I love you my Cousin

472 3 0
                                    

I love you my Cousin

I'm inlove with my cousin. Alam kong mali at bawal pero hindi ko mapigilan yung nararamdaman ko. Hindi kami close at hindi din kami palagi nagkikita pero sa mga oras na nakikita ko sya alam ko sa sarili kong nafafall ako. Sobrang hirap kasi hindi ko magawang sabihin sa kanya yung nararamdaman ko. Nahihiya ako kasi ang laki ng difference namin. Yung age gap namin 6 years at may work na sya ako studying pa lang.

Sya yung masasabi mong perfect na guy. Lahat ng qualities na hahanapin mo nasa kanya na. Matalino, sobrang gwapo, matangkad, matipuno, may paggalang sa magulang, from a decent family, walang bisyo, talented sa music (drums), sobrang bait at higit sa lahat follower ni God.

Yung tipong nag sisimba sya linggo linggo at nag babasa ng bible. Yung family kasi nya ay sobrang religious. I respect him for that. Hangang hanga ako sa kanya kaya siguro hindi ko maiwasang mafall.

Lagi ko syang ini-stalk sa fb, nilalike post nya at sinesave sa phone picture nya. I fall so hard for him to the point na natuto akong mag basa ng bible, mas naging matulungin ako sa kapwa ko kasi I admire him at narealize ko na ang sarap pala mag worship and tumulong sa kapwa. Yung tipong pati post ko parang hinhin kong babae at pag nilike nya photo ko naku besss! Paltukan na ako. Magigiba ko na yung kama namin.

Pero kuya, never akong nag assume na magugustuhan mo ako kaya siguro hanggang sa sidelines lang ako. Never akong lumapit sayo or chinat ka kahit pinsan kita kasi nahihiya ako sayo. Natatakot ako na baka seen mo lang ako at kung anong isipin mo pero alam kong hindi ka naman ganon.

Anyways, for the past 3 years na nafall ako sayo ng bongga anlaki ng pinag bago ko. I want to be a better person because of you. Alam kong walang mararating itong pagtingin ko kasi yung salita palang na 'magpinsan' nakaharang na sa daan. Pero I want to thank you kuya for changing me even though you have no idea. I will keep watching you from the sidelines and see how you grow kahit minsan kumikirot yung puso ko pag may post ka kasama ang gf mo. Hindi ko alam kung bakit kayo nag hiwalay pero I know you'll meet someone better.

How I wish lang na ako yung 'someone better' na yun. Thank you kuya and remember that I will always love you, as your cousin and as a person who has one sided love for you. Always.

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon