"It's not you,It's me"

1.1K 5 0
                                    


"It's not you,It's me"

"Hi i just want to share my simple love story with you:)

Im an escolarian student taking up dentistry im on my second year but i studied in UE since predent to second yr. I transfer due to financial reason.

My love story started last dec.2014 ipinakilala kami ng mom nya sa isat isa(which is my mom's bff) ayon hi hello shake hands that's it. Wala akong na feel na kahit ano ung love at first sight wala. siguro kasi namanhid ako ,na trauma ako i was a battered gf sa second ex ko and di ko alam na may una palang siyang gf and im his second so for four years i locked my heart, at kinalimutan kong magtiwala,at mag mahal dumating sa point na naging bitter ako ,oo naging bitter ako kasi nasaktan ako ,oo kasi ang tanga ko. Wala eh ganun talaga pag nagmahal ka di maaaring di ka masasaktan.

Going back ,Inadd nya ako sa fb at dun din nag simula ang lahat hanggang sa di ko na mamalayan lagi na kami mag kausap,

Naging masaya ako,sobra alam mo yung feeling na excited kang gumising sa umaga kasi alam mong may mababasa ka sa inbox mo na sweet

Yung good morning beautiful wake up,i miss you. At mag rereply ako ng good morning handsome.

Ang sarap sa pakiramdam ung kinikilig ka sa mga pick up lines at corny na jokes nya. Gabi Gabi kayong magusap kahit wala na kayong mapag usapan basta alam mong nasa kabilang linya lang sya.nakakatawa kasi muka kayong tanga wala ng mapag usapan di pa ibababa ung telepono.minsan nga paulit ulit nalang ung mga tanong para may masabi lang .

One night sabi nya :andito na ako ,i will love you at di ko gagawin un ginawa nya sayo di kita iiwan.

Unti unting natunaw ung puso ko un lang pala ung susi sa nakakandado kong puso .i feel secure when im with him.di ko namamalayan unti unti na akong nahuhulog sa knya at unti unti ko na syang minamahal.

At naging kami.di alam ng magulang namin, di namin pinaalam ayaw kasi namin na, mag away ung mga magulang namin dahil samin.

Tulad ng normal na relation dumating din ung time na nag aaway kmi .on and off kami.wala na ngang naniniwala na maghihiwalay kmi eh One time nag message ako sa best friend nya

Me:hello c___ hiwalay na pala kmi
C: Ayos lang yan magkakabalikan na naman kayo nyan for sure
M:di na kami nag uusap
C:eh kasi naman ilang beses na kayo nag hiwalay part5 na ata to
M:may sequel eh noh haha.wala last episode na ata to
C:may part 6 pa daw
Me:sino nag sabi?
C:may trailer na kasi
M:na lugi na un producer lol
(end of convo)

Lagi man kami nag aaway alam ko sa sarili ko mag kakaayos kami ayokong may what ifs ako hanggat mahal ko ipag lalaban ko kahit sya ung mali ako na sumusuyo para lang maging maayos kmi ako na un may peace offering.

Sweet ako kasi alam ko ang mga lalaki minsan gusto din nila minsan sila yung nilalambing sila ung ineeffortan.
Yung simpleng hug from the back,yung ibubulong ko sa knya na hey sexy mo.gwapo mo naman.
Alam ko sa simple efforts mapapasaya ko sya.

Yung pag tapos ng class ko dadalhan ko sya ng favorite nyang redvelvet dun sa snacks sa gastambide hihintayin ko sa labas ng pinto ng room nya ipag luluto sya ng baon nya ipag gagawa ng dinner
Sabi kasi nila the way through the man's heart is through their stomach.

Kahit pagod ako galing school mapag luto ko lang sya ng dinner okay na.

Pero ewan ko ba minsan galit sya feeling nya pinapataba ko sya. Gusto ko daw atang walang mag kagusto sa knya

Mag papapayat na daw sya sabi ko naman ano mag papapayat ka wag na sexy ka naman sa paningin ko kahit belly belly yan at isa pa pinag hirapan ko ma build yan haha..

Masaya ung naging relasyon namin sabay kaming bumuo ng pangarap,madami kaming plano sa buhay namin nakakatuwang isipin na nakikita namin na magkasabay kming tatanda

Pero masakit man isipin na yung mga pangarap nyo ,mga plano nyong binuo,lahat ngyon natapos lang sa salitang ITS NOT YOU ITS ME

Sa pelikula ko lang naririnig yun noon masakit pala yun marinig sa taong mahal mo,gas gas na pakinggan ung linyang yon,pero grabe ung gas gas na dinulot nun sa puso ko masakit pala talaga.

Yung feeling na unti unting bumabagsak ung mga pangarap nyong dalawa kasi sumuko na sya.

Yung pakiramdam na nagpapaalam na sya sayo at wala kang magawa,tila na statwa ka sa kinatatayuan mo, gusto mong tumakbo Para yakapin sya.para di na sya mawala sayo pero di ka makagalaw ,iyak nalang ung kaya mo gawin.
Yung kasabay ng pag agos ng luha mo ung hakbang nya papalayo sayo , gusto mong sabihin na bumalik kana pls. wag mo kong iwan mahal kita e,di ba na ngako ka di mo ako iiwan.

Yung hinihiling mo na sana kasabay mo sya maglakad hawak ung kamay mo di nya bibitawan

Sana kaya kong maging masaya para sayo sana makaya ko na wala ka
Sana dumating ung panahon na makikita kita at masasabi ko sa sarili ko na okay ako"

honeybabybubunini
Dentistry
2012
UE Manila

Secret Files PHWhere stories live. Discover now