"8 YEARS AND 4,300 MILES"

282 2 0
                                    

"8 YEARS AND 4,300 MILES"

I fell in love with a girl from my church who's 8 years younger than me. Well, dapat talaga 9 years na, pero dahil nakahabol siya bago mag end ang 1999, pasok pa rin sa 8. Here's how it all began..

I was 19 years old when I met this beautiful girl sa church namin. Sobrang ganda talaga, and sa totoo lang, halos lahat ng young people samin, may crush sa kanya. I told myself 'di ko kakayanin 'to kung ako lang, so ang game plan is the "family approval tactics". Aba cinlose ko halos yung buong pamilya niya, ultimo aso nila kilala ako. Pero among all the members of her family, the one who became closest to me was her baby sister. Itatago natin siya sa pangalang "bebe girl". Botong boto sakin si bebe girl para sa ate niya. Ultimo paboritong food, color, music, hobbies, as in lahat ng trip ng ate niya, sinasabi sakin. Very rarely na lumilipas ang magdamag na hindi kami magkatext/ chat. Masaya siya kausap. Sa church, siya ang pinakamakulit na bata noon. Although ang tangkad niya para sa age niya, isip bata pa rin talaga. Ang bonding namin noon, uupo siya sa harap ko, iaabot ang suklay niya, at magpapasuklay. Puro kasi kami lalaking magkakapatid, kaya siguro ang bilis ko napalagay ang loob kay bebe girl. Kuya tawag niya sakin, baby naman tawag ko sa kanya. Lumipas ang ilang taon, masaya kami. Yung "family aproval tactics" gumagana at effective. Pero mas madami pa rin talaga ang time na magkasama kami ni bebe girl kesa sa ate niya. Unconsciously, unti-unti na akong naa-attach sa baby sister ko.

We held each other's hands, we embraced, until isang araw, ang bilis ng mga pangyayare, we kissed. I opened it up to her, inamin ko na nagkakagusto na ako sa kanya, pero she was really confused at that time. But we continued our i-don't-know-how-to-call-it relationship. Masaya kami. In-enjoy namin ang company ng isa't isa. Late night calls, non-stop texts, saying "i love you", "i miss you", nagseselos kami pag may kasamang iba ang isa. Parang kami. Pero hindi. And everytime na tatanungin ko siya, she would tell me, she loves me as a brother. She was confused. Sobrang confused. Then I reflected, I told myself, "ano ba 'tong ginawa ko?" I became a very bad influence to my baby sister.

Sa sobrang sama ng loob ko, pinilit kong iwasan siya, nilayuan ko siya, until makakita ako ng opportunity to really let go of her. I went abroad. Nawalan kami ng communication. Nag-fade din ang feelings namin. Nagmemessage kami, pero ang cold. Sabi ko finally, we moved on. Nagkagusto ako sa kasamahan ko sa work, sinubukan kong ligawan, pero basted. May mga nakikita akong pwedeng ligawan, or shotain, pero wala. Kahit isa. Ang bilis lang dumaan ng 2-year contract ko.

Now it's time to go home. Dalawang taon akong nagsubsob sa trabaho, sa wakas, magbabakasyon naman ako. Wala na kong ine-expect from bebe girl. Lahat ng nangyare sa amin, kinalimutan ko na. Ala-ala na lang yun na masarap balik-balikan.

Surprise ang pag-uwi ko. Wala akong pinagsabihan nun. Kahit sa bahay walang may alam. Eto na, dumating na ang Linggo. Sabi ko, susurpresahin ko churchmates ko. Sobrang saya ko na makita ko sila. Pero si bebe girl, iniwasan ako. Nagkatinginan pa kami sa may pinto ng office, pero pumasok siya bigla. Di mo alam kung gulat ba, galit, or ano pa. Hindi kami nag-usap nun. Buong araw akong nasa simbahan pero hindi niya ako pinansin. Sobrang saya ko ng araw na yon. Sabi ko sa sarili ko, "affected pa siya sakin" ibig sabihin, may chance pa ko. May chance pa kami. May feelings pa.

Nagsimula ule kami sa chat. Nagpansinan sa personal. Nagtawagan sa phone. Nag-usap, nagkaintindihan, nagkaliwanagan, at ngayon, naibalik na namin yung iniwan naming relasyon. Sobrang sulit ng dalawang buwang bakasyon kong iyon!

Milove, alam ko mababasa mo ito soon! Sabi ko sayo susulat ako dito diba? Malayo man tayo sa isa't-isa, magkaiba man ang oras natin, magkalayo man ang edad naten, gusto ko lang malaman mo na tutuparin ko ang mga pangako ko. Itatama ko lahat ng mali ko. Salamat sa pagbibigay sa akin ng isa pang chance. Oo milove, maghihintay ako sayo, grade 12 ka na ngayon, may 4 years pa sa college. (Wag ka na mag masteral please? ) Oo aantayin ko maka-graduate ka. Hindi ako perpekto, pero mahal na mahal kita. Kakayanin ko lahat 'to. Kaya natin to milove! For the meantime, work mode muna ko, promise ko sa'yo paghahandaan natin ang future natin. Financially, emotionally, and spiritually. I love you!

Mr. Arabo
20**
Unknown

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon