Time flies so fast

236 2 0
                                    


Time flies so fast

Kuya ako. May nanliligaw na sa kapatid ko na dating baby at kinakarga karga ko lang. Dalawa lang kaming mag kapatid. Grabe kung gaano lumipas ang panahon. Dati rati ako pa ang gumagawa ng gatas niya. Ako pa tumutulong sa homework nya. Kaming dalawa yung nag aagawan sa remote tapos pag binu-bully ko umiiyak siya. Pero ngayon, may nanliligaw na sa kanya. Second year college na siya pero alam nyo yun? As kuya ayaw mong madisgrasya ng maaga yung kapatid mo kaya hangga't kaya mo po-protektahan mo siya. As kuya, as lalake alam ko ang iniisip ng kapwa ko lalake kaya natatakot akong gawin nila yung sa baby sister ko.

Hindi ako showy na nag ke-care ako sa kanya kasi ang gay tignan. Pero deep inside po-protektahan ko siya hanggang sa kamatayan ko at dadaan muna sa bangkay ko ang lalaking mananakit sa kapatid ko. Pero di ko maaalis na dalaga na siya at may lalake ng mag aalaga sa kanya at hindi na ako. Wag niya lang talagang paiiyakin ang kapatid ko dahil lulumpuhin ko siya.

Kuya
2012
Institute of Arts and Sciences (IAS)
FEU Manila











Kainggit.

Secret Files PHWhere stories live. Discover now