I'M IN-LOVE WITH MY RIVAL

612 6 0
                                    


I'M IN-LOVE WITH MY RIVAL

3rd year HS, nung makilala kita. Transfer student kasi ako sa school nyo nun, kung saan ang popular mo lahat na ata ng students kilala ka. Sabi nung kaibigan ko magiging karibal daw kita sa acads kasi matalino ka nga daw talaga. Diko alam kumbakit parang nakaka-excite pumasok sa school that time. Pero ilang days kang di pumasok nun kasi nga galing ka pa sa ibang lugar. Diko nga alam bakit excited ako na makilala ka.

Fast forward.
Nakasalubong kita, tinuro ka kasi nung isang kaibigan ko. So, that's him? Sabi ko sa isip ko nun. You're not that handsome pero may class, mabait ka, God centered, may sense of humor, plus napakaganda pa ng boses mo, pero diko akalaing ang manhid mo. Oo nga, naging rivals tayo sa iba't ibang bagay, nakakachallenge nga eh. We were so close back then, since you're the student council president and I'm the Vice-president. You're the one who encouraged me to participate, kahit na di ako interisado, napapayag mo naman ako mga ilang oras lang nun bago matapos ang filing, ang saya nga nung nanalo tayo diba? Ang saya ko nun sobra lalo akong nahuhulog sayo, diko akalain na ganito din pala kasakit or shall we say the pain is way greater pag nasaktan ka.

You think so highly of me, sabi ng mga friends mo, some said you like me, some said we're a match made from heaven. Kaya nga ako umasa kasi pakiramdam ko naman totoo pero bakit ganun? Langya naman kasi minsan yung mga taong nasa paligid nyo lang din dahilan ng lahat eh. Pero tanong ko lang dimo ba talaga ako minahal? Ay para saan pa pala? Ikakasal ka na *cries*.
Oo, umiyak ako nung malaman ko na ganun na pala ang sitwasyon. Akala ko kasi may shot tayo, akala ko special yung trato mo sakin, akala ko pa naman yung mga biro mo tototohanin mo one of these days, akala ko nga confession na lang ang kulang, akala ko ikaw na, akala ko lang pala. Ako lang pala naglagay ng meaning sa lahat ng ginawa mo. I've loved you for almost 6 years. Oo nag-antay ako. Inantay kita, di ako tumanggap ng suitors di man lang ako nagkagusto sa iba kasi alam ko na meron tayong Maybe Someday pero hahaha wala pala.

I want to forget you but I can't, that's why I'm gonna treasure those memories instead. Those rare moments, I'll engrave it in my heart. Nasaktan ako, pero pinatawad na kita dimo naman kasi sinabing MAHULOG KA SAKIN. You inspire me to do better, to be myself and to live my life the way I wanted it to be (you're not the sole reason, but you're one of those). I'm sorry for keeping it for almost 6 years. I'm sorry for dreaming that we could end up together. You're one of my best memories. You're one of the best characters in my poems and my short stories. Thank you for giving me so much, but I'm sorry I could never say something like I'm totally good 'cause I'm not. The pain is way beyond extreme. Pero di talaga ako galit sayo, di rin ako galit sa kaibigan ko, pareho naman kayong walang alam sa feelings ko. So, wala talaga kayong nasagasaan.

Deserve nyo ang isa't isa, pero diko pa kayang sabihan kayo ng congratulations masakit pa kasi. Pero okay lang, bubuhos ko na lang ang lahat sa 2017 MTboard exam. May balak din naman akong mag-med alam kong alamo yun, lahat naman alam mo diba? Maliban sa salitang Mahal Kita. Manhid ka kasi hahaha o baka I'm just so good when it comes to playing it cool kaya dimo talaga naramdaman. Isang sana ang bibitawan ko. Nung inabot mo yung flower na naka-frame na may nakasulat na, ""for the luckiest girl in the whole world"", inisip ko na sana para sakin yun, kaso nung binalik ko sayo tinanggap mo. Kaya naisip ko na di talaga para sakin yun at pinabasa mo lang siguro sakin, dimo rin naman sinabing ""for you"", kaya alam ko, na nakalaan sa iba yun, kaya naisip kong hangaan ka na lang sa malayo.

So many words were left UNSAID, so many stories were left untold.

I wanna live my life, without you in it. This is my final goodbye. Sana matapos din yung sakit.

Hinata
FEU-MANILA
2012

Secret Files PHWhere stories live. Discover now