Juice

409 7 0
                                    

"Juice"

Nag-aaway yung dalawa kong kapatid na 7 (Nene) 8 yrs old (Totoy) ang edad dahil sa zesto! Hahaha. Favorite kasi nila yun eh saktong isa nalang natira kaya ayon. Warla yung dalawa. Ako naman na mabait na ate to the rescue agad. May nakita akong juice sa ref at yun ang binigay ko sa kanila matigil lang bangayan nila. Tumigil naman sila. Pero nawindang ako nung after 30 mins.
Nag-aaway na naman ang dalawa at mas kinabigla ko ang naririnig ko sa dalawa!

-NV-
Nene: Sumbong kita kay Ka Teryo! Pinakain mo ng muncher yung manok niya kaya namatay!
Totoy: Sumbong mo! Sumbong mo! Sumbong kita kay ate sabi mo mukhang doorknob yung nguso ng manliligaw niya! Blah blah blah blah. Akala ko simpleng away bata lang. Nagulat ako nung naiyak sabay pang bumagsak sa lupa yung mga kapatid ko! As in nagsisigaw na ako kasi baka nagkasakitan na hindi ko lang nakita!

-NV-
Ako: Maaaa! Si Nene at Totoy maaaaa! (lumabas naman ng bahay ang mama ko kasunod ang tatay ko. Umiyak na yung nanay ko pagkakita dun sa dalawa kong kapatid na nakahiga sa lupa. Pero yung tatay ko halos masiraan ng ulo kakatawa habang hawak yung pitsel na juice na ibinigay ko sa mga bata.

-NV-
Tatay: Nak! HAHAHAHAHA! San mo nakuha tong pitsel? Bakit pinainom mo sa mga kapatid mo'to?
Ako: Ha? Sa ref tay! Nag-aagawan kasi sa zesto kaya binigyan ko ng juice!
Tatay: Nak! Alak to! Nilasing mo mga kapatid mo! Hahahaha
Ako: from (0___0 hanggang sa HAHAHAHA)

Nahambalos tuloy ako ng tambo ni Mama. Malay ko bang alak yun? Walang amoy eh. Amoy juice. HAHAHAHAHA SORRY NA PO NAY TAY!

PS: At dun sa dalawa kong kapatid na lasenggo! Mag-uusap tayo! Lalo kana Nene! Mukhang doorknob pala ha??
Wag kang kakain ng dala non na Mister Donut! :p

Sungking Pulubi
Mansalay

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon