"Same old love"

704 8 0
                                    



"Same old love"

"Its been 2 years nung naging tayo. Sobrang saya natin kasi lagi tayo nag-aaway. Yung tipong ang dami ng dahilan para mag hiwalay tayo pero never tayo sumuko. Sa 2 years natin, never tayo nagkaroon ng cool off kasi ang dahilan natin "Bakit tayo mah cocool off kung pwede naman pag usapan? Kung pwede naman ayusin" pero darating pala sa point na ikaw mismo ipipilit sakin na bigyan kita ng space. Sobrang sakit kasi bakit ganun? Sa dami ng ginawa mong kasalanan, never ako ng hinge ng space. Never ako napagod mahalin at intindihin ka pero ikaw? Sinukuan mo ko. Iniwan mo ko ere pero kahit ganun mahal na mahal pa din kita. Sana pwede ko ibalik yung time na sobrang okay tayo at kahit anong problema, nilalampasan natin. Ang sakit pala noh? Sobrang sakit makita na masaya ka na kahit wala ako sa buhay mo, samantalang ako? Miserable kasi wala ka.

Cool off tayo ngayon kasi sabi mo sakin nung nag away tayo last time, mag pahinga na ko kasi di ka pa talaga okay. Talaga ba baby? Hindi ka pa ba okay? O sadyang wala na talaga akong halaga sayo? Makikita ko sa mga convo niyo ng kaibigan mo na sobrang okay ka, na masaya ka. Siguro nga wala ka ng ka gana-gana sakin. Masakit? Oo masakit. Sobrang sakit. Kulang yung salitang sakit sa nararamdaman ko.

May times na pakiramdam ko okay na ko na wala ka, na kaya ko, na wala na kong pake sayo pero nung mga oras na yun, ayun yung oras na niloloko ko lang sarili ko. Sabi ko nga sa sarili ko "Sige saktan mo lang ako, sanay naman na ko. Sa sobrang sanay na ko, ineenjoy ko na lang" pero yung totoo? Hindi. Kahit anong sabihin ko na tama na, hindi ko magawa kasi mahal na mahal kita. I always found myself coming back to you.

Pwede bang ako na lang ulit? Ako na lang ulit yung mundo mo? Minsan nga naisip ko, sana di mo na lang na ayos yung mga problema mo para ako lang yung kailangan mo. In your worst part of your life, I was the only one who always there for you. Alam ko ang selfish ko tignan kung naiisip ko yun pero siguro nga okay na din yun, kasi nawala man ako sayo, madami dumating sayo. Atleast dba hindi ka na nahihirapan. Okay lang kahit ako yung masaktan, basta wag lang ikaw. Ingat ka lagi ha? Mahal na mahal kita baby ko. Alam mo naman na lagi lang ako nandito para sayo. Yung mga nakakausap mo na mga babae? Ang panget nila mas maganda pa din ako sa kanila hahaha okay bitter ako pero totoo yun.

Hintayin mo lang makababa ako sa ere na pinag iwanan mo sakin, talagang magsisisi ka. Walang-wala yung NAIA sa pang iiwan mo sakin. Hindi pa tayo hiwalay pero alam ko iniwan mo na ko. Kahit di mo sabihin, ramdam na ramdam ng puso ko. Ang swerte mo kasi tanga pa ko sayo, pero hintayin mo lang talaga kasi sinusubukan ko ng wala ka pero talo pa din ako, kasi ako sinusubukan ko pa lang pero ikaw nagawa mo na. Just wait my baby love, gra-graduate din ako sa pagiging tanga sayo. By loving & fixing you, I was the one who got broken. "

The one that you left
Business Administration
2011
UE Manila

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon