TINDAHAN

892 13 0
                                    


TINDAHAN

November 5,2016, Saturday. 1:30 AM.

(Exam Week, kaya gising pa ko. Nagrereview ng tax.. )
Nagutom ako kaya bumaba ako at pumuntang kitchen. Walang pagkain.
Tiningnan ko rin sa ref, wala ring pagkain.

So wala kong choice kundi bumili sa labas. Bumalik akong kwarto, para kumuha ng pera. Then tumingin ako sa bintana kung may bukas pa na malapit na tindahan. May nakita ako pero medyo malayo (siguro from Rotonda hanggang church yung layo), pero may umagaw ng atensyon ko, yung nakatambay na matanda sa tapat ng bahay namin. (Nakaupo siya pero nakaharap sa bahay namin.)

Dahil pasado ala una na, sobrang dilim na ng bahay namin at kwarto ko nalang yung may ilaw, tulog na yung lola ko at yung tita ko. Bumaba ako at lumabas ng bahay. Pagbukas ko ng gate, nagulat ako kasi tumayo yung matandang babae pero di siya kumikibo, nakatingin lang siya sakin na parang nagulat. Ayoko talagang lumabas ng ganong oras dahil sobrang dilim sa kalye namin, may isang ilaw lang yung dilaw pa na malayo layo sa bahay.
Habang naglalakad, sinilip ko yung matanda, nakatingin parin siya sakin na nanlalaki yung mata na parang may tinuturo sa likod ko. Natakot na ko, so medyo binilisan ko yung lakad hanggang sa makarating sa tindahan.

Bumili ako ng coffee at chips saka ilang cupcakes. Then naglakad na pauwi, this time, nakakaramdam na ko ng kakaiba sa bandang likod ko. Pero di ko pinansin, "tinatakot ko na naman sarili ko", bulong ko. Binilisan ko ulit yung lakad ko. Then nung medyo malapit na ko sa bahay, natatanaw ko yung matanda na sinusundan ako ng tingin na tinuturo yung sa bandang likuran ko. Tiningnan ko, wala naman akong nakikita, then nung bubuksan ko na yung gate, lumapit siya sakin tapos parang natatakot na nagulat niyang sinabi na, "MAY BABAENG SUMUSUNOD SAYO." Sobra kong kinalibutan na ang nasabi ko nalang eh 'Ha?!( natatakot na ko, pero di ko siya pinansin at pumasok na sa bahay.)

Kinalma ko yung sarili ko, kumanta, at nag-isip ng happy thoughts habang nagtitimpla ng kape. Pero nung paakyat na ko ng hagdan, biglang bumukas yung pinto,nagulat ko, muntikan ko pang mahagis yung mug na hawak ko. Pero sinara ko nalang at nag-isip ng happy thoughts.(Pero sobra na kong natatakot)
Pag akyat ko sa kwarto, nilapag ko yung kape at dala kong mga pagkain. Isasara ko na sana yung bintana pero nakita ko yung matanda na nakatayo parin, tapos nakaturo sa kwarto ko,(lalo kong natakot) Tapos bigla siyang sumigaw na. "ANDYAN YUNG BABAE!", kinilabutan ako, tapos pagtingin ko eh may nakatayong babae sa labas ng pinto ng kwarto ko.

Sobra kong natakot, tapos pumikit nalang ako at nagsabi nagpray. Then pagdilat ko eh wala na yung babae, sinara ko na yung pinto, at sinilip ko yung bintana, wala narin yung matanda.

O_O

PS: 'Wag magreview ng taxation tuwing 1:00 AM.

aja
College of Business Administration and Accountancy
(CBAA) 2014

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon