Signs

398 7 0
                                    

Signs

I really believe in signs. Every decision I made and will make, I always rely it in signs. That's what my grandma's advice before she died.. "Whenever you're unsure, ask for a sign.."

My friend asked me to go with her. Nood daw kami ng game ng crush nya. Wala naman din akong gagawin kasi kakatapos lang ng exam so sumama ako.

Habang nanonood, bigla nalang naaninag ko ang isang lalake. Nag ii-slowmo ang paligid. Parang may malakas na hangin na umiihip sa kanya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Parang may mga paru-paro sa sikmura ko. Ang weird. Never felt this feeling before. Sobrang stunning niya. 😍 Napa tanong tuloy ako kay God..

"God, siya na ba? Bigyan mo ko ng sign please."

Nang..

Nang...

Nang biglang nasapul ako ng bola sa ulo.

Parang naalog ung ulo ko at lumabas ang utak ko mula sa bibig ko sa sobrang lakas! Hilong hilo ako at namalan ng malay.

Pag mulat ko si cutie guy ang unang mukhang nakita ko. 😍

"Miss, miss, okay ka lang? Sorry.. Sorry talaga. Di ko sinasadya."

Imbis na magalit ako, napa ngiti ako..

Hawak hawak kasi nya yung pisngi ko eh.. *kinilig tuloy ako*

At dun nag start ang lovestory namin.

SALAMAT SA RUMARAGASANG BOLA!
SALAMAT LORD.

After ng game nila niyaya nila kaming kumain sa labas.

Habang kumakain kami natutulala ako sa kanya. Habang nag kukwento siya wala akong naririnig. Parang ang tahimik ng paligid. At tanging siya lang ang nakikita ko. Ang alam ko lang ng mga oras na yun puro tanong ang nasa isip ko.. "Bakit may anghel sa harap ko? Bakit ang perfect mo?" 😍❤️

Pag tapos kumain nag hiwa-hiwalay na kami. Kanya kanyang uwi na.

Habang nag hihintay ako ng jeep biglang may nag tap sa balikat ko. Pag lingon ko, nakita ko ang isang bulaklak na hawak hawak ng isang kamay mula sa likod ko. At pag talikod ko, nakita ko siya. Si cute guy.

"Hatid na kita" sabi niya.

Ako: Huh? Cavite ka pa ah, malayo ang makati sa cavite.

Siya: Sus! Malapit lang yun! *sabay ngiti at kindat* 😉

Ako: ... ah sige. ikaw bahala ha.

(Deep inside: OMAYGOSSHHH! ENEBE!! 😍 KESHE NEMEN EH! WAG MO NGA KONG NGININGITIAN JAN! NAIINLOVE AKO EH! KEYNESH KAA!😍)

Hinatid niya ako hanggang sa gate ng bahay namin. At nung nagpapaalam na 'ko..

Ako: Thank you ha. Ingat ka sa byahe!

Siya: Wala yun. Ikaw din ha? Ingat.

Ako: Okay. Thanks. Bye.

Siya: Mmmmm.

Ako: Bakit?

Siya: Ah wala wala. Hmm.

Ako: Sige bye.

Siya: Bye.

(Pero hindi parin siya umaalis)

Ako: May sasabihin ka pa?

Siya: Hmmm..

Ako: Ano?

Siya: Pwede bang dumalaw dito? Okay lang ba?

Ako: Ahh. Sure! Sige. Ikaw bahala.

Siya: YESSSS! Sige. Ingat. Bye. (ngiting tagumpay) 😁

Pag alis nya dali dali akong tumakbo sa kwarto ko sabay lock ng pinto.

Nag tatalon ako sa kama ko at tili ng tili. Binuhos ko talaga ng bonggang bongga yung kilig ko na hindi ko mailabas nung kasama ko sya. Grabeeeeh! 😍 Ganito pala ang feeling ng inlove! 😍❤️

Hindi ko kasi naranasan noon. No boyfriend since birth kasi ako at never akong nag entertain. Focus kasi sa studies at goal kong grumaduate muna. Madalas nga akong tinatanong ng parents ko kung bakit wala pa daw akong boyfriend. Napagkamalan pa akong tomboy. Tsk. 😒 Pero ngayong graduating nanaman na ako ng college, siguro pwede na. Yiiiieeee ❤️😍

Sobrang sarap ng tulog ko nung gabing yun. Naiisip ko kasi yung mga ngiti niya. Nakaka goodvibes. 😍

Kinabukasan, ala singko. Prepare na para pumasok. Pagbaba ko ng hagdan habang nag hihikab hikab pa nakita ko si cute guy na naka upo sa sofa namin sa sala. "Shet! Namamalik mata ba ko?" (kusot ng mata) Luh! Di naman.

Pagbaba ko yung parents ko naka ngiti sakin.

Cute guy: "Sunduin sana kita. Sabay na tayong pumasok."

Ako: Ha?

Papa: Bilisan mo. Maligo kana! Kanina pa yan nag hihintay sayo.

Edi karipas ako ng ligo. Nakakahiya. May naghihintay pala sakin. Pag tapos kong maligo naka upo na sila sa mesa at tinatawag na ako para kumain.

Sina mama at papa ngiting tagumpay. Mas kinikilig pa sakin yung dalawa. Tsk. Sobra nilang asikasuhin yung bisita ko. Bagonkami umalis at hahalik na ako sa kanila bumulong sila sakin "Boyfriend mo na ba yan?"

Ako: Huh? Hindi ah.

Sila: Hindi pa?

Ako: Ma, Pa, hinde po okay?!

Sila: Kailan?

Ako: Ano ba?!!

Sila: Okay na okay siya samin.

Ako: Tssss 😒

Botong boto sina mama at papa sa kanya. Ganon nalang din siguro ang saya nila kasi ngayon alam nilang mali ang hinala nila na tomboy ako. Na tomboy ang unica hija nila.

Habang nasa classroom ako parang lumilipad yung utak ko. Naiisip ko siya. Bigla nalang ako napapangiti. Mula cavite to makati binyahe niya para sunduin ako. 😊😍 Ang sweet. ❤️

To make the long story short:

Niligawan niya ako. Hindi sa text, hindi sa chat. Personal siyang nanligaw.

Araw araw siyang pumupunta sa bahay at may dalang kung anu-ano. Araw araw nya din akong hinahatid. At bago mag noon new year nag propose siya. Sa harap ng parents ko. Umoo ako. Nauuna pa nga sina papa sumagot sakin nun eh. "Oo na yan! Oo na yan!" Hahaha. Ayun. Sobrang close nya sa family ko. ❤️

To make the long story short. again.:

Sa three years namin. Wala namang perfect relationship, minsan nagkakatampuhan kami. Until dumating yung day na umayaw ako. Simpleng bagay lang naman ung reason tungkol lang sa time and priorities. Habang nasa jeep ako. Humingi ulit ako ng sign.

"God, bigyan mo ko ng sign kung kami na ba talaga ang para sa isa't isa."

Nang..

Nang biglang tumugtog yung theme song namin. Ikaw lamang ng Silent Sanctuary.

Nangilabot ako nun.

Pag uwi ko ng bahay nandun siya.

Biglang lumuhod sa harap ko.

Binuksan ang isang maliit na box na may lamang singsing.

"Pakasal na tayo." sabi nya.

Di pa 'ko sumasagot. Iyak na ng iyak yung parents ko. Hahahah.

And I answered YES.

Naiyak din si cute guy. At syempre, naiyak din ang bida nyo. 😭😭

Two months after the proposal nag pakasal kami.

And now, work muna ang priority namin. Ipon muna para sa future ng magiging babies namin.

Yun lang.

Thank you sa pagbabasa. Sana na-inspire kayo. 😊

Tandaan nyo lang na may forever para sa mga naniniwala. 👍

Mr & Mrs Chua
200*
Institute of Business, Accountants and Finance (IABF)
FEU Manila

Secret Files PHWhere stories live. Discover now