SURRENDER IS NOT A RANGER'S WORD

277 6 0
                                    

“SURRENDER IS NOT A RANGER'S WORD"

14 years old pa lamang ako nang makilala ko ang taong Hindi ko inaasahan na magiging husband ko ngayon. Maniniwala ba kayo na hinintay nya ako sa loob ng 12 years? Yes. 12 years. Isa siyang sundalo at proud ako na naging boyfriend ko siya. Nagkakilala lang kami sa facebook. Ahm, noong una chat-chat lang kami. Hanggang sa naging Kuya ang tawag ko sa kanya. Sobrang bait niya. Ang bata ko pa para sa love kaya hindi ko pa naiisip yung pag boboyfriend. 2 years ko na siyang nakakachat, nag vc rin kami kung di siya busy. So Fast forward tayo. Nag 18 na ako at nakakachat ko pa rin siya. Hanggang sa niligawan niya ako, sabi ko naman sa kanya na hindi pa ako pwedeng mag boyfriend at sinabi niya na hihintayin niya daw ako kahit kailan. Handa daw siyang maghintay. Na-discover ko na magaling pala mambola mga sundalo no? Daming alam! Haha Yung mga lines nya tandang tanda kopa.. “BANSA NGA KAYO KONG IPAGLABAN, IKAW PA KAYA" whooooo! Kilig ang ate nyo.
Tapos sobrang sweet niya sakin. Kumbaga parang kami kahit hindi. Masaya ako na naging kaibigan ko siya. Actually, may feelings ako para sa kanya pero siyempre hindi ko pinapahalata. 5 years na at wala pa rin siyang pinagbago siya pa rin yung sundalo na nakilala ko super bait. Hanggang sa sinagot ko na rin siya kasi, nafall narin ako. Nagkita na rin kami. Nakakabilib lang kasi alam niyo yung feeling ng kusa niyang ibinigay account niya sayo kahit hindi mo naman hinihingi? Tapos one time, ino-open ko yung account niya. Ang daming babae na nagchachat sa kanya. Oo aaminin ko nung nakita ko yun nagselos ako, pero ang nagpagaan ng loob ko ay yung nabasa kong convo nila nung babae. Nilalandi sya nung babae tapos alam niyo yung sabi niya? Ganito..
“Hi Miss. Pasensya ka na ha, may girlfriend na kasi ako at ayokong saktan siya. Mahal na mahal ko yun tsaka wag ka nang mag-chat ng mga ganang salita sakin dahil malamang nababasa niya yun lahat. Ayokong magalit siya sa akin dahil mahal na mahal ko siya Miss.”
Hindi ako makapaniwala na masasabi niya yun sa babaeng yun. Biglang nawala yung selos na naramdaman ko. Sobrang swerte ko pala sa kanya. One time may bigla akong naitanong sa kanya..
“BABAERO DAW MGA SUNDALO?”
“BARBERO lang ako, pero hindi ako BABAERO”

Promise. Natawa ako diyan hahaha!
Aaminin ko, Hindi madaling maging girlfriend ng sundalo. Bukod sa machixx sila, hindi mo sila araw-araw makakasama. Dumating na ang araw na pinakahihintay namin, ang maging legal sa both parents. Sobrang saya ng parents ko nung nalaman nila at boom!!! Kasalan na agad. Hahaha! Nagpaalam sya sa CO niya na kung pwede ng 3 days break, para sa kasal namin and sinwerte na pinayagan siya. So, kasalan na. Masaya kaming lahat. Masaya ako na napakasalan nya ako. Unexpected kasi diba sa Fb lang kami nagkakilala. Pero lungkot naman at babalik na ulit siya kung saan siya ma-assign. Di ko mapigilang hindi magtanong..
“BAKIT KASI KAILANGANG UMALIS KA PA?”

“KASI HINDI KO NA HAWAK ANG BUHAY KO, PAG-AARI NA AKO NG GOBYERNO”

“PROMISE BABALIK KA NG BUHAY HA?”

“MA, SUNDALO AKO. HINDI KO MAIPAPANGAKO SAYO NA MAKAKABALIK AKO NG BUHAY BECAUSE I'M A SOLDIER BORN TO DIE”

Hindi ko alam kung bakit ganun siya. Sobrang tapang niya. Ilang months din siyang hindi nakakauwi minsan. Nakakalungkot pero okay lang. May tiwala ako sa kanya.

---Fast Forward---

Nakauwi siya at nagtataka ako kung bakit hindi siya ganoong ka-sweet sa akin kaya kinausap ko siya.

“BAKIT GANYAN KA? MAY PROBLEMA BA? HINDI KA NAMAN GANYAN AH!”

“MA, PAGOD LANG AKO. ALAM KO, NAGTATAKA KA KUNG BAKIT HINDI AKO GANOON KA-SWEET SAYO. AYOKO KASING DUMATING SA PUNTO NA MASANAY KA NA LAGI AKONG NANDYAN SA TABI MO. MA, MAGING MATAPANG KA. TUMAYO KA SA SARILI MONG MGA PAA.”

“PA, WAG KA NAMAN GANAN MAG SALITA.”

Alam mo yung feeling na naluluha ka sa mga katagang binabanggit niya. Na para bang last message na niya yun sayo. Pero dahil pinaliwanag niya sakin lahat, naiintindihan ko na siya. May mga bagay rin na hindi ko pwedeng malaman.
Eto na naman, aalis na naman si Ranger. Maririnig ko na naman mga payo niya.

“MA, AALIS NA AKO. INGAT KAYO DITO PALAGI HA? SANA MAKABALIK AKO DITO NG BUHAY. KUNG MAMATAY MAN AKO, TANGGAP KO YUN MA. AT KUNG SAKALING MAWALA AKO, ALAM KONG MAY DARATING PANG LALAKI DYAN PARA SAYO, AT YUN ANG TANGING HILING KO. BASTA, KUNG SAAN KA MASAYA DUN DIN AKO. I LOVE YOU MA!”

Iyak naman ako diyan sa sinabi niya eh. Wala akong masabi sa kanya nung time na yan. Pero pinilit ko magsalita.

“INGAT KA DUN HA. MAHAL NA MAHAL DIN KITA”

“MA, RANGER ANG ASAWA MO. SURRENDER IS NOT A RANGER'S WORD.”

Masarap na mahirap makapag-asawa ng sundalo. Nakaka-proud kasi mayroon kang matapang at mapagmahal na asawa. Mahirap kasi, wala siya lagi dyan sa tabi mo.
Wala eh, sa sundalo napa-ibig. Yes, mahirap maging sundalo. Pero mas mahirap maging asawa ng sundalo. Biruin mo, kapag nagbubuntis ka wala siya dyan sa tabi mo. Kapag may gusto kang kainin wala siya dyan sa tabi mo.
Pero hindi ko pinagsisisihan na minahal ko siya. Dahil kahit wala siya dyan palagi, alam kong mahal na mahal niya ako kahit hindi niya masyadong naipaparamdam. Alam mo yung hindi niya sinasabi sayo na wala silang makain dun. Minsan isang pirasong snow bear lang sa bulsa nila ang pantawid gutom. Hindi sila, nakakainom ng tubig. Puyat at gutom sila, pero hindi niya sinasabi sakin kasi ayaw niya akong mag-alala. Alam ko na sasabihin niya kapag nag-alala ako.

“MA, SUNDALO AKO DIBA?”

Yan! Yan naman lagi eh. Hahaha! Pero sanay na ako. Alam mo yung feeling na, Christmas & New year gusto mong makasama siya pero wala! Nandun siya, binabantayan ang ating bansa. Gustuhin man nyang umuwi, HINDI PWEDE. kasi nga, “PAG-AARI NA SYA NG GOBYERNO”

Ngayon, sanay na ako. Sanay na ako na wala siya lagi sa tabi namin ng anak niya. Naiintindihan na namin yun. May mission siya lagi. At sinasabi niya lang sakin na..

“WAR IS MY GAME”

Hahaha! Dati nga nagselos ako kasi alam niyo ba sabi niya may wife pa daw siya bukod sakin. Kinabahan ako. Pero sabi niya..

“GUN IS MY WIFE”

hahahahaha! Yun lang pala yon.

“SHOUT OUT SA ASAWA KO! MAHAL NA MAHAL PO KITA! INGAT KA PALAGI SA MGA NAKAKASAGUPA MO HA? PULBUSIN MO YUNG MGA TERORISTANG NPA NA YAN! MGA SALOT SA LIPUNAN. BASTA, LAGI LANG KAMING NAGHIHINTAY DITO NG ANAK MO. AT TSAKA PA, WAG KANG UUWI NG PANTAY ANG MGA PAA HA? AYOKO NUN. GUSTO KO, UMUWI KANG BUHAY DITO. MAHAL NA MAHAL KA NAMIN NG ANAK MO. INGAT PALAGI SA MGA MISSION. PRAY LANG KAY GOD, MAKAKAUWI KANG LIGTAS. I LOVE YOU PA! MUAHHH”

MILITARY LEGAL WIFE
20**
Unknown

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon