WAG MO BASAHIN (Rated SPG)

795 4 1
                                    

WAG MO BASAHIN (Rated SPG)

"Hoy may turon ka dun sa desk mo."
"May nagpapabigay sa'yo ng turon."
"Ayieeee!!!! May supplier ng turon hahahha"

I still remember those lines from my friends when you entered to my life. You were a vendor of 'TURON' and at the same time STUDENT in our University, where we studied. Di kita megets kung bakit lagi mo akong binibigyan ng turon noon sa tuwing naglalako ka ng paninda mo sa mga estudyante at prof natin. Since we were freshmen to sophomore walang araw na di mo ako nabigyan (liban nalang pag walang pasok) but never ko man lang inatim na tikman yon. I've been ignored you many times. Sa chat, fb, sa personal pa.

Sophomore, second sem I met Bryan. He courted me. Yes, he became my boyfriend. He was basketball player kaya naman maraming ulol na babae ang gustung-gusto sya that's why I felt lucky before kasi na saakin na yung pinapangarap nila. Every game lagi ako nandun sa bench para i cheer sya, punasan pawis nya, dalhan sya ng tubig even though I have my class, willing ako mag cutting. Sa tuwing mag i-start na yung game, lahat ng audiences busy sa panunuod while ikaw busy ka sa pang aalok ng mga paninda mo.

One time, nanalo team ng bf ko sa game kaya naman nag tatatalon akong pumunta sa gitna ng court to congratulate him and as well as his team mates. Expected ko nun na marami na naman sakanyang mag papapicture kaya inunahan ko na sila hahaha I hugged him so tight and I kissed him sa lips. Alam kong nakita mo yon, pero instead na lumayo at umalis ka naglakas loob ka pa ring i abot sakin yung turon mo at umalis ka ng may ngiti sa labi. Bryan asked me kung sino ka raw sabi ko "Just, don't mind him." Then he kissed my forehead that  made me feel that I WAS THE PRETTIEST WOMAN IN THE WHOLE WORLD.

Third year, ganun ka pa rin kaya ganun nalang ako asarin ng mga kaklase at kaibigan ko. Wala e, matatag ka eh. Kahit na may boyfriend ako tuloy ka pa rin sa pagbibigay kahit di ko naman talaga kinakain hahaha di ka naman masyadong pinag iinitan ng boyfriend ko noon kasi alam nya namang wala akong pake sayo.

Fourth year, first sem. Kami pa rin ni Bryan. Pero nandun na talaga yung totoong away, at labuan sa relasyon namin Fourth year tayo nung kumalat yung balitang niloloko na 'raw' ako ni Bryan pero kahit kailan di ko yun pinaniwalaan. Oo, nadadala ako minsan sa mga sinasabi at kinekwento nila na nag ca-cause ng away namin pero dahil mahal ko sya, tina try kong di mag paapekto kahit sobrang sakit sakit na. Sabi ng mga kaibigan ko bakit hindi nalang raw ikaw? Paano ba naman how many years ka nang naghihintay sakin. Para kang nag hihintay sa taong nasa himbing pa ang tulog.

Fifth year, (5 yrs course natin) Yun na talaga, puro na kami away ni Bryan dahil sa mga panghihinala ko. Marami nang nagsasabi sa loob ng campus na 'proven' na may ibang karelasyon si Bryan kay Anika. Wala naman akong magawa kasi miski ako yung girlfriend nya para akong tanga na walang ka muang muang na ginagago nya na ako. Hindi ko sila mahuli, wala akong mapatunayan. Hindi ko alam nun kung saan ako lulugar.

Until one day you saw me crying at library, paano ba naman di na naman ako sinipot ni Bryan sa lunch date namin. Pang ilang beses nya na yun ginagawa pero hinahayaan ko lang, siguro nasanay kaya ayun, inabuso naman. Lumapit ka saakin, inabot mo na naman sakin yung turon mo. Hahaha eh tamang tama since hindi natuloy lunchdate namin, nagutom ako. As in.  First time kong matitikman turon mo nu'n. For how many yrs rin bago ko yun matitikman. After I ate it.. I've realized ANG SARAP PALA hahahaha para akong bata nun sa tuwa. Naka tatlong turon ako sayo hahaha nag rereklamo ka na nga kasi sabi mo wala ka nang tutubuin o kikitain eh hahaha simula nun, naging magkaibigan tayo, nag uusap na tayo, sinasamahan mo na ako kahit saan. I felt comfortable with you. I thought boring ka kasama, yun pala makwela at abnormal ka hahhaa. Habang tumatagal yung panahon na nakakasama kita, grabe nalang akong asarin lalo ng mga kaibigan ko hahahah "true love does exist" raw hahahaha syempre wala lang sakin yun kasi may boyfriend ako eh.

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon