BAKLA PALA HA, SIGE HAHALIKAN KITA

484 7 0
                                    

"BAKLA PALA HA, SIGE HAHALIKAN KITA"

Palaging akong inaasar ng babaeng classmate ko na bakla ako. Nung una hindi ko siya maintindihan. Di ko siya maintindihan dahil ako lang ang hinaharot at inaasar niya sa classroom namin. Maganda naman siya pero diko talaga maintindihan kung bakit trip niya ko.

Palagi niya akong inaasar ng bading porket matangkad ako at maputi ako, kesyo supot pa daw kasi ako. Kakairita.

Kaya nung tumabi siya sakin sa upuan ko habang nagsusulat ako, bumulong siya sakin na.

"Bading kaaaaa..."

Nag init dugo ko. Ewan ko pero parang nainis ako na medyo naaakit sa kaniya.

"Bakla ako? Sige hahalikan kita!"

Sabi ko sa kaniya nun pero mukhang hindi siya natinag.

"Sus, bading ka nam---"

Napabitaw ako sa ballpen ko and I kissed her.
Biglaan ang paghalik ko sa labi niya. Yung tipong halos manlaki ang mata niya sa apat na segundong paghahalikan namin.

"ANO?! BADING PABA TINGIN MO DUN?"

Sabi ko sa kaniya matapos ko siyang halikan. At imbis na siya pa ang umalis. Ewan ko ba pero ako pa ang tumayo para iwan siya.

Umuwi nako agad at di nako pumasok sa ibang klase. Ewan ko ba pero ang lambot ng labi ng babaeng yun.

Buong gabi akong gising at iniisip ang sandaling paghahalikan namin ng may biglang nag text.

"JB, sorry ah. Sorry kung palaging kitang inaasar na bading. Tangina, JB naman kasi e. Di moba ako napapansin huh? Gusto kaya kita! Gustong gusto kita!"

Nagulat ako at agad napatayo sa higaan ko.
Parang nag pump yung puso at dugo ko ng mabasa ang sinabi niya.

Hindi nako nakatulog. Hindi ko siya nireplayan nun pero text lang siya ng text. Gusto ko siyang gawing excited kinabukasan.

After that night. Umaga palang pumasok nako ng sobrang aga.

Kaya nung makita ko siya sa 7/11 habang naka upo malapit sa school namin. Lumapit ako sa harap niya. Tumayo at tinitigaan ang mga mata.

At agad ko siyang hinalikan.

I kissed her lips. Again.

At mas matagal na halik kumpara nung una.
"Liligawan kita."

Sabi ko sa kaniya habang gulat na gulat siya sa halik ko.

After five minutes of talk sa masinsinang titigan.

Wala na siyang ibang sinabi kundi

"Wag kana manligaw. Sinasagot na kita."
Wala ng iba pa ang nagpasaya sakin nung araw na yun.

Sobrang saya.

Ngayon patuloy na kaming nagmamahalan. Still fighting.

Langya. Sa halik ko lang pala siya mapapaamin at makukuha. Haha.

JB
20*
IAS
Unknkwn

Secret Files PHWhere stories live. Discover now