Unexpected love

314 7 0
                                    

Unexpected love

2007, December

Pag labas ng classroom may lalaking naghihitay sakin. Nursing siya.

"Ikaw ba si Clara?" tanong niya.

Oo, bakit?

Sumama ka sakin may ipapakita ako sayo.

Dinala niya ako sa gilid ng Nursing Bldg.

Mula sa malayo nakita ko ang boyfriend kong nakaupong mag isa.

"Boyfriend mo siya diba?" tanong niya.

Oo bakit? Bakit mo siya kilala? Anong ginagawa natin dito?

(Nakita kong may babaeng dumating at humalik sa boyfriend ko.)

"At siya ang girlfriend ko.. Ang babaeng pinakamamahal ko.."
-sambit niya.

Nadurog ako sa mga nakita ko. Namanhid ang buong katawan ko. Nanginginig ako dahil sa galit at sakit. Parang sinusuntok ako sa dibdib ng paulit ulit. Gusto kong lumapit pero di ako makagalaw sa kinatatayuan ko. Wala akong nagawa.. Wala akong nagawa kundi umiyak. Limang taon na pinaniwala akong, ako lang. Limang taon na sobrang daming binuong pangarap na akala ko tutuparin naming dalawa. Hindi pala.

"Bakit di mo pigilan? Bat di ka lumaban?" tanong ko..

Napaluha siyang sumagot nang..
"Para san? Kung sasaktan ko siya at ang taong mahal niya, mamahalin ba niya ulit ako? Babalik ba siya sakin? Hindi.."

Anong gagawin natin? Tanong ko.

"Tanggapin.. tanggapin na hindi sapat ung pagmamahal natin sa kanila. Tanggapin na masaya sila sa iba at hindi satin.."

Ako: "Ang sakit."

Siya: "Alam ko.."

Buong hapon kaming umiiyak. Tulala.
Nagsama ang dalawang -pusong sugatan.
Unang beses kong makakita ng lalaking umiiyak.

Sa kalagitnaan ng katahimikan pinunasan niya ang luha niya..

"Tama na ang pagluluksa. Marami pang dahilan para ipagpatuloy ang buhay. Makakakalimutan din natin yang mga hinayupak na yan. Tara ikain nalang natin to.."

Napangiti ako.

"Tara."

Kumain kami. Ang dami niyang kwento. Masaya siya kasama. Hindi namin namalayan ang mga oras na lumipas. Magkasama kami nang hindi naalala ang sakit na naramdaman namin kanina. Habang nag kukwento siya natutulala ako sa kanya at iniisip na "Bakit kaya siya iniwan ng babaeng mahal niya? Di niya alam kung anong klasing tao ang sinayang niya?"

Hanggang sa mapansin naming dumidilim na. Humingi siya ng tawad dahil sa hindi nya raw napansin ang oras. Nag prisinta siyang ihatid ako pauwi.

At yun ang simula ng mabuting pagkakaibigan namin.

Palagi kaming magka usap sa phone. Bago ako matulog magtetext pa yun ng ganito. "Alam kong hindi ganun kadaling kalimutan sila. Pero isipin nalang natin palagi na nabuhay tayo noon ng wala sila sa buhay natin kaya, kaya nating ipagpatuloy yun kahit wala na sila. Ikain nalang natin kapag naaalala natin sila.. Hehe Good night

We've been food buddies. Movie Marathon buddies na kapag may nakitang new movie makikipag unahan at siksikan para makapanood lang. Library buddies na palaging magkasama sa pag aaral at pag rereview sa Feu library. Pareho kaming Eraserheads die hard fan. Sa freedom park madalas kaming nakatambay. Dala ang gitara niya at mag papatugtog ng kanta ng eheads at sabay kaming kakanta. Isang text ko lang nandyan na siya, isang text niya lang nandiyan na ako. Nabuhay kaming hindi mapag hiwalay. Kulang na nga lang daw at magkapalit na kami ng mukha. Hindi lang kasi sa school at sa labas kami magkasama palagi dahil kapag wala siyang magawa sa bahay nila, dumadayo pa siya samin. Hindi naging mahirap para sa kanya i-close ang mga magulang ko dahil tuwang tuwa sila sa kanya sa pagiging pala biro at pala kwento niya. Sabay kaming grumaduate. Nasa tabi nya ako noon para mag motivate sa kanya sa board exam niya sa pagiging Nurse at sa kabaitan ng Dyos, nakapasa siya.

Hindi ko akalain na sa pagkawala ng taong sobrang minahal ko ay may mabuting kaibigang papalit na higit na magpapasaya sakin.

2009 Concert ng eraserheads sa MOA.

Habang kinakanta ang paborito naming kantang Ang huling El bimbo nagulat ako nang bigla niyang hinawakan ang kamay ko.. Hindi ko inasahan ang mga sumunod na pangyayari. Kasabay ng pag kanta ni Ely Buendia.

"..magkahawak ang ating kamay at walang kamalay-malay. Na tinuruan mo ang puso ko na umibig na tunay.. Mahal kita Clara."

Hindi ako makapaniwalang sa dalawang taong pagkakaibigan namin ay may itinatago siyang nararamdaman para sakin. Natuwa ako at sinagot siya ng "Mahal din kita" dahil ang totoo, pareho lang din ng nararamdaman ko ang nararamdaman niya na nag simula pa noong una kaming nagka kilala.

Pareho naming tinuloy ang mga pangarap na noo'y naudlot.

Ang dating best friend ko ay tatay na ng mga anak ko ngayon.
Hindi ako nagka mali sa pag kakakilala sa kanya. Isa siyang mabuti at mapagmahal na ama at at asawa sakin at sa mga anak namin.

"Itinadhana kaming masaktan. Itinadhana kaming pag tagpuin. Itinadhana kaming magsama hanggang sa huli."

Arkitek alumna
2008
Institute of Architecture and Fine Arts (IARFA)
FEU Manila

Secret Files PHWhere stories live. Discover now