SORRY NA TADHANA. PERO TANGINA MO DIN. SOLID. TANGINA TALAGA.

453 5 2
                                    


SORRY NA TADHANA. PERO TANGINA MO DIN. SOLID. TANGINA TALAGA.

Nakilala nya ko ng May 2014. But I knew her since March 2013. Graduation nya ng college. Classmate nya yung kapatid ng barkada ko, si Naomi. Earlier tonight she sent me a message. Link lang. Then hindi ko pinansin. Nagsend sya ulit asking if I already read it. I said no. Sabi nya basahin ko daw. Thats how I know about this confessions. I was hesitant to create one since its not my nature. Pero wala na eh, nasa fucked up situation na ko, itotodo ko na.

March 2013. Graduation day. Pumunta kami ako non kasama boyfriend ni Nao saka kuya nya. Hindi na kami umabot sa ceremony, mga kuhaan ng shots outside the hall na naabutan namin. And there she is. With a curl long black hair. Wearing her dark red dress. Heavy make up but still wearing her glasses. I was watching her at the edge of the hallway. Tapos nilapitan nya ko. Nagtanong siya kung pwd ko daw ba silang kuhanan ng picture. Syempre umoo naman ako. Una, silang dalawa lang ni Nao. Then next sumama na si Joel, bf ni Nao and another guy. Umakbay ung lalaki sa kanya. Then gets ko na yun.

She's taken.

Madalang na talaga ung babaeng single na nasa ganitong lebel ng aura.

After few months, nakita ko siya ulit. May laro kami ng basketball, mga alumni. Nakita ko siya nakaupo sa bench manunuod sa laro namin. Syempre lalaki ka, gusto mo mapansin ng crush mo, medyo pasiklab ka naman. Pero kahit anong pasiklab ko sa laro. Tangina sa iisang lalaki lng nakatingin si crush. Walang epek effort ko puta. Taken na nga pala siya. Palihim pa ko tumitingin kapag pupunasan nya ng pawis ung jowa nya. Nakakainggit sana ako din.

After game, nagkayayaan pa mag inuman. Syempre present ako ulit. At tangina, nandun din siya, kasama bf nya. Sa bahay lang yun with karaoke. Natatawa pa ko sa kanilang dalawa non. Kase nagpupustahan sila sino mauunang malasing. Pumusta kong si crush mauunang malasing pero pucha, ang dami ng nagsuka samin pero shumashot pa din siya. Ang lakas ni crush. Nanliit ako.

Tapos kumanta siya ng Why ni Avril. TANGINA MGA PARE. LAGLAG BRIEF NAMIN SA BOSES! Lalo ko siya naging crush.

""Baka si Jean yan!"" Sabi ng bf nya. Dun ko nalaman anong pangalan nya.

Tapos tinatamad na ko magtype. Ang haba pa ng iku-kwento ko. Tangina.

Eh di yun na nga. Skip na naten, umabot ng mahigit isang taon, hindi man lang ako nano-notice ni Jean. Wala eh. Sa iba naka focus. Saka hindi naman ako hopya nun sa kanya. Crush lang talaga nung una.

Gang mag May 2014 na nga. Birthday party ng isa sa mga big boss namin sa Globe. Maraming pupunta na medyo maimpluwensyang tao sa field kaya dapat nandun din ako and some of our team members. At nandun na naman siya. Puchanggala. Pero noon ko lang siya nakita na hindi kasama bf nya. Inisip ko kase company event yun. Tapos kumanta siya on stage dahil may live band na nandun. Excited ako marinig ulit ung boses nya. Tapos nag testing siya ng keys sa keyboard. Tangina marunong din sa instrument si Jean. Kinanta nya yung Hanggang Ngayon ni Kyla. Habang kumakanta siya parang may laman yung bawat linyahan.

Bakit haggang ngayon ay ikaw pa rin ang mahal.

Parang pinipigilan nya yung iyak. Bago matapos ung gabi na yun, naglakas loob akong lapitan siya. And it turns out na hindi nya ko namumukaan man lang. Pero okay lang yun. Pag tapos ng party, nag offer akong ihatid siya. Malapit lang naman kase sa bgc lang naman siya. Habang sa daan sabi nya nagugutom siya. Gusto daw nya ng bulalo. Tangina san ako hahanap ng bulalo at 11pm. Syempre sa Tagaytay!

So skip, natuloy kami ng Tagaytay dahil nga gutom siya. Hutaena si crush naka 6 rice. Ako dalawa lang busog na. Madaldal pala siya. Habang sa byahe kanta lang siya ng kanta. Shit. After kumain, sabi nya gusto nyang uminom. Oo lang ako. Nakita ko na to uminom e sure ako hnd malalasing. Sabi ko hanggang 2 bottles lang ako kase magddrive pa kako.

Secret Files PHWhere stories live. Discover now