Surprised

310 6 0
                                    


Surprised

Monthsary namin nun. Umaga palang tinanong niya na 'ko.

"Pupunta ka ba dito?"

Sabi ko hindi. May trabaho ako. Weekend nalang ako babawi. Walang hesitation pumayag siya.

Di niya alam nag vacation leave ako nun para i-surprise siya.

Wala akong tulog nun dahil nag bake ako ng chocolate cake. Nag luto ako ng mga paborito niyang ulam. Gumawa rin ako ng pizza. By the way HRIM major in Culinary Arts graduate ako kaya marunong ako mag luto. Going back, pinag puyatan ko lahat ng yun para matuwa siya. Bumili rin ako ng balloons bago ako dumiretso ng dorm niya.

Amoy ulam na yung kotse. Pagbaba palang ng pagkain hirap na hirap na ko. Lalo pa yung bitbitin ko pasakay ng elevator.

May susi ako ng dorm niya. Dahan dahan kong sinusi kasi naka lock atsaka para di niya rin marinig surprise eh.

Pag bukas ko ng pinto nabitawan ko lahat ng pagkaing dala ko.

Kasabay ng pagka durog ng puso ko.

Nakita ko siya hubo't hubad nakapaibabaw sa isang lalaking naka hubad din.

Mas lalong nadurog ang puso ko at hindi lang puso ko pati pagka tao ko nung humarap sakin yung lalaki niya.

Kuya ko.

Kuya ko.

Chef
2010
HRIM
De La Salle - College of Saint Benilde

Secret Files PHWhere stories live. Discover now