My baby is now a daddy

518 6 0
                                    

'My baby is now a daddy'

Sa haba ng kwento nating dalawa, hindi ko na alam kung pano ko sisimulan pero sige, sisimulan ko nalang kung panong una kita nakita.

Tandang tanda ko pa nung nakita kita. Kasalukuyan akong 4th year student nun nung nagsimula kitang magustuhan. Kagaya ng ibang babae, mahilig ako sa singkit. Ewan ko ba pero madali akong maattract lalo na sa mga singkit, ang cute cute kasi. Nasa fieldtrip kami non nung nakita kita. Pagbabang pagbaba ko ng bus ikaw kagad una kong nakita. Naagaw mo kasi yung atensyon ko kahit wala ka namang ginagawang kakaiba. Hindi ko maiwasang hindi ka titigan habang naguusap kayo ng mga kaibigan mo at mukhang nasa fieldtrip din kayo. Ang linis mo tignan at ang cute cute mo hahaha. Ang ganda kasi ng mga mata mo eh, singkit kagaya ng gusto ko. Halos hindi ko alam kung pano makukuha yung atensyon mo hanggang sa nagulat ako ng mapatingin ka sakin, hindi naman matagal pero feeling ko namagnet mo yung puso ko hahahaha corny pero yun yung naramdaman ko. Napaisip tuloy ako, anong school ka kaya? Kasi imposible namang kaschool kita dahil hindi naman kita nakikita o hindi lang kita napapansin? Ewan ko pero bigla akong nakapagdasal ng di oras, 'Lord sana kaschool ko sya'. Parang nagbiro yung tadhana nung nakita kong kasama mo yung mga ilang kakilala ko na nagaaral sa school na pinapasukan ko. Halos magtatalon ako sa tuwa non pero syempre sakin nalang  muna yung nararamdaman kong yon. Hanggang sa natapos yung araw na hindi ko nalaman yung pangalan mo pero ayos lang, may nextime pa naman eh diba?

Pangalawa kitang nakita nung may orientation sa school. Pinababa lahat ng 4th year student sa ground, habang nakaupo at nakikipagdaldalan nakita kitang dumaan malapit sa room namin. Kitang kita kita dahil nga nasa ground kami non. Ewan ko pero napakalabit nalang ako sa katabi ko sabay turo sayo at tanong ng pangalan mo. "Ah yun ba? Si I*** yan. Bakit? Crush mo?". Napangiti nalang ako sa narinig ko, crush lang naman diba? Wala naman sigurong masama. Nalaman kong nasa lower year ka kaya naman hindi kita nakikita. At kung sinuswerte nga naman, karamihan pala ng kaklase ko ay kaibigan o kilala ka. Dahil sa pagtatanong ko ng pangalan mo, kumalat agad sa room namin yung pagkakaron ko ng crush sayo. At gaya nga ng sabi ko karamihan sa kaklase ko ay kaibigan o kakilala mo kaya naman madali mo ding nalaman yung nararamdaman ko. Sino ba namang di makakaalam kung sa chat o kahit sa personal ay kinakamusta nila ako sayo hahaha. Nahihiya ako sayo kaya kahit ilang beses tayong nagkakasabay sa gate papasok, hindi ko magawang pansinin ka dahil nga nahihiya ako sa mga nalaman mo. Hindi mo alam pero mula sa malayo lagi kitang tinititigan, inaalam ko kung pumasok ka ba o kung nasan ka, hindi nakukumpleto yung araw ko ng di kita nakikita. Grabe no? Tinamaan na nga ata ako kahit na di pa tayo nagkakausap.

Natatandaan mo ba yung unang beses kong nahawakan yung kamay mo? Nakatambay kami non sa gate dahil uwian na, kasama ko yung mga kaklase ko/kaibigan mo. Nakita kita nung lumabas ka ng room nyo para umuwi na at dahil nga alam nilang crush kita, tinawag ka nila para ipakilala ka sakin. Nakakatawang ako tong may crush sayo pero halos magtago nako sa upuan ko dahil sa hiya sayo. Nagulat ako nung nilahad mo yung kamay mo sabay ngiti sakin at sinabi ang pangalan mo. Shit hindi ko alam kung bakit pero feeling ko dinaig ko pa yung nakaweed dahil sa kilig na nararamdaman ko. Simula non, binasted mo lahat ng nanliligaw sakin kasi nagkaron na din ako ng pagasa lalo na at kilala mo nako hahaha.
Hanggang sa nagkaron tayo ng pagkakataong makilala yung isa't isa through chat. Sobrang baliw mo! Hahahaha. Sobrang makalokohan mo dahilan para lalo akong mahulog sayo pero hindi tayo nabigyan non ng pagkakataong magkaron ng malalim ugnayan sa pagitan nating dalawa.

Lumipas yung mga buwan na crush pa din kita pero di na masyadong malala gaya ng dati hahaha hanggang sa nakagraduate ako ng 4th year na nagkaron tayo ng kanya kanyang buhay. Umalis ako non sa school natin kasi ayaw na ng parents ko na dun ko ituloy yung senior high. Nawalan ako ng balita sayo pero ganon pa din yung nararamdaman ko. Bandang september non ng nalaman kong may girlfriend ka na pala 😞 5 months na kayo. Malungkot pero okay na siguro yon, hindi naman na ako nageexpect na magiging tayo pero tadhana nga naman, ilang buwan palang nung nalaman kong nagbreak kayo. Syempre kahit ganon ayaw na din naman kitang guluhin kaya naman nanahimik na din ako hanggang sa isang araw nagkaron tayo ng pagkakataong magkausap ulit. Yung isang araw na yon naging, dalawa, naging linggo, naging buwan hanggang sa magtanong ka kung pwede ng manligaw. Shit sobrang saya ko non! Biruin mo, yung crush ko liligawan ako. Omg omg sobrang kilig. Pinayagan kita manligaw at di naman katagalan ay sinagot din kita. Hindi tayo nagtagal dahil na din siguro sa mga naging issue natin sa ex mo. Chat ng chat sakin yung ex mo, parang nagmamakaawa pa syang ibalik kita sakanya, na babawiin ka daw nya kahit anong mangyari. Sobrang nainis ako non kasi syempre, babae din ako, siguro nga ako yung nagkagusto kay i*** nung una pero di ko naman kaya sumira ng relasyon para lang sa sarili kong kaligayahan. Dahil don nagbreak din tayo. Ilang buwan palang nung nakipagbalikan ka na sakin ulit. Yung pagmamahal ko sayo walang pinagbago. Binalikan kita ng walang pagdadalawang isip, kasi nga mahal na mahal kita. Sa naging desisyon kong yon hindi nalang ex mo yung nagalit sakin, pati pinsan at mga kabarkada nya to the point na haharangin nila ako para lang sabihin na mangaagaw ako pero hindi ko dinaing yon kasi nga mahal kita at walang makakasira sating dalawa. Naging masaya tayo, nararamdaman kong napapatino kita pero hindi mo nga lang maiwasan yung pagdodota. Kahit na kulang sa oras minsan, pinaparamdam mo pa din sakin na mahal na mahal moko. Natatandaan mo pa ba pag sinasabihan moko ng pangit tapos pag naiinis ako sasabihin mo bigla na 'joke lang, proud na proud nga ako kasi ambait mo na ang ganda mo pa'. Sobrang sweet mo kahit na minsan nagkakagalit tayo. Kilala ka ng pamilya ko at ganun din ako sayo. Naging sobrang saya ko sa piling mo kasi kahit may pagkukulang ka, bumabawi ka naman sa lahat. Ramdam ko kung gano ka kaproud na girlfriend moko to the point na ginagawa mo sakin yung mga bagay na hindi mo ginawa sa ex mo. Nattandaan ko pa pag niloloko moko na gusto mo na ng baby tapos sasabihin ko sayo na ipapabuntis kita sa tatay ko hahahaha. Pero siguro nga lahat ng kasiyahan, may hangganan.

To my most handsome baby,
Gusto kong sabihin sayo na nagpapasalamat ako sayo kasi napasaya moko sa lahat ng bagay. Baby proud na proud ako sayo, alam mo naman yon diba? Walang kahit sino bukod sa pamilya mo yung makakatumbas ng pagmamahal ko sayo. Siguro nga hindi naman tayo naging sobrang tagal, pero yung ilang buwan na ikaw yung naging boyfriend ko, feeling ko taon para sakin. Baby higit kanino ikaw lang yung nakapagpasaya sakin ng ganito. Maniwala ka, gusto kong ilaban ka pero kung gagawin ko yon papahirapan lang kita. Baby sobrang mahal na mahal kita kaya ko gagawin at kakayanin to. Kakayanin ko para sayo at para sa sarili ko. Mahal na mahal kita at alam kong kakayanin mo to. Strong ka diba? Smile ka lang palagi okay? Kaya mo yan, mawala man yung matatawag na GIRLFRIEND/BOYFRIEND NA label natin, hindi naman mawawala o mababawasan yung pagmamahal ko para sayo okay? You will always be my forever baby.

Sobrang sakit. Sobrang sobrang sakit ng mga pangyayari. Hindi ko alam kung pano ko kakayanin to pero pag naiisip kita? Pag naiisip ko yung hirap mo? Nasasabi ko nalang sa sarili ko na kaya kong patatagin yung loob ko para sayo. Baby gustong gusto kitang ilaban, kaso hindi pwede. Kailangan mong matuto sa mga bagay bagay at  mamulat sa reyalidad ng mundong pinasok mo. Sobrang sakit nito para sakin lalo na at maiiwan akong walang laban at walang magagawa kundi bitawan ka. Sa ngayon lilibangin ko nalang yung sarili ko sa pagpofocus sa pagaaral ko at pagmamahal sa sarili ko. Ikaw? Ifocus mo yung sarili mo sa pagmamahal sa magiging baby mo.
NAPAKASAKIT ISIPIN NA YUNG BABY KO....MAY BABY NA. PERO HINDI SAKIN KUNDI SA EX NYA.

Bago sila nagbreak nabuntis nya ex nya ng hindi nya alam. Naging kami ng wala kaming idea na magkakaanak na sya. 3 months na kami nung nalaman naming 5 months ng buntis yung ex nya. Ayaw naming bitawan yung isa't isa pero kailangan.

Wag ka magalala, kakayanin ko to para sayo okay? Kaya dapat kayanin mo din, para sa sarili mo at para sa magiging anak mo. Alam kong labag sa loob mong maghiwalay tayo, pero hindi pwedeng  maging selfish lalo na at maaapektuhan yung bata. Sa huling pagkakataon, gusto kong humiling sayo. Please alagaan mo yung mag ina mo, lalo na yung baby mo. Wag moko alalahanin kasi kahit anong gawin mo susuportahan kita. Hindi ko man kayanin hindi mo na malalaman yon. Kailangan mo maging matatag kasi baby, isinakripisyo ko na lahat kaya patunayan mo sakin na worth it lahat ng to sa dulo okay? Kakapit nalang ako sa kasabihang 'kung tayo, hanggang dulo magiging tayo'. Hihintayin ko yung araw na mkikita kitang nakangiti habang proud na proud mong pinagmamalaki sa lahat yung baby mo, kahit hindi na ako yung kasama mo. Ayoko mang aminin pero tinakasan nako ng lahat ng lakas ko. Sa sobrang busy ko sa pagpapalakas ng loob mo, hindi ko napansin na hinang hina na pala ako. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal kita okay? Matupad mo sana lahat ng pangarap mo. At kung hanggang sa dulo, ako pa din ang mahal mo, pangako babawiin kita. Babawiin kita.

Always remember that no one can replace you in my heart.

Your Peppa Pig
Class of 2017

Secret Files PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon