Do it

500 5 0
                                    

Do it.

"Yung ex-boyfriend ko sinapak ako sa bibig dahil daw napuno na siya sa pagbubunganga ko. Nag-sorry siya after dumugo ng labi ko. Sorry siya nang sorry. Hindi na raw uulitin. Pinatawad ko.

Second time, sa pisngi naman niya ako sinapak dahil naman sa selos. Pinatawad ko. Tanga ko noh? Third time, sinampal ako sa harap ng mga kaibigan ko. That time, hindi ko na siya pinatawad. Nakipag-break na ako.

Moral lesson: Kapag sinaktan ka na niya once, iwanan mo na. Uulit at uulit yan. Kahit i-provoke mo 'yan, kung matino siyang lalaki, hindi yan mananakit ng babae. Kung mahal ka niyan, hindi ka niya pagbubuhatan ng kamay. Gaya rin ng kapag minura ka niya. Kapag nagalit yan, mumurahin ka ulit niyan tapos mag so-sorry lang after. Hindi ka niya nirerespeto. Sa una palang iwanan mo na at wag mo hintaying ulitin niya pa. Ano nalang mangyayari sayo kapag pinakasalan mo pa yang kupal na yan? Gagawin kang punching bag kada magagalit siya? Wag martyr be. Laban!"

Cara Delebin-laden
2010
IARFA
FEU Manila

Secret Files PHWhere stories live. Discover now