October 2, 2012

400 7 0
                                    

October 2, 2012

"Exactly 5 years ago na involved kami ng girlfriend ko ng car accident. Exactly 5 years ago din nung namatay siya. Ang sakit. Masakit na bakit hindi niya kinaya, bakit naiwan ako mag isa. Madaming tao ang nag sasabi na ""Mag move on ka na, kung andito si Ica ayaw niyang makikitang ganiyan ka.."" Madaling sabihin, pero for someone na nawalan ng taong mahal parang mahirap yata mag hilom yung sugat ng pagkawala na.

I got diagnosed with Depression. For almost 4 and half years nag ttake ako ng medications, nag bbreakdown ako minsan. Madalas binabangungot ako ng nangyare samin. Hindi ako makatulog, minsan bigla na lang akong maiiyak. Totoo, ang hirap. Pero tntry ko naman maging okay. Lately, tntry ko makipag mingle sa iba. Sinunod ko payo ng family ko. Tntry ko mabuhay.. ng normal.. gaya noon..

But kada makaka meet ako ng ibang babae walang spark. Wala yung feeling na alam mong may kakaiba sa babae na yon. Parang normal na lang lahat sila. Until i met this girl..

Sumama ako sa mom ko mag charity work. May medical mission sila. Doon ko na kilala si Enka. Nung una ko siyang makita nanlamig mga kamay ko. May kakaiba sa kaniya... Parang bigla akong kinabahan. To make the story short, tntry ko siyang kilalanin. Nalaman kong 4 silang magkakapatid, pangalawa siya. Ang tatay niya patay na. Ang nanay niya teacher. Takot siya sumakay ng bus, ayaw niya sa matataas na lugar, etc. Nahulog loob ko sa kaniya.

At ngayon, eksaktong 5 taon ng pagkamatay ni Ica, dinala ko siya sa puntod para ipakilala. Kinuwento ko sa kaniya lahat ng nangyare, kung pano nawala si Ica. Nagulat ako na kaya pala siya takot sa bus ay dahil isa siya sa pasahero na naka bangga namin noon. Na kaya pala pamilyar mga mata niya ay dahil nung sa aksidente natusok ng bubog dalawa niyang mata kaya nabulag siya, halos mamatay na din siya dahil halos mabutas din daw dibdib niya dahil tumusok sa kaniya yung bakal sa upuan ng bus kaya kinailangan ng heart transplant. Lahat yun galing kay Ica. Dahil nga dinonate ng parents ni Ica yung mata niya at puso niya. Kaya pala..

Grabe lang Lord, hindi lang ako makapaniwala na binigyan mo ako ng 2 babaeng mamahalin pero iisa ang puso.

Ica, alam kong di mo ako papabayaan. Hanggang ngayon alam kong angel parin kita. At sa future wife ko, Enka. Salamat at dumating ka sa buhay ko. Alam kong avid reader ka dito. Salamat dahil kahit nakakapagod ang araw na to sa lahat ng nalaman nating dalawa pinili mo parin um-oo sakin para makasama mo habang buhay."

Bucoy
MedTech
2008
Not from UE

Secret Files PHWhere stories live. Discover now