MAMAHALIN NALANG KITA MULA SA MALAYO.

454 5 0
                                    


MAMAHALIN NALANG KITA MULA SA MALAYO.

I came from a failed relationship last 2011. Mike was my ""First Love"", I met him 2008 and I was just 17 at 21 sya. Hindi ako gusto ng family nya kasi mayaman sila, at bunsong anak sya so lahat ng kapatid nya tutol talaga sa relationship namin dahil masyado pa daw kaming bata.

Pero pinaglaban nya ko, hanggang sa nauwi kami sa pagiging ""Live in"" kasi umalis sya sa bahay nila para piliin ako. Tumira kami sa bahay namin with my family. Everything went fine kahit mahirap ang buhay, nagsikap kmi. Nagworking student ako at sya din ganun. 3yrs kaming nagsama pero hindi ako nabuntis, kahit na pareho na naming gusto magkababy at bukod sa kasal yun nalang ang kulang para maging totoong pamilya na talaga kami. Alam ko dissapointed sya dun pero never nman naming pinag awayan yun.

Hanggang sa isang araw nagkaroon kmi ng tampuhan. Umuwi sya sakanila, and since that day hindi na sya bumalik.

Akala ko simpleng tampuhan lang yon, na nagpapalamig lang sya kaya sya umuwi sa bahay nila pero hindi pala. Wala na pala syang balak bumalik sakin. Pinuntahan ko sya pinilit kong ayusin, nagmakaawa, umabot na sa point na nasasaktan nya nako physically dahil parang naiinis na sya sa halos araw araw kong pag punta sa bahay nila. Sabi nya, ""Ayoko na, hindi ko pala kaya yung ganung buhay. Hindi ko naenjoy yung buhay binata kasi masyado tayong maagang nag sama. Magpahinga muna tayo, dito muna ako."" Pero hindi ako sumuko, naisip ko ipaglalaban ko sya tulad ng ginawa nya para sakin noon. Then isang araw, dumating yung part na kinakatakutan ko. Pagdating ko don may babae syang iniharap sakin. Yung ex-gf nya nung college, nagkabalikan daw sila. Gumuho ang mundo ko, wala akong nagawa kundi lumuhod at magmakaawa pero wala bingi na sya, hindi nya nako naririnig. Hindi nya nako nakikita. Hindi ko napaghandaan yon. Akala ko sa mga pelikula lang nangyayari yon pero totoo pala. Nakakamatay yung sakit, he was my First. And I thought my Last.

Naglibang ako, naisip ko Oo baka nga tama sya. Baka hindi namin naenjoy yung stage ng pagiging dalaga at binata. So gimik doon gimik dito, nung nagsawa ako nag aral ako ulit tapos nagtrabaho. 2yrs hindi ako nag entertain ng manliligaw kasi kahit dalawang taon na ang lumipas sya padin, mahal na mahal ko paden sya. At still I can't imagine myself being hurt again. Nakakadala yung sakit, nakakapaso, pakiramdam ko may namatay sa loob ko.

But in 2014 nakilala ko si Laurence nagtry ako. Sinubukan kong buksan ulit ang puso ko for someone, pero nagpromise ako sa sarili ko na this time magtitira nako ng pagmamahal sa sarili ko. Oo minahal ko si Laurence pero hindi parin ako masaya, may kulang parin. There's still an emptiness na hindi nya nagawang i-fill up. Aside pa don may ugali syang childish na konting bagay pinapalaki nya, gusto nya lagi ng argumento which leads me to a decision na umalis nalang sa relationship nmin. It lasted for 1yr& 4mos, naghiwalay kami January 2015. Nastress nanaman ako, feeling ko lagi nalang failure.

Febuary, nakipag date na ako ulit. Sya si Xymond, Oo alam kong mabilis pero that same month sinagot ko din sya. Iba kasi e, yung spark. Yung kilig, yung parang na- ""Love at First sight"" ata ako. Masaya syang kasama, pareho kaming mahilig kumain ng japanese foods, mahilig syang magtravel, magroadtrip, yung sense of humor, at higit sa lahat sakanya ko naramdaman ulit na buo ako. Wala ng emptiness. Totoo na yung saya, wala ng bakas ng kahapon. I was 25 and he was 39. 14yrs and gap namin na parang naging reason para maamdaman kong safe at matured na ang relationship na papasukin ko.

After few months, he already moved in sa apartment ko. Sa bahay ko na sya natutulog, eto nanaman nakipag live in nanaman ako. Although nandon yung takot na baka eto nanaman, na parang ganito yung eksena ko noon 4yrs ago, baka maulit lang. Pero tinalo ng puso ko yung isip ko, nagmahal nanaman ako nawala na totally yung walls sa puso ko. Masaya na ulit ako, masayang masaya. Everything went smooth kahit pa mabilis na nangyari lahat. Single sya, walang anak. In short binata, walang sabit. Nag umpisa kaming magplano ng buhay, magpakasal, bumili ng bahay, magnegosyo at higit sa lahat yung pangarap nyang magkaanak.

Secret Files PHWhere stories live. Discover now