahanap. Nagtanong tanong ako buti na lang alam nung guard yung address, malapit lang sa may citibank. Nung napuntahan ko na, napawow na lang ako.

Taas ng building teh, nagtataka na ko paano ka mapapadpad dto? Nung una ayaw ako papasukin ng guard kelangan dw ng i.d, nung time na yun tanging dala ko lang wallet, lipstick, pulbo at phone ko. Buti na lang nakita ko yung bestfriend mo, pero bigla nyang sinabe na wala ka dto umalis na dw ako eh wala pa nga kong sinasabe sa kanya about sayo kaya kinakabahan at nagtataka na ko.

Nagpupumilit ako na tulungan nya kong hanapin ka dahil alalang ala na ko, hanggang sa napahagulgol na ko sa iyak. Sinabihan muna ako ng bestfriend nya na huminahon muna ako at sasamahan nya na daw ako. Kaya sobrang saya ko nun. Nung nasa elevator na kami ng bff mo masyado na syang aligaga hindi mapalagay. Pero dinedma ko, basta ang nasa isip ko lang nun eh yung makita na kita.

Nung nabuksan nya na ung pinto, pumasok agad ako hinanap kita agad. Sa kusina, sa cr at sa kwarto.... ayun finally nakita na ulit kita. Nakapatong at kumakabayo sa ex gf mo. Hindi mo napansin na may nanunuod na pala sa inyo dahil nakapikit ka at parehas kayong nagpapalitan ng ungol. Ang sakit, sobrang sakit. Umiiyak ako ng walang nakakarinig dahil ayokong maistorbo kayo. Nagsalita ang bff mo ""pre"" at dun kayo napahinto. Nagulat ka nung nakita mo ko, unang bigkas mo pa lang ng pangalan ko ay kasabay na ng pagpatak ulit ng mga luha ko.

Hinayaan ko lang magsalita ka sa harap ko, pinakinggan ko lahat ng eksplanasyon mo. Pero kahit saan anggulo tignan mali pa din ang ginawa mo. Sorry? Nadala ka lang ng tukso? Limang araw kang natukso ng ex gf mo? Wow, gustong gusto kitang sampalin pero hindi ko magawa. Nakipaghiwalay na ko nung mismong araw na yun, pero ang kapal ng mukha ni gago. Hindi nya raw tatanggapin yun, hindi pa dw kami hiwalay.

Simula nun hindi ko na sya nakita, pumupunta sya sa bahay pero di siya pinapapasok ng tatay ko dahil tatagain ng tatay ko yung junior nya hanggang sa magtanda! Family ko at family nya galit na galit sa kanya. Ako? Mas pinili ko na lang kalimutan siya, sa umpisa mahirap pero tiniis ko. Ilang buwan na rin ang lumipas. Mas maganda buhay ko ngayon at madaming manliligaw isa na doon yung bff mo pero deadma muna. Salamat sa mahigit 1 year naten pagsasama, napatawad na kita sana natuto ka na.

""Nasa RIDER ka na, pero mas pinili mong mapagod ka""

PS: Sa ibang school siya nagaaral."

Maria
College of Industrial Technology (CIT)
2014

Secret Files PHOù les histoires vivent. Découvrez maintenant