"AS HE PROMISED"

331 7 1
                                    

"AS HE PROMISED"
(SPG: Horror)

Isa akong engineering student noon (wayback 2012) sa isang polytechnic school. May professor kami sa statistics na itago natin sa pangalan na "Sir Jireh". Napakakwela ng prof namin na yun. Napakajoker at masayahin. Actually parang tropa lang namin siya. So ayun nga, habang nagkaklase kami, nagpabreaktime siya ng 15minutes. Nung palabas na si sir, biniro siya ng isa kong kaklase.

NV
Rex: Sir, baka diretso ka na ulit pag-uwi ha? Baka maghintay na naman kami.
Sir Jireh: Hahaha. Babalik ako. Promise babalik ako. Gusto mo ipusta ko pa buhay ko e. Basta promise babalik ako promise.

Yan yung last sentence na narinig namin sakanya bago umalis. Around 5pm noon, nakaugalian na ni Sir Jireh na bumili ng mansanas sa tapat ng school namin tuwing break time. Kaya nung break time ay lumabas siya at bumili ng mansanas sa tapat ng school. Tapos na yung 15minutes na breaktime namin pero wala pa siya. So umasa kami na dismiss na naman. Pero siguro mga 10 minutes pa yung lumipas, dumating na si sir jireh at as usual, may dala siyang isang pirasong mansanas. Ang ingay ng klase namin nun. Pero ang weird lang kasi ang tahimik ni Sir at nakayuko lang. Nakaupo lang sya sa chair habang nakapatong lang yung mansanas sa table, which is nakakapanibago kase madalas kapag break time kinakain niya na yung mansanas na binibili niya. Hindi man lang siya umiimik. Kaya kinausap ko si Christian.

NV
Ako: Tian, bakit kaya ang tahimik ni sir? Ano kayang gagawin niyan?
Christian: Ewan. Baka broken hearted kay maam Jaz.
Ako: Baka. Okaya baka gugulatin tayo.

Then suddenly, parang nagkakagulo sa labas ng school. May mga natataranta, may mga professor na umiiyak, at may mga estudyante na tumatakbo palabas ng school. Kaya kaming lahat magkakaklase, ay tumakbo rin palabas. Ang akala ko pa nga nun may sunog. Sa labas ng school naman kumpulan ng mga tao tsaka may mga pulis. Lumapit si Rex dun para makichismis. Nung pagbalik niya samin, tinanong namin kung anong meron dun. Pag tinignan mo yung mukha niya parang takot na takot. Tapos namumutla yung mukha niya na nanginginig yung lower lip.

NV
Ako: Rex ano daw meron dun?
Rex: (hindi agad nakaimik)
Christian: Uyy kawayan! Anong meron dun?
Rex: G*go si ano... Si sir patay na. Nasagasaan yata may motor dun na nakatumba e.
Ako: Sinong sir?
Rex: Jireh. (Tapos umiyak siya)
Lahat kame natulala sa sinabi ni Rex. Ako rin mismo tumulo yung luha ko kase kinilabutan ako. Nag iyakan na rin yung iba. Natakot kaming bumalik sa room kaya sinabi namin sa ibang prof. na nandun pa sa room namin si sir Jireh at nakabalik pang may biniling mansanas. Kaya sama sama kaming nagpunta sa room namin. Pagdating namin dun, wala na si sir Jireh. Nakita nalang namin sa room yung mansanas na nakapatong sa table.

Dom
20**
Others

Secret Files PHWhere stories live. Discover now