Wedding dress

546 9 1
                                    

Wedding dress

Hi, ako si nash. May fiancé naman ako, si Alexa. 10 years na kami, saan at paano kami nagkakilala? Weird man, pero sa simenteryo kami unang nagkakilala. Madalas kasi ako noon sa simenteryo, palagi kong dinadalaw yung lolo ko na nag alaga sa akin noon. At sa palagi kong pagpunta doon, meron akong madalas nakikitang babae dun. Maganda siya. Sa hindi inaasahang pangyayari, nakita ko ulit siya at sa pagkakataong ito nagkaroon ako ng lakas ng loob para kausapin siya. Tinanong ko yung pangalan niya at tinanong ko rin kung bakit ko siya madalas nakikita sa simenteryo. Kwinento niya sa akin dahil palagi daw niyang dinadalaw yung mama niya na namatay dahil sa breast cancer. Malungkot yung storya ng buhay niya dahil apat sila na magkakapatid. Siya nalang yung natira na ate, dahil yung tatay niya iniwan na sila noong bata pa sila. Naiiyak siya habang nagkkwento, pinatahan ko siya. Nag pasalamat siya sakin dahil kailangan daw talaga niya ng makakausap. At mabait ang pagkakataon, dahil muli kaming nagkita noong ako ay dumalaw ulit sa puntod ng lolo ko. I asked her number, then she gave it to me naman. That time hindi kami nagtagal dahil uulan na. Nag text kaagad ako sakanya, at naging magka-text kami mag damag. Dito ko siya mas nakilala. Nursing pala siya, Engineering naman ako. Madalas ko siyang nakasama, at minsan ay inaaya ko siyang kumain sa labas. I admit na na-fall na ako sakanya. Dahil siya yung tipo na babaeng sobrang bait. Matagal din kami naging mag-kaibigan, at matagal din ako nag ipon ng lakas ng loob upang sabihin sakanya na Gusto ko siya at Mahal ko siya. Nakapag graduate kami parehas, at sa mismong araw ng graduation niya ako umamin na gusto ko siya. Gusto rin pala niya ako, niligawan ko siya ng tatlong buwan at sinagot din niya ako. Graduate na kami parehas noon at may sarili ng trabaho. Dumaan ang maraming taon, kami pa rin. Stay strong relasyon namin ni Alexa. Nakilala ko yung lolo't lola niya na nag aalaga ng mga kapatid niya tuwing may trabaho siya, at nakilala rin siya ng parents ko. Tanggap kami ng family namin both side. Mahal na mahal ko si Alexa, ayoko siyang mawala sa akin kaya naman nag ipon ako para makabili ng sing sing na ireregalo ko sa birthday niya at isasabay ko na ang proposal ko para sakanya. Dumaan ang araw ng kanyang kaarawan, at nag proposed ako sakanya. Tinanggap niya yung alok ko sakanya, at Oo! Fiancé ko na siya. Nakapag ipon pa ako ng pera, kaya naman mabibili ko na rin yung Wedding dress na gusto niya. Habang sukat niya ang pagkaganda gandang wedding dress na siya mismo ang pumili, nagulat kaming lahat dahil biglang bumagsak yung fiancé ko. Suot suot ang kanyang isinukat na wedding dress, tinakbo ko siya sa Hospital. Namumutla yung fiancé ko, nanginginig. Nalaman ko na sinumpong pala siya ng epilepsy, isang sumpong, nawala yung buhay ng fiancé ko. Bakit biglaan? Dahil hindi na pala siya nakakainom ng gamot dahil mas inuna niya yung tuition fee ng mga kapatid niya kesa bumili ng mga gamot niya. Sinisisi ko yung sarili ko dahil sa sampung taon na magkasama kami, hindi ko manlang nalaman na may lihim pala sakin yung fiancé ko. Nalaman ko sa lolo't lola niya na pilit pala talaga niyang tinago sakin na sabihin yun. Dahil ayaw daw kasi niya na maging intindihin sa akin. Pero alam mo yun? Ang sakit sakit sobra. Na yung taong mahal na mahal mo, sa isang iglap mawawala. Walang kasing sakit! Mahal, bakit mo naman ako iniwan? Ikakasal pa tayo diba? Pupunta pa tayo sa iba't ibang bansa. Mag kaka anak pa tayo. Paano na lahat yung pangarap natin kung wala kana? Sobrang daya mo mahal. Hindi ko lubos akalain at hinding hindi ako makapaniwala.

"Sa simenteryo tayo unang nagkakilala, ngunit hindi ko labis na matanggap na sa huling pagkakataon, dito nalang din pala ulit tayo magkakasama."

Fiancé
UP Alumni
****

Secret Files PHWhere stories live. Discover now