YOUR UNFAITHFUL SOON TO BE HUSBAND

478 5 1
                                    

"YOUR UNFAITHFUL SOON TO BE HUSBAND"

Ilang days na lang ikakasal na ko sa girlfriend ko sa loob ng 12 years, sa babaeng handa akong patawarin at tanggapin sa lahat ng kagaguhan ko sa loob ng mga taon na naging kami.

Pero etong confession ko na to ay hindi para sa babaeng papakasalan ko, Pero para sa Babaeng masasabi kong Karma ko. Naguluhan siguro kayo no? Ako din. Gulong gulo din isip ko sa mga oras na to, kaya dito ko na lang nilabas saloobin ko.

Bago ko umpisahan, gusto ko muna idescribe kung anong klaseng tao ako para dama niyo, And yes! Fckboy ako, manloloko, timer, gago o kung ano pa man kash*tan ganon ako. Pinag sasabay sabay ko silang lahat kahit alam nilang may Gf ako ng long term, pero okay lang sa mga side chick ko yung ganong set up basta hindi lang malalaman ng Gf ko. yung tipong pag out ko na bawal na sila magtx sakin at pang hanggang office lang sila. Btw mga kawork ko yung mga nagiging timer ko. Kasi para sakin pang playtime at bedtime ko lang naman sila.

Hanggang sa nagkaroon kami ng bagong kawork, kasama ng mga kabatch niya, pinakilala sila samin, Baduy man pakinggan para sa sira ulong kagaya ko pero grabe pre! nag slowmo talaga ng mga oras na yun nung nakita ko siya, na love at first sight ako literal. At sa isip isip ko, Magiging akin ka din. Hinanap ko agad email niya, facebook niya at inistalk ko yung profile niya, and nakita ko Single siya… Single Mom. Maaga siya nagkaroon ng Anak, at meron na siyang Bf pero hindi siya yung tatay ng anak niya. Hindi ko alam pero sa mga oras na yun parang may kumurot sa puso ko. Hanggang sa umisip ako ng moves pano ba ako mapapalapit sakanya, kung pano niya ko mapapansin. Hanggang sa puro kwento lang ako sa mga tropa ko sa work kung gano ako tinamaan sa babaeng yun, na makita ko lang siya kumpleto na agad araw ko. tinigilan ko muna pag kakaroon ng side chick sa office nun, at nag focus ako sakanya. Hanggang sa nag kakachat na kami pag nasa office. Hindi kami nabibigyan ng pag kakataon na magsama pag breaktime nun, hindi ko din siya malapitan kasi natotorpe ako. Oo! Natorpe ako sakanya. Kaya minsan may gusto ako ibigay sakanya, iniiwan ko lang sa table niya. Natatawa na lang din mga tropa ko bakit sobrang hina ko pag dating sakanya. E wala e, ewan ko din.

So Fastforward, Naging close kami, naging sabihan namin ng problema ang isat isa. lage kami magkausap kahit puro sa chat lang, kahit sa office ganon din hanggang chat lang din, hindi kami nag uusap ng personal, hanggang ngitian lang at dun ko pa lang nasabi sa sarili ko na “ay sh*t kuntento na ako.“ kahit ganon lang, Sobra! Nakuntento ako. Aware siya na gusto ko siya. Na mahal ko siya. hindi ko alam kung ganon din siya sakin, pero alam ko at ramdam ko na mahal din niya ko. Siya lang yung babaeng nirespeto ko ng ganto, maniwala man kayo sa hindi para sa fckboy na kagaya ko, Kahit holding hands hindi ko nagawa sakanya o magawa man lang. Nag pakaayos ako at nag tino . At Yes, Committed pa din kami parehas. Hanggang sa nalaman ng Gf ko yung tungkol sakanya. Yung gf ko ng 9 years ng panahon na yan, nakipag break ako. Mas pinili ko yung babaeng alam kong wala akong kasiguraduhan, na committed sa iba, na kahit kelan di niya sinabi sakin kung mahal niya ko. Wala e! siguro sobrang natanga talaga ako sa kanya. Na alam niyo yun? Kahit wala kayong physical attatchment. Sobrang saya ko sakanya. Dumating na din sa point na ang dami na din kumuquestion sakin na bakit ako nag papakatanga sa babaeng meron ng Anak? Bakit ko iniwan yung Gf ko ng mahabang panahon para sakanya? Basta ako hindi ko alam. Siguro ganon talaga nu? na pag napatino ka ng isang tao, sobrang lakas tlga ng impact na magagawa niya sa buhay mo. Hanggang sa nalaman niya na nakipag break ako sa gf ko at niligawan ko siya. Bakit ko daw ginawa yun? Pinapabalikan niya sakin yung Gf ko. Kasi hindi daw niya magagawang iwanan yung Bf niya at imposible daw na maging kami. Kasi madami daw siyang what ifs? At eto pa lng yung unang point na sinabi niya sakin na, “gusto kita mahalin, pero hindi ko siya magagawang iwan dahil sa gusto ko lang, madaming what ifs, pero wala ka mapapala sakin.” what if daw hindi mag work, what if daw hindi niya mahigitan yung years namin ng Gf ko, what if d daw tlga kami para sa isat isa. Tapos ayun, pinapabalikan niya sakin Gf ko, at sana daw mag tino na daw ako sa Gf ko. Sh*t diba! Ginawa ko lahat, pinusta ko na lahat, pero t*ngina d ko pa din siya maabot. At nakipag balikan sakin yung Gf ko, pumayag ako. Kahit nung nag kabalikan kami ng Gf ko, kinukulit ko pa din siya. nag eeffort pa din akong mapasakin siya, na sana makita naman niya ko.

*FASTFORWARD* Nag resign na din siya kasi kelangan na niya ulit mag aral. 2yrs and Half din yung pag aantay ko sakanya, pero wala e. mas pinili niya bf niya. Eto na talaga yung masasabing Karma ko.

*Fastforward* Nawalan din kami ng ilang months ng communication. Nagtino na ko sa Gf ko, Hanggang sa nag plano na din kami mag pakasal. sa oras na tinatype ko to ilang days na lang ikakasal na ko, at 1 week ago, Nag txt siya sakin ng “Congrats, Ikakasal ka na pala. “ late na nya nalaman na ikakasal na ko kasi sobrang busy nya sa studies niya. Pag kabasa ko ng tx niya, lakas bigla ng kaba ko. Yung nararamdaman ko sakanya, wala pa din nagbabago. Sa ilang months naming walang communication, siya pa din ginusto ko. Nag drive agad ako Papunta saknila pag kabasa ng txt niya kahit 2hrs din yung layo ng bahay namin sakanila, kinausap ko siya sa kotse nun.
sabi ko sakanya, “sabhin mo lang na wag ko ituloy, hindi ako mag papakasal” pero wala siyang sinabi. Gusto kong maiyak, kasi ang sakit sakit. Sa 2hrs na binyahe ko, wala pang 5 mins ko siya nakasama. Parang naiwan akong nakalutang. Sabihin niyo na gusto niyong sabihin alam ko, oo alam ko. Ikakasal na ko!! Na kung bkit pa ko mag papakasal kung hindi naman ako sigurado sa papakasalan ko. Pero pre kung kyo nasa kalagayan ko, hindi madali! Sobrang dali mag payo pero t*ngina pag ikaw na yung bida sa istorya, nakakabobo din. Akala ko pang teleserye o movie lang tong mga gantong ganap. Di ko inaasahan na yung isang sira ulong fckboy kagaya ko magiging isang tauhan din ng mga madramang buhay na ganto.

Hi, Kung nababasa mo man to. Hindi mo lang alam kung gano ako sobrang nasasaktan ngayon, ang daming babaeng ginusto ako, pero ikaw sobrang hirap mo maabot. Tayo na siguro yung literal na pinag tagpo pero hindi nakatadhana. Gustong gusto ko sabihin sayo na sana sakin ka na lang, sana tayo na lang dalawa, sana ikaw na lang yung babaeng papakasalan ko, na sana ikaw yung kasama kong haharap sa altar, na sana ako na lang minahal mo. Na sa lahat ng what ifs mo, ikaw ung lahat ng SANA ko. Ang sakit isipin na mas nauna pa kong mag confess dito tungkol sayo, kesa gumawa ng wedding vows para sa babaeng papakasalan ko.

At para sa babaeng papakasalan ko, Sorry kung hindi pa ko buo na kasabay mong mangangako sa Diyos. Sana mapatawad mo pa ko.

CT:Lasalle SF/repost.
Groom
201*
Others

Secret Files PHWhere stories live. Discover now